Ang Siga at ang Torpe (One Shot)

2K 57 4
                                    

SOBRANG CORNY. I-EEDIT PA. KALMA KA LANG.

Ang Siga at Ang Torpe
[One Shot Story]
ni: WaitingToBeLoved

xxx

"Anne, mahal na mahal kita. Sorry kung ngayon ko lang nasabi. Sa totoo lang, na-torpe talaga ako. Hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin sa'yo dahil baka barahin mo lang ako. Alam mo na, kilala ka sa school na 'to bilang siga. Anne, can I court you?" nakatalikod lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. 'Di ba dapat maging masaya ako? 'Di ba dapat magpa-party na ako? Nasasaktan ako, nasasaktan ako para sa kanya. Bakit ngayon lang siya umamin kung kelan may mahal na akong iba?

"Sorry din, minahal kita pero may mahal na ako ngayong iba. Let's just be friends. Doon naman tayo nagsimula 'di ba?" hindi pa rin ako humaharap sa kanya pero narinig ko ang paghikbi niya. Haharap na sana ako sa kanya pero nakita kong tumatakbo na siya.

"Teka lang! Bitoy!"

"Choi!" shet. Panaginip lang pala. Bitoy? Sa pagkaka-alam ko eh wala naman akong crush na Bitoy. Parang ang pogi niya, likod pa lang, alam na. Pero baka naman talikodgenic lang siya? O baka naman, si Michael V yun? Nooooo!

"Choi!" nagulat ako sa sigaw ni Ginoong Arceo, ang guro namin sa Filipino na may batas na kailangan eh gamitin daw namin ang ating sariling wika sa klase niya. Woah. Lalim nun ah. Lol. Napa-angat ang ulo ko mula sa pagkakatungo sa arm rest at nakita ko siyang nakatayo malapit sa row namin. Patay na.

"Nandito po ako Ginoong Arceo! Present!" nakataas ko pang kamay na sabi. Napatingin naman ako sa paligid at pansin kong nakatingin lahat ng mga kaklase ko sa akin. Mga mukha nila eh parang nagpipigil ng tawa. Kilala ko yang mga yan! Bawat hinga at utot nila, alam ko ang ibig sabihin! Tatawa yang mga yan in three, two-

"HAHAHAHA!" wala pa nga eh. Bwiset!

"Grabe Anne! Anyare sa mukha mo?!" urur. Litsi ka.

"Sino si Bitoy?" paker ka Diego! Mga walang hiya. Tawa ng tawa. Humanda kayo sa 'kin mamaya, mga abnoy!

"Tumahimik kayo at sagutin na ang inyong pagsusulit," tumahimik naman ang mga mahal kong kaklase at bumalik na sa kanilang mga ginagawa na parang walang nangyaring pamamahiya sa akin. Tch.

"Binibining Choi!" napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Mauuna pa ata akong mamatay kesa dito sa ginoong ito. Hahaha. Joke.

"P-po?" kinakabahan kong sabi habang inaayos ang cap ko. Kahit na siga at maganda ako eh kinakabahan talaga ako. Baka pagreport-in na naman ako nito ng tatlong kabanata sa El Fili. Ayoko na please.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na 'wag na 'wag ka nang magsusuot ng sumbrero sa klase ko?" pagkasabi niya nun eh agad kong tinanggal ang cap ko kaya lumadlad ang mahaba at malambot kong buhok. Oy ah. Hindi ako nang-eechos. Malambot talaga ang buhok ko. Commercial model kaya ako ng Cream Silk. K. Yun ang echos.

"At isa pa, bakit ka natutulog sa klase ko? Matutulog ka na nga lang eh nagpapahalata ka pang bata ka. Nakakalimutan mo na bang hindi ako ang nagche-check ng attendance sa klase niyo kung hindi ang secretary?" oo nga pala, nakalimutan ko yun. Pahiya ako konti kanina. Ay, madami pala. Pero teka lang ah, hobby na ata ako nitong ipahiya ako sa klase. Masyado akong paborito. Sus.

Dahil sa hindi na talaga ako makapagpigil sa kalbong 'to, tumayo ako at tinaasan siya ng kilay. Hah. Asa ka namang yuyuko ako at hihingi ng patawad, "Alam mo po Ginoong Arceo, kanina pa kayo nagbabanggit ng mga Ingles na salita. Paano kami susunod sa batas niyo kung ang mismong nagpapatupad nito ay hindi sumusunod? Pangalawa po, akala ko ba kayo ang aming mga pangalawang magulang at ang paaralan na ito eh ang aming pangalawang tahanan? Kung ganoon eh bakit hindi kami pwede matulog dito? Grabe ah. Ka-stress kayo to the 8th power." nilagpasan ko na siya at pinalakpakan naman ako ng mga kaklase ko. Hah. Bawing-bawi.

Ang Siga at ang Torpe (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon