HMJ's Note:
Dedicated po ito kay PRINCESS MARIEN! Nakakatouch kasi ang 3 days straight na pagbabasa niya para lang makahabol sa current chapter ng story ko :"> Love you bhe!!
Also read chukuleeyt's book! and my other book, short story, Secretly Inlove! <3
I love you all my READERS!
------------
[ZOE'S POV]
"Siya ba iyon?"
Hindi ko alam kung bakit ako tinitingnan ng buong school ngayon, maski college students tinitingnan ako. Nagpunta na ako sa C.R at tiningnan kung may dumi ba ako sa mukha o katawan.
Wala naman.
It's been three days 'nung pumasok ako at three days na din ang nakakalipas simula 'nung umalis si Brian.
Hindi na siya nagpakita.
Oo, three days ko siyang hinintay. Hindi ako umalis ng bahay para lang masigrado na kung pupunta siya andun ako.
Kaso wala eh.Wala talagang bumukas ng pinto o kahit silip man lang.
"Oo siya nga iyon,"
"Siya iyong nasa Benevolent section 'diba? Ang chaka!"
Ito ang rinig ko sa mga college management students na naguusap sa gilid ko habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
Wala ako sa mood mamansin ngayon. Siguro ay dahil isa lang ang gusto ko makita.Isa lang ang gusto ko pansinin.Pero paano?
Nasasaktan ako.Halos maubos ang uhog ko 'nung gabing iyon.
Hindi ako nakatulog. Bakit? Hindi ko rin alam e.Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nasasaktan o kung bakit ako umiiyak ng ganito.
Pagpasok ko ng room, biglang tumahimik.Hindi ko alam kung bakit. Kahit sina Jhun,Lester at Anton ay nakatingin lang saakin na parang naiinis na ewan. Iniwasan ko nalang ng tingin ang lahat at umupo ako sa upuan ko.
Alam niyo ba iyong Awkward?
Ito iyong nararamdaman ko, gusto ko sanang sabihin sa kanilang 'ano ba tinitingnan niyo saakin? Insecure ba kayo kasi lalo ako gumaganda?' Eh kaso wala ako sa mood itanong at makipagbiruan.
Natapos ang 1 subject yet their eyes are still looking at me.
"Ssh! Marinig niya tayo!"
"Itanong mo na kasi!"
Napabuntong hininga ako.Kung ayaw nila magapproach, fine. Ako na.
Kaso magsasalita palang ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking walang ekspresyon ang mukha.
Umupo sa tabi ko without looking or glancing at me na para bang walang nageexist sa tabi niya.
So tinotoo niya pala iyong sinabi niya 'nung gabing iyon. Lalayo siya.
Edi okay! At least wala nang gulo diba? Wala nang masungit at nakakairita. Wala nang war tuwing umaga at sy'mpre wala nang masasaktan pa.
wala nga ba?
KRINGGG!
Tumunog ang bell hudyat na para sabihing tapos na ang 3 subjects na tinutulugan lang din at lumamon na. Tumayo siya agad at lumabas at tumayo din ako para lumapit kina Anton. Kaso 'nung paglapit ko,
"Tara na guys. May paparating na stranger."
Kumunot ang noo ko at nagtaka.
Kailan pa nag taglish si Lester? Mostly kasi murahan lang ang alam niyan e!
BINABASA MO ANG
MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)
Teen Fiction"There will always be a reason why you meet people. Either you need them to change your life or you’re the one that will change theirs." Learn to fall in love again! ^_^