A/N: Eto na po ang sequel ng Ignored Feelings. Sana po suportahan niyo.
Mas maganda pong basahin niyo muna yung Ignored Feelings fpara mas lalo niyong maintindihan yung story na ito. :)
Comment & Vote please! :)
---------
‘Maybe, loving someone who doesn’t love you back is painful..
But what’s more painful is seeing him sad and in pain..
Or, making your love a rebound?’
----
“Oh, jusko! Ano ba naman ito, diba, langhiya! Nagmukha akong tanga, pinaasa niya lang ako, lecheng pag-ibig to oh Oh. Jusko. Oh, Ano ba naman ito? Oh. Ohhh. Ohh.”
Nung pagkabukas ko ng pinto, may bumungad sa aking nilalang. Shete. Ang pogi niya talaga. Haaay. Pero, bat parang may balot ata yung kamay niya? May sugat kaya yun? Ano kayang nangyari dun? Hmm..
Ohshit. Nakalimutan ko, kumakanta pala ako no? HALA KA, PALAKA. :OO
“Hala, narinig niya ata akong kumakanta. Tsk. Basag pa naman tong boses ko. Nako naman. Stupid mo talaga, Donna.” Tsssssk. Nakakainis naman. Kasi, kung bakit pa siya dumaan dito sa may girl’s CR. Sus. E hinde rin naman ako mapapansin neto. Siguro, nakalimutan na niya ako yung seatmate niya nung 1st year, eh pano.. nakabaling lang naman yun kay Merry, ang babaeng pinakamamahal niya. Pero, ang alam ko, nagkakamabutihan na sila ni David ah. Kawawa naman si Ric. Parang ako lang, hindi niya mapansin. Parehas lang naman kami ng sitwasyon.. Haaay. Drama ko. =__=
Bumaba na lang ako papuntang classroom.
“Donna! San ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap ah.” Sabi naman ni Elyz, isa sa mga close friends ko sa classroom.
“Ha? Nandun lang ako sa CR. :)”
“Eh? Kanina ka pa dun? Ang tagal mo naman.” Oo nga no. 5 minutes ata akong nandun? Bakit? Hahaha. Naalala niyo, nagcoconcert nga kasi ako. Duh. Loljk. Wala lang, gusto ko lang ng privacy at gusto ko lang kumanta from the toooooooooooop of my voice ng walang nakakarinig sa akin. But, epic fail. Narinig ako kanina ni Ric. Narinig ako nung.. nung.. ugh, nevermind.
“Hehe.” Yun lang nasabi ko. Ayoko naman sabihin sa kanya na nagco-concert ako dun sa CR kasi alam kong pagtatawanan niya ako.
“Oh. By the way, alam mo ba yung latest rumour ngayon?” haynako. Ang tsimosa talaga netong girl na itey.
“No, at wala akong pakialam.” I coldly said.
“Weh. Kahit pa about ito kay Ric?”
“H-ha? O-oo naman no!” Ric. Ric. Ric. Sa totoo lang, gusto ko malaman yun.
“Sus. O-oo naman daw. Nauutal-utal naman siya.” Natatawa pa niyang sabi. Hindi nalang ako umimik.
“Okay. You seemed to be not interested at all. Sige. Hindi ko na nga sasabihin.” Narinig kong sabi niya ulit. Tatalikod na sana siya at maglalakad palayo nang higitin ko siya papunta sa upuan ko.
“Go, ikwento mo na.” sabi ko.
“Oh? Akala ko ba, hindi ka interesado at wala kang paki?”
BINABASA MO ANG
Rebound Love (Ignored Feelings sequel)
Teen Fiction‘Maybe, loving someone who doesn’t love you back is painful.. But what’s more painful is seeing him sad and in pain.. Or, making your love a rebound?’ ~So, here's the sequel of Ignored Feelings. Please support! :)