Siguro nga hindi ako kasing galing nilang gumawa ng kuwento pero sa mga sasabihin ko gusto ko totoo lang, Hindi gawa gawa lamang ngunit totoo lang. Hindi ko alam kung bakit ako nagsusulat pero gusto ko lang ilabas lahat ng naiisip ko. Magulo man sa umpisa pero alam ko maiintindihan niyo din ako kapag hindi ka nagsawang basahin ito.
Madaldal daw akong tao sa sobrang dami kong kuwento at sabihin minsan hindi ko na sinsasabi sa iba sinasarili ko na lang hindi dahil sa ayaw kong magtiwala sa kanila kung hindi mas maigi ung ganun. Kanya kanya tayong pakiramdam bakit ba. May mga katanungan ako sa sarili ko madaming kuwento ngunit sa daming katanungan minsan hindi na nasasagutan minsan naman nalilipasan na ng panahon minsa nasasagot hindi nga lang ganun kadali.
Bata pa lang ako mahilig na akong magsulat bakit nga ba?? hindi ko din alam siguro eto na ang paraan par maexpress ko ang sarili ko. Buti pa kasi ang notebook at ballpen magkuwento ka lang hindi ka pipigilan, hahayaan ka lang masaya man o malugkot makikinig lang siya.
Bata pa lang ako mahilig na akong maglaro batang 90's eh, kaya lahat ng larong kalye alam ko. Masyado akong masaya nung kabataan ko. sobrang masaya. Hindi kami mayaman hindi rin mahirap sakto lang. Nasa magandang kumpanya si papa nsa maayos ng trabaho din si mama. Wala akong iniisip kung hindi mag aral , mag laro at kumain. Ang sarap maging bata.
Sa sobrang sarap nakakalimutan ko ng may mga tungkulin din akong dapat gawin. Ang mga gawaing bahay. Sa tuwing darating sina mama at papa sa bahay dapat nasa bahay na din kami. Bawal ang nsa kalsada pa, dapat nakapaglinis na din ng katawan, lahat dapat sundin. Kung hindi mapapalo.Naalala ko pa noon ang mga laruan ko maganda hindi man sobrang dami pero maganda. Tuwing linggo pupunta kami ni mama sa palengke ibibili niya ako ng paborito kong kakanin . Ibibili niya ako ng bagong damit o kaya bagong tsinelas. Bibili kami ng ulam. Pakiramdam ko ang yaman yaman ko. Uuwi kami ng bahay bago mag alas dose ng tanghali.