Hi mahal!May ipapaalala lang ako sayo,
Yung mga panahong nililigawan mo
palang ako, para mapasagot ako ng matamis na oo.
Mahal, kitang kita ko lahat ng effort mo,
Simula sa bahay hatid-sundo mo,
Sabay ba-bye at halik sa noo,
Simula sa pag kausap sakin gabi gabi,
Na nagpapahirap sa pagtulog ko ka kangiti,
Yung pag kamusta mo sakin kahit busy ka,
Na kahit minsan, ini ignore kita.
Mahal, napakasaya ko nang mga araw nayun,
Sinabi mo pa sakin na sobrang mahal mo ako nun,
Nagpadala ako sa emosyong ibinibigay mo noon,
Hindi ko tuloy matukoy kung alin ang totoo doon.
Pero sa gitna ng lahat ng yun,
Nahulog ako sa diko namalayang dahilan,
Nahulog ako sa mga salitang iyong binitawan,
Umasa ako na lahat ay totoo.
Mahal, alam mo kung gaano kita minahal,
Kulang ang salitang mahal na mahal,
para maiparamdam ko sayo ang totoo kong nararamdaman.
Pinaramdaman mo din sakin kung gaano mo nga ako kamahal.
Dumating yung panahon na sinagot kita ng Oo,
Sobrang saya mo na halos mabuhat mo na ako,
Pinaramdam mo pa lalo na sobra ngang mahal mo ako,
Tumagal ang panahon ng pagmamahalan naten mahal,
As in tumagal lang, pero hindi gaya ng pinangako natin sa isa't isa na tayo na ang pang walang katapusang pagmamahalan,
May mga bagay na nagbago,
Yung dating mahal na mahal mo, naging mahal nalang.
Mahal bakit ganun?
Akala ko ba walang magbabago?
Akala ko walang iwanan?
Pero dun humantong ang lahat!
Mahal na mahal kita! Pero ikaw mahal lang,
Mas lalo kang nanlamig kahit tag init,
Wala nga siguro akong karapatan magreklamo, pero mahal!
Mahal na mahal kita pero bakit ka nagbago?