"Nasaan tayo?" Tanong ko nang makatakas na kami ni Taylor sa tulong ni Keith.
Napatingin ako sa aking paligid. Hindi ko mawari kung nasaan nga ba kami. O kung saan man kami dinala ni Keith. Palutang-lutang lang kami. Ang daming kulay na para bang naka swirl sa buong paligid saan man dumako ang aking mga mata.
"Nandito tayo sa loob ng aking bolang kristal." Sabi ni Keith. "Huwag din kayo maingay dahil nasa loob ng kristal na ito ang iba pang mga entity na napugsa ko na dati kabilang ang kaluluwa ng babaeng sumanib sa katawan ni Juno. Pero huwag kayo mag alala. Dahil lahat ng entity na nakakulong dito ay natutulog. Kaya hindi nila tayo mapapansin."
"Teka, bakit dito mo kami dinala. Diba kaya mo naman mag teleport sa ibang lugar. Bakit sa loob pa mismo ng bolang kristal tayo nagtago?" Nagtatakang tanong naman ni Taylor.
"Limitado na lamang ang kapanyarihan ng aking bolang kristal pagdating sa teleportation. Na occupy na kasi ng maraming masasamng entity ang bolang kristal. Kaya naapektuhan na rin nito ang limitasyon sa teleportation. Puwede na lang ako mag teleport sa isang lugar sa loob ng isang araw. " Sagot ni Keith." Kung kaya ginagamit ko na lamang ang teleportation na kapanyarihan ng aking bolang kristal kapag nasa peligro ako o kailangan na talaga.
Habang palutang-lutang kami sa loob ng bolang kristal ni Keith ay may nakita akong pulang liwanag na biglang lumitaw sa amin. Bigla itong lumapit sa akin ngunit itinaboy din ito ni Keith agad at naglaho sa pormang usok.
"Ano iyon?" Tanong ko kay Keith.
"Huwag ninyo pansinin masyado iyon. Isa lamang iyon entity na nakakulong dito sa bolang kristal. Siguro nagising ito. Pero huwag kayo mag alala dahil may proteksyon tayo laban sa kahit anong nilalang o entity na nasa loob ng bolang kristal na ito." Paliwanag ni Keith.
"Maiba nga pala ako. Sino ang gustong pumatay sa inyo?" Tanong ni Keith.
"Hindi namin alam ni Demi. Nagulat na lang kami nang biglang sumulpot ang psychopath na iyon sa pamamahay ko." Sabi ni Taylor na napaismid pa.
"Ang dami na nangyayari simula noong bumalik ako sa bayan ng La Paz." Sabi ko sabay buntong hininga.
"Matatapos din ang lahat. Nararamdaman ko Demi." Sabi ni Taylor sa akin sabay patong ng kanyang kamay sa aking balikat.
Mayamaya pa ay napansin kong nagliwanag ang kanang kamay ni Keith.
"Ano ang nangyayari sa kanang kamay mo Keith? Bakit nagliliwanag ito ng asul?" Tanong ko.
"Ito ang espirituwal na enerhiya ng aking bolang kristal. Ipinapahatid ng aking bolang kristal na umalis na ng bahay ni Taylor ang taong gustong pumatay sa inyo. Sa ngayon ay ligtas na kayo sa bahay muli ni Taylor. Maari na rin tayong lumabas sa bolang kristal." Matapos no'n ay bumalik na nga kami sa bahay ni Taylor. Sa kuwarto kung saan kami sinaklolohan ni Keith.
Pagbalik namin sa kuwarto ni Taylor kasama si Keith ay laking gulat namin nang nagkalat ang lahat ng mga gamit. Ang mga unan sa kama ni Taylor ay pinagsisira at nag sabog sa ibabaw nito ang mga laman na cottons. Ang kurtina naman ay pinagpupunit. Ang compter desk din ni Taylor ay nakabagsak sa sahig. At marami pang gamit na nakakalat sa bawat sulok. Mukhang napakalaki ng galit ng taong gumawa nito.
Napaisip kami tuloy lahat kung may tao bang nakaaway si Taylor kaya gusto siyang patayin nito sa kanyang bahay.
Pumunta naman kami sa salas ng bahay ni Taylor. Hindi naman magulo. Hanggang sa dumako kami sa kusina. Doon ay nakita namin ang nagkalat na mga bubog sa salamin ng bintana.
"Guys, may iniwan na sulat ang babaeng nanloob sa aking bahay." Sabi ni Taylor sa amin. May nakita siyang sticky note na kulay pula nasa ibabaw ng dining table. At nagulat kami nang binasa namin ito lahat.
"Isang malaking pagkakamali ang pag uwi mo muli sa La Paz, Demi. Kamatayan ang igagawad ko sa'yo katulad ng nangyari kay Juno at Nick. At kahit kailan hindi mo mabibigyan ng tuldok ang misteryo sa pagkamatay ng dalawang taong malapit sa'yo. Dahil sa susunod na paghaharap natin sisiguraduhin kong sisirit na ang dugo sa iyong kalamnan. Haha!"
Siguro isang minuto rin kami napatanga nina Taylor at Keith sa nabasang mensahe mula sa taong iyon. Buong akala namin si Taylor ang talagang target ng pyschopath na ito. Pero ako pala talaga.
-----End of chapter 25-----
Please vote and comment below. Thanks
BINABASA MO ANG
Juno (Series Vol. I Completed)
Horror(Dark Fantasy Series #1) Highest Ranks: #1 in Katatakutan 8/19/21 #1 in Paranormal 8/3/21 #10 in Katatakutan 6/12/21 Brief Synopsis of Juno: Isang kababalaghan sa nakaraan ang muling babalikan ni Demi sa bayan ng La Paz, sa probinsya ng Tarlac na...