Hanry's POV
Kakarating lang namin sa International Airport ng New York. Excited na excited ang mga girls specially Andrea.
Sabi niya first time niya sa New York kaya di magkandauga-uga ang pag-empake. Kahapon ko pa napansin ang pagtahimik ni Mika. Matapos niyang tanungin kahapon kong asan na sina Zoe ay di na siya muling nagsalita.
Paglabas namin sa Arrival area ay hinanap agad namin ang kukuha sa amin.
May kumaway na lalake malapit sa exit.
'Welcome to New York! Mr. and Mrs. Harvin and Company'
Minuwestra kami ni Tita Jan papunta doon sa lalake. "Good Morning Madam And Sir... Same to all of you Ladies and Gentleman" bati nung lalake sa amin. Grabe ang formality. Dude, its the 21st century, drop the super formality. I laughed at my idea. Baliw na yata ako.
Sumakay kami sa isang Hi-Ace Grandia. Hindi naman halata na mayaman si Tita Jan ano?
"Oh my Golly God!" Sigaw ni Andrea ng makapasok kami sa City proper. "Ngayon ka lang nakapunta sa mga syudad Andrea?" Natatawang tanong ni Mike. "H-Hindi naman Mike.. First time ko kaya dito sa New York.. Sa New York ha so normal lang to" sagot ni Andrea.
Nagtawanan naman kami sa kakulitan nilang dalawa. Tahimik pa rin ang katabi ko na pangiti-ngiti lang. Ano bang problema nito?
"Mika! Pahingi foods!" Maktol ni Zoe na nasa tabi niya. "Yaw ko nga! I love my foods!" Sagot ni Mikaat nagpout. Shit! Ang cute niya.
"Sige na oh! Damot nito..." Maktol ulit ni Zoe.
At nagsimula na naman silang magbangayan. Tsk.
Huminto muna kami sa isang restaurant para mag-agahan. 12 hours trip is exhausting, I'm telling you.
"Order na kayo girls, boys.. Stuff yourselves" hayag ni Tita Jan sa amin kaya kanya-kanya kaming kuha ng menu.
"Hindi naman halata na gutom kayo ano?" Kantyaw ni Zoe. "Nagsalita ang hindi patay-gutom..." Bulong ni Harvey na nasa tabi ko lang.
"Hoy panget! Narinig ko yun! Hindi ako PATAY-GUTOM! PaaaaNGET!" Hala nagsisigaw na si Zoe. "Ang ingay mo Zoe!" Saway ko.
"Hoy Kapre! Wag lang sabay ng sabay!"
Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.
Eto na naman. Lumalakas ang tibok ng puso ko sa tuwing inaaway ako ni Mika. Baliw na nga siguro ako.
"Oii, umingay na ulit sila!" Kantyaw ni Mike sa amin. Sinabayan naman nila si Mike kaya umingay ang table namin. Kahit si Tita Jan ay nakikantyaw.
"Maingay naman talaga kami ah?" Takang tanong ni Mika. "Eh bigla kayong tumahimik Simula kahapon eh?" Sabi ni Hannah. Lumapit ako Kay Mika at inakbayan siya. "Okay naman kami ni Mika. Ano ba kayo!" Sabi ko at ngumisi kahit ang lakas na ng kabog ng puso ko.
"Tse! Kapre!" Sabi ni Mika sabay hawi sa kamay ko.
"O tama na. Let's go.." Sabi ni Tito Gab at nagsilabasan na kami sa restaurant.
°°°°°
Pagdating namin sa bahay ay bumungad agad sa amin ang nag-iisang anak ni Tita Jan. Si Jace...
"Couz!" Sigaw niya at agad lumapit sa amin at nakipag-bro fist. Kilala siya nina Daniel dahil madalas kaming magkita sa Pilipinas.
"Anak, nagbakasyon ka pala dito?" Takang tanong ni Tita. Gago talaga tong pinsan ko di man lang in-inform si Tita na andito siya. "Kahapon pa ako dumating Ma. I was trying to call you and Dad pero Hindi ko kayo makontak." Paliwanag niya.
Lumapit si Harry sa kanya at inakbayan siya. "Sinong tinakbuhan mo sa Pin as ha?" Pang-aasar niya. Sinapak siya ni Jace sa braso, kunwari. "Tinakasan. Ako? May tatakasan? Sa gwapo Kong to?"
"Connect?" Asar pa ni Harvey.
"Ehem...ehem.."
Napatingin kami sa tumikhim.
"Pwede niyo naman sigurong ipakilala ang pinsan niyo diba?" Sarkastikong tugon ni Zoe. Ngumisi si Harvey sa kanya bago sumagot.
"Panget, wait ka lang ha. Wag atat." Asar ni Harvey. "Wait wait eh kanina pa kayo. Kinalimutan niyo yatang may kasama kayo" sagot ni Mika.
"Tampo ka naman Mika" sabi ko at inakbayan siya.
"Girls, this is Jace Harvin, only son ni Tita Jan at Tito Gab. Jace bro, this Panget este Zoe, Mika, Elle, Divine, Kaith, Andrea at Hannah, youngest namin." Pakilala ni Harvey sa mga babae.
Lumapit bigla si Jace Kay Mika.
"Jace Harvin, miss... What's you're name?" Tanong niya Kay Mika. "Hi Jace, I'm Mika, Mikaella Cosmos" pakilala naman ni Mika.
Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Hindi ko rin gusto ang nakikita ko. Baliw na nga ako.
"Tss.." Naibulalas ko. Halatang narinig ito ni Hannah. Nakaramdam ng tensyon sa paligid kaya lumapit so Hannah Kay Jace. "Hi Kuya Jace!" Bati ni Hannah Kay Jace kaya na-divert ang atensyon nito Kay Hannah.
"O Hannah! Mailap Kong pinsan. Finally, after more than a decade nagkita ulit tayo.."
Did someone mention that Hannah was born in Los Angeles, California and she just went to the Philippines at the age of 10. Sa Pilipinas na siya nag-Grade 5. I was in Grade 7 that time pati si Harvey habang si Harry at Harold ay Grade 6. She was seldom seen by our relatives because she's been staying in our house in LA together with our Yaya. Though, alam naman ng mga relatives namin na may kapatid pa making apat. Kaya ang tawag sa kanya ay Pamangking mailap. They just saw her once or twice.
"Nagkita na tayo Kuya?" Tanong ni Hannah. Isa pa, makakalimutin. Jace met her on her 4th birthday. Surely, matagal na but still. "Makakalimutan ka pala couz? On your 4th birthday, I was there. But your still so small kaya di mo na ako makilala..."
Tinawag na kami ni Tita Jan kaya nagsipasukan kami. Nahuli kaming mga lalaki. Ng biglang may tunawag sa amin.
"Sanders!" Napalingon kaming pito. Oo, pito kasama yung tatlo kahit Hindi Sanders, mga feelingero o.
And it's her. And childhood bestfriend naming apat. Ang childhood crush ko.
Tala.
"Tala!?" Sigaw naming apat habang ang tatlo naiwang nagtataka. "Nagbakasyon rin kayo dito?"Tanong niya.
"Di obvious dyan sa'yo Ashreed?" Pang-aasar ni Harold. Tumawa naman si Tala. "Hindi eh. Paki niyo?" Nagkaroon ng katahimikan.
"We miss you!" Sabay lapit namin sakanya. "I miss you too mga bro!" Nag-group hug naman kami at siya ang nasa gitna. Paghiwalay namin ay tumambad ang nagtatakang mukha ni Ivan, Mike at Daniel.
"What are we missing here?" Tanong ni Daniel.
"Guys, meet Tala Ashreed. Childhood bestfriend namin. Tala, this is Ivan, Mike and Daniel. Tropa namin.." Pakilala ni Harry. "Hi mga bro! Nice meeting you..." Bati ni Tala. "Nice meeting you rin Tala..." Bati ni Mike na may kindat. "Mike, di yan papatol sa kauri niya." Sabi ni Harvey.
"Lalaki ka?" Gulat na tanong ni Mike. Binatukan naman siya ni Ivan. "Slow ka rin eh no? Babae yan kita mo naman siguro ang hubog ng katawan ano? Boyish yan boyish!" Pangaral ni Ivan.
Sabay kaming nagtawanan at inasar pa si Mike.
"Nagbabakasyon ka rito?" Tanong ni Harold. She smiled weakly. "May tinakasan lang." Oh I sense pain there.
"Lalaki ano?" Pangungutya ko. "Baka..." tipid niyang sagot.
Mat problema talaga to.
Nagkwentuhan pa kami not minding na ipasok ang mga gamit namin.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's SISTER?! (Sanders Series 2) - MAJOR REVISION
RomanceSabi nila swerte daw ako. Wanna know why? Simple, dahil ako lang naman ang kaisa-isang kapatid na babae ng mga tinaguriang Campus Bad Boys.. Mayayabang, Mayayaman, Mapang-asar, Womanizer, Playboy at syempre gwapo... Iba't - iba ang ugali nila. Yung...