Love
Kanya-kanyang reklamo ang mga kaklase ko nang matapos ang test sa dalawang subjects, Chemistry at Calculus.
"Ikaw lang ata ang walang reklamo." Nakasimangot na saad ni Ashley. Tumawa lang ako.
Lumapit na rin sa amin si Drake.
"Drake, baka gusto mong sumabay naman sa amin mag-lunch?" Saad ni Britney habang hinahaplos pa ang balikat ni Drake.
Miyembro ng cheering squad si Britney kaya kilala rin siya sa school. Pero hindi lang dahil sa cheering squad kaya siya kilala, kilala rin siya dahil sa lingguhan niyang pagpapalit ng boyfriend. Literal na linggo-linggo.
Tinanggal ni Drake ang kamay niya kaya natawa ako. Kahit kasi makulit at maloko si Drake, hindi siya pumapatol kung kani-kanino. Magkaibang magkaiba sila ni Derick.
Lumapit siya kay Ashley at kinuha ang kamay nito.
"Nakikita mo ba 'to?" Saad niya habang ipinapakita kay Britney ang magkahawak nilang kamay ni Ashley.
Natawa ako nang makita ang seryosong mukha ni Ashley habang pilit na tinatanggal ang kamay ni Drake sa kamay niya.
"I hate you Ashley Miller!" Maarteng sigaw ni Britney bago lumabas ng classroom. Kasunod niya ang mga alipores niya na may makakapal din na make-up.
"Drake!" Saway ni Ashley kay Drake pero kinindatan lang siya nito.
Hindi na talaga ako magugulat kung isang araw ay malaman ko na lang na totoo ang nararamdaman ni Drake kay Ashley.
Natatawa na lang ako habang nakasunod sa kanila. Hindi pa rin kasi binibitawan ni Drake ang kamay ni Ashley kahit na papunta na kami sa canteen.
"Hi Drake!" Bati sa kanya ng isang babae na blonde ang mahabang buhok.
Ngumiti lang si Drake at itinaas ang magkasalikop nilang kamay.
Halata ang panghihinayang sa mukha nung babae at sa mukha ng iba pang babae na nakakita sa ginawa ni Drake.
Nabigla ako sa sunod na ginawa ni Ashley. Siniko niya kasi ng malakas si Drake sa tagiliran nito, dahilan para mabitawan nito ang kamay niya.
"Ashley!" Sita ni Drake sa kanya pero dinilaan lang siya ni Ashley.
Saka ko lang natanaw sa di kalayuan ang paparating na si Derick at Zach. Nakasuot silang dalawa ng basketball jersey at pawisan pa kaya talagang natigilan yung mga babae at nagtilian. Kulang na lang ay tumulo ang laway nila.
"Hey." Bati ni Drake sa kanila.
Nilagpasan siya ni Zach para lumapit sa akin.
"How was your day?" Nakangiting tanong niya.
"Exhausting." Natatawang sagot ko.
"Tingnan mo 'tong taong 'to, si Mira lang talaga ang nakikita." Saad ni Drake.
"Hindi ka pa ba sanay?" Inakbayan ni Derick si Drake at sabay silang pumasok ng canteen.
Habang nakasunod kami sa kanila ay naagaw ni Ashley ang atensyon ko. Tahimik lang kasi siya at seryoso ang mukha.
May nangyari bang hindi ko alam?
"Zach, wala ka bang napapansin kay Ashley?" Tanong ko sa kanya.
"What do you mean? Yung pagiging tahimik niya ngayon?"
Tumango ako.
"She's been like that since last night. I don't really know what happened basta nag-usap sila ni Derick in private. I tried to ask Derick kung anong napag-usapan nila pero ayaw naman niyang sabihin." Saad niya.
BINABASA MO ANG
To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)
RomanceCOMPLETED || WATTYS 2017 SHORTLIST The story of a girl named Almira Owens, also known as the student council president slash running for valedictorian. She was living a happy and quiet life until someone came. She knew what she wanted ever since but...