This story is Fanfiction lang po. Yung mga pangalan, lugar o kung ano pang mga nabanggit sa storya ay kathang isip ko lamang po. Maraming salamat :)
-jinysus____Cassandra Abueva
#RuinedFromTheVeryStart
Agad akong pumasok sa kwarto ko at sumalpa sa kama ko at pumikit. Ayoko ng ganito, ang ingay sa labas. Sumasakit tenga ko sa mga sigawan at nagbabasagang bote sa sala. Ayoko ng ganito palagi. Nagsasawa na ako, at sawang sawa na ako. Hindi ko alam kung bakit araw-araw silang ganyan. Kung di nila mahal ang isa't isa edi mag hiwalay sila. Pinapahaba pa ang storya.
"Cassandra! Cassandra, bumaba ka dito!"sigaw ni dad. Naka inom ata sya pagkagaling sa trabaho.
Natigilan naman sila ng bigla kong sinara yung pintuan ng kwarto ko ng napakalakas. Sigi, sigawan nyo ako. Na isa akong masamang anak! Sumbatan nyo ko! Wala akong pakealam! My life is nothing but a mess.
"Bakit po?"ang tanging mga salita na lumabas sa bibig ko. Ayokong magsalita ng magsalita. Nakakapagod na. Nakaka-sawa na.
"Mag hihiwalay na kami ng papa mo."sabi sa akin ni mama. Di na ako nagtaka, nabigla o nasaktan. Mas mabuti nga sigurong mag hiwalay nalang sila, keysa pinapahirapan nila ako at pati yung sarili nila. Hindi yung ganito. Hindi yung nagkakasakitan na sila. Hindi na ako nagsalita. Walang lumabas sa mga bibig ko. Tinikom ko nalang ang bibig ko at patuloy na nakatayo sa hagdanan at naka dungaw sa kanila. Ayoko na.
"Saan mo gustong sumama? Sa akin o sa papa mo?"tanong sa akin ng mama ko. Wala akong gustong piliin dahil pareho ko naman silang gustong makasama at pareho ko silang mahal. Pero kasi natatakot akong pumili at ayokong pumili. Mahal ko si mama at siya ang tanging nandyan sa akin sa mga panahong wala si papa. Mahal ko din naman si papa, pero nasasaktan ako minsan pag sinasaktan na niya si mama. Nakakayamot na silang tignan. Nakakasuka na yung mga pinag gagawa nilang dalawa.
"Wala po akong pipiliin."mariin kong sabi. Eh sa wala akong gustong piliin eh!
"Hindi pwedi anak. You see, hindi na kami nag kakasundo ng mama mo. Kaylangan na naming itigil to. Nagkakasakitan na kami. At dapat kang mamili kung saan ka sasama. Sa akin o sa mama mo."sabi saakin ni papa ng mariin. Masakit. Masakit yung ganito, pero kasi nagkakasakitan na sila. Wala ng pag mamahal.
"Bakit pa kayo nagpakasal kung mag aaway at mag hihiwalay lang din naman kayo Pa? Bakit pa dapat mapunta sa ganito? Masakit eh. Hindi lang para sa inyo kundi para sa akin. Ma, Pa anak nyo ako pero bakit ganito? Diba pag pamilya, sama sama. Pero bakit? Masakit eh. Ayokong mamili. Ayoko." sabay iling ko. Nag simula ng mag labasan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. "Pero mas mabuti na rin siguro to na mag hihiwalay kayo kahit masakit para sa akin. Because from the very start, sirang sira na tayo. Wasak na wasak na tayo. Wala ng natira kahit kunting pag mamahal sa pamilyang to. Kaya kung kaylangan ko talagang mamili? Kay mama ako sasama."nag iwas ako ng tingin kay papa. Alam kong nasaktan ko sya. Mahal ko si papa, pero kaylangan ako ni mama. Kaylangan niya ako. Call me selfish, but what can I do? My mom has a Cancer. Mag hihiwalay na sila ni papa. Sino na mag aalaga sa kanya pag kay papa ako sasama? Hahayaan kong mamatay ang sarili kong ina ng di na aalagaan? Then that's selfish.
Hindi ko namalayan na pag katapos ng drama session namin doon kagabi ay nakatulog na ako habang umiiyak. Di ko larin malimutan ang pag alis ni papa. Umiiyak syang nakatingin sa mga mata ko at hinalikan ang noo ko. Umiiyak akong tinatanaw ang likod nya na tuluyan ng nawawala sa paningin ko. Ramdam ko parin ang sinabi niya kagabi.
"Anak, mahalin mo si mama mo ah. Alagaan mo. Magpakabait ka. Ikaw lang ang prinsesa ko. Paalam."
Masakit pero alam kong kaylangan. Mahal ko si papa, pero hindi ko hahayaang mawala sa akin si mama ng wala akong ginagawa. May biglang kumatok sa pinto ko at alam kong si mama yun. Nag hilamos nalang ako at tumingin sa salamin. I look like shit. Paano ako papasok nito? Late na ako at mukha pa akong galing sa gyera. Tapos pag papasok ako mamaya, ugh mukha akong naka drugs. Ang panget ko ng tingnan sa totoo lang. Na miss ko tuloy si papa. Nakaka imbyerna naman oh!
"Anak, tanghali na. Papasok ka pa?"tanong sa akin ni mama habang di ko pa binubuksan ang pinto.
"Ma, mamaya nalang siguro. Late na ako eh. Hindi pa ako naliligo ma."
"Sigi anak. Maghahanda lang ako ng tanghalian."matamlay na sabi ni mama. Alam ko, kahit di nya sabihin. Alam kong miss nya si papa at nasasaktan sya sa paghihiwalay nila. Ako rin naman, nasasaktan.
"Salamat, ma"
Humiga nalang ako sa kama ko at pinagmasdan ang kisame. Magulo na ang buhay ko. At ayoko ng may gugulo pa dito, masasapak ko talaga ng wala sa oras. Ayokong magulo na naman at masira ng tuluyan. Mahirap din naman mag isa. Yung kapag may problema ka, kinikimkim mo lang kasi wala kang malapitan. Ayoko namang sabihin kay mama na nasasaktan ako sa mga bagay bagay na nangyayari sa amin. Ayokong mas lalo syang ma stress pag nalaman niyang yung nag iisa nya anak nag kakaproblema rin ng dahil sa love life nilang mag asawa. Haha ang sakit eh.
Di ko namalayan alas 11 na pala. Dali dali akong pumasok ng banyo at naligo. Kaylangan ko ng mag handa para sa pag pasok ko mamaya. Wala pa naman akong excuse letter. Ang tanga ko lang. Dapat maaga ako ngayun, ayokong makakuha ng atensyon sa mga classmate ko kung bakit ako ma le-late pag binagalan ko pa kilos ko ngayun. Mapapahiya lang ako mamaya.
Nag mamadali akong bumaba ng hagdanan at nag mamadaling damputin yung sandwich na ginawa ni mama.
"Anak! Saan ka pupunta? Di ka na ba mag tatanghalian?"sabi ni mama ng nakatingin sakin sabay suklay ng buhok nya. Papasok na rin pala sya sa trabaho.
Umiling ako. "Di na ma. Ayokong ma late ma. Eh maaga pa kaya gusto kong mauna sa classroom." sabay halik sa pisngi nya at nag bye na ako. I should know. I should be ready for this. I need to be strong. Dahil simula ngayun, ako na naman mag isa.
****
Sorry for the epic start >_< Bagohan pa kasin eh 😭
5/8/17
BINABASA MO ANG
Chasing Cassy
RomanceHindi ko gusto ng magulong buhay. Pero bakit ganito? Parang mas gusto kong habulin nya ako kahit na masaktan man ako. -Cassandra Abueva Date Started: May 8, 2017