#TheWholeClassThing
Agad akong tumakbo papuntang gate. Tiningnan ko relo ko. 12:23 pa, mahaba pa ang oras kong mapag isa sa room. Naglakad ako ng di lumilingon sa iba. Ganito ako araw-araw. Wala akong pinapansin o kinakausap. Wala din naman may gustong kumausap sa katulad ko. Bakit? Sinong may makapal na mukha ang gugustohing kausapin ako? Eh weird ako, puro libro lang dala ko at pasan ko lahat ng stress na dapat mapunta sa akin kaya nag mumukha akong haggard -.- Di ako nerd, normal lang ako. Oh kaya for short, panget mukha ko kainis! Nag aalburoto na yata yung pwet ko eh. Gusto ng umupo ng makapag pahinga na sa sarili kong upuan. Iidlip muna ako, mahaba pa naman ang oras.
"Ms. Abueva!"
Ano ba naman yan.
Tulog sya? Kahiya naman.
Ang panget talaga!
Aissh! Kainis, tulo laway oh.
Nakakasuka sya, girl!
Yuuuuuck!
"MS. ABUEVA!"
Napadilat naman ako ng wala sa oras. Naku! Patay na ako nito! Sana kainin na ako ng mga isekto dito kung meron man! Napahiya ako! At mapapahiya talaga ako! Ugh -.- Ano ba naman kasi Cassandra! Ang tanga tanga mo talag! -.-
"Ms. Abueva! Do you mind explaining why are you sleeping in my class?!" sigaw nya sa akin. Ayoko ng ganito. Yung center of attraction ako. Ayoko ng ganito. Sumasakit ulo ko. Mapapahiya ako nito. Mapapahiya ako, alam ko :(
"Maam, I'm so sorry. H-hindi ko naman po sinasadya--"napatakip nalang ako ng bibig ko. Please, di ako dapat umiyak.
"GET.OUT.NOW!"
Mabilis pa sa alas kwatro ang pag takbo ko palabas. Wala na. Sabog na sabog na ako. The whole class thing, is a mess -.- Wala na yata akong nagawang tama. Bwesit na buhay to! -.- Teka nga! Bakit ko ba binubwesit tong buhay ko? Eh samantalang yung ibang mga tao at mga bata nangangarap ng magka roon ng magandang buhay -.- Ang tanga ko lang. Dapat nag papasalamat pa ako kasi di pa ako kinakain ng kahihiyan ko ngayun. Sa susunod, mag iingat na ako. Ayoko ng matulog sa Classroom mag isa! Nakaka imbyernaaaa! -.-
"UGH!"sinabunutan ko na yung buhok ko. Nakakasakal na kasi eh! Nakaka P U T A N G I N A na!
"Tigilan mo nga yan."
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko ngayon. Sino ba tong feeling kabute na to at sumusulpot nalang bigla bigla. Taena! Nilingon ko nalang sya at inirapan. Teka! Familiar sya ah? Classmate ko syaaa! -.-
"Nandito ka ba para inisin ako sa pag tulog ko kanina sa klase?"inis kong tanong sa kanya.
Tumawa sya. "HAHAHA nakakatuwa ka nga ti--Woaaah! Wait lang!"nag shield pa sya sa braso nya -.- Susuntukin ko na sana eh. Ka bwesit tong lalaking to!
"Sino ka ba ha?! Umalis ka dito! Iwan mo ako!"sinigawan ko na para masarap. Damang dama eh! Damahin mo na gago!
Bakas sa mukha nya ang pag ka bigla. May nasabi ba akong mali? Sinigawan ko lang naman ah? Aish -.- Natakot ata.
"H-Hindi mo ako kilala?"
Now, it's my turn to laugh at him. Grabe, nakaka bwesit talaga sya! Ano ba trip nito?
"Hoy lalaking feeling kabuti! I don't know who the freak you are! At wala akong pakialam sayo! Pwedi ba?! Sirang sira na araw ko ah? Sinisira mo pa lalo. Bastosan ba to?"tinuro turo ko pa sya sa lagay na yan ah >_<
"Way mo nga akong ganyanin. Wala naman akong utang sayo ah. Maka turo ka naman." aba't! May gana pa talaga siyang ibaba yung kamay ko! What the hell is wrong with this person? Wala na akong ma gets!
"Edi umalis ka ng di kita ma ganyan! Ka bad trip!"bulong ko naman. More like nasabi ko ate hehe. Tinawanan lang ako ng gago. Ano ba talaga trip nito? Palaging tumatawa, walangya! Wala ba syag problema bukod sa pag mumukha nyang nakaka bwesit tignan? -.- Fine! Oo na! Di naman ako sinungaling eh. Oo na, ang gwapo nya. Maganda yung hugis ng mukha nya. Yung katawan nya ang ganda ng hubog ng katawan nya sheeeems! Bumalik naman ako sa mata nya. Tapos yung kilay nya na nag eekis pag naiinis sya. Yung mata nyang nakakatunaw tumingin. Yung ilong nya, yung matangos nyang ilong. Tapos.. Tapos.. Gossssh! Yung lips nya >_< Ano ba tong iniisip ko! Ang sarap halikan ng lips nya eh! Ano ba naman Cassandra! Tanghaling tapad lumalandi ka na! Eh sa ang sarap kaya---
"Are you done checking me out, Miss?"
OHMYGOD! Isang malaking kahihiyan na naman ang idinulot ko sa sarili ko! Punyetang malanding isipan to! Agad naman akong nag iwas ng tingan sa gagong to! Aish! Oo na, GWAPO!
"Di ah! Asa ka!"sabay lakad palayo sa kanya. Tss, dun nalang muna ako sa Cafeteria. Oo tama! Mas mabuti na dun, walang gugulo sa akin.
"Uy! Sama ako, Cassandra!"sigaw mula sa likuran ko. Alam ko na! Sinusundan na naman ako ng unggoy na to eh! Ano bang problema nya at bakit bigla naman ayang nagpakita aa akin kanina? Pinalabas din ba sya sa klase? Tss, pake ko ba dyan.
Tekaaaaaa! At bakit alam ng unggoy na to ang pangalan ko?! Walang hiya! Ah hehe, oo nga pala. Classmate nga kami diba. Shunga paminsan Cassandra? -.- Di ko nalang sya pinansin at nag tungo ako sa Cafeteria. Pinanood ko nalang yung Trolls na Movie na naka save sa phone ko. Wala din naman akong balak kumain kasi busog pa ako.
Ang serious na ng pinapanood ko. Letching unggoy na to! Ugh -.- Ano bang problema nito?
"Ano baaa?!"shit! Napalakas ata? Naman eh! Pinag titinginan na tuloy kami ng mga stupidents dito sa Cafeteria. Bunganga ko kasi, walang hiya to oh -.-
Ohemgee! Ba't mag kasama sila?
Whaaaat? That girl and my lovely Liam?
Yuuck! Di sila bagay!
I'm gonna kill that bitch!
Kapal din naman ng mukha nyang makipqg close sa isa sa mga Samonte ah?
Uuuuuugh!
Napatingin nalang ako sa paligid. Ano ba tong ginawa ko? Isang Samonte? Oo tama! Samonte! Letchi! Di to pwedi eh! Masasapak ako ng mga tao -.- Isang Liam Samonte. Kaya pala familiar yung mukha nya. Sya naman pala yung dakilang Playboy sa Campus. Ano ba yan -.- Ba't ba ako napasama sa gulo na to -.- Ka bwesit tong lalaking to eh!
"Umalis ka nga"bulong ko sa kanya na kasalukuyang nasa tabi ko na. Nakikinood rin ng Trolls. Tss, wala ba syang phone? Pwedi naman na ipasa ko nalang sa kanya. Bwesit! Ayoko nito. Kilala ko sya, mula grade school kami. Kilala ko na sya. Itong Samonte na to ang pinaka tuso sa lahat. Isang badboy to noong Elementary pa kami. Classmate ko rin naman to eh. Di ko lang tinatandaan mga pangalan ng mga Classmate ko kasi wala din naman silang balak kausapin ko. I'm a big fat loner -.- Chooss! Sexy kaya ako. Ayokong madawit sa mga kagagohan ng lalaking to kaya mas minabuti ko nalang na umalis at iwan sya sa Cafeteria. Pero ang ugok sinundan parin ako. Tss, ang raming naka tingin sa amin ng palabas kami ng Cafeteria hanggang sa mapunta kami sa Garden ng school. Talak sya ng talak, wala na akong naiintindihan. Basta ang problema ko lang eh kung paano ako makakalimutan ng mga malalandi nyang babae dahil nakita nila kami na magkasama. Kabanas naman oh!
"Nakikinig ka ba?"sabi nya sabay kuha sa braso ko at pinaharap ako sa kanya. Takte, ang lapit na ng mukha namin! Ramdam ko na yung hininga nya. Sheet! Ang bango!
Nakaka tunaw sa bango yung hininga nya. Ay ano ba! Snap out of it Casaandra! Wag kang lumandi!****
VOTE. COMMENT.Have a nice day!
5/9/17
BINABASA MO ANG
Chasing Cassy
RomanceHindi ko gusto ng magulong buhay. Pero bakit ganito? Parang mas gusto kong habulin nya ako kahit na masaktan man ako. -Cassandra Abueva Date Started: May 8, 2017