Kabanata 6

4 0 0
                                    

#ILikeYouCassy

Hila hila ko ang kamay ni Charmae ng papunta kami sa Cafeteria. Buti nalang walang Liam akong nakita. Nag text pa naman sa akin yun. Di ko na ni replayan, di ko naman binasa eh. Kabwesit kasi sya, halos araw-araw nya nalang akong ginugulo. Ano bang gusto niya, di ko na sya maintindihan.

Pina upo ko si Charmae sa harapan ko, at nakaharap naman ako sa kanya. Huminga akong malalim bago ko sabihin sa kanya.

"Eh kasi naman Char, wag kang maingay -.- Akala ko ba tahimik ka lang. Aish naman eh! Nakakabwesit kasi yang Liam na yan. Nabubwesit na ako. Ang sarap nya kasing sapakin. Ewan ko ba sa kanya, nung isang araw pa sya eh. Ayoko talaga sa kanya. You see? He calls me BABE, like duh I'm not one of his girlfriends or his flavor of the day. Nakaka inis na kasi sya. Di ko na matiis yang pag uugali nya eh. Like duh? He's acting like a dog, sunod ng sunod sa akin. I know I'm not his type, pero ba't ba sya text ng text! Mapudpud sana yang kamay nya kakapindot! Ugh! Nakaka bwesit na talaga!  Akala mo naman sinong gwapo---- aish! Fine! Oo na, oo na gwapo na sya. Gwapo nga sya eh. Hmmp! Gwapong Unggoy!Kainis!"halos di na ako makahinga kakadaldal dito kay Charmae. Para akong nag Rap ah -.- Eh kasi naman, di ko na matiis eh. Buti nalang may napag labasan ako ng inis ko sa kanya. Eto pala yung feeling ng may kaibigan ka. Gagaan yung loob mo.

Nagtaka naman ako kay Charmae, pabalik balik sa akin at sa likod ko yung tingin nya. Tsk, sino ba kasi nasa likod? -.-  Para kasi syang nakakita ng multo eh -.- Namutla sya bigla >_<

"Uy Char? Ano na? Ano bang nangyayari sayo? May sakit ka ba or something? Ehh  kasi naman, kanina ka pa naka tunganga dyan. Ano na?"yinugyog ko pa sya sa lagay na  yan ah.

"Y-yung ano. Si a-ano, y-yung--"

"Babe"

O.o

>_<

-.-

"Y-yung Gwapong Unggoy, Cass."nahihiya nya pang sabi.

This time, ako naman yung namutla. Kung mamalasin nga naman oh. Ano ba talagang ginawa ko sa buhay ko at sunod sunod na kamalasan ko? Wala naman akong ginawang kasalanan ah? Nakaka inis na!

"L-Liam, n-nandyan ka pala." Di ako tumingin sa mukha nya. Bakit ba kasi ako nahihiya? At bakit naman ako mahihiya? Nakakalito na talaga -.-  Eh kasi naman -.- Nasabi kong gwapo sya. Baka narinig nya, umasa pa yan hehe. Joke lang naman!

"Yeah. Gwapong unggoy pala ah. Hmm"bigla naman syang lumapit sa akin at ako naman ay napa atras. Ano na naman trip nya? Is he out of his freaking mind? Nasa cafeteria kami! Mapapatay ako ng mga fan girls nya pag nagka taon!

"Lumayo ka, Liam." Pabulong kong sabi sa kanya. Ayoko ng gulo, at ayoko ng away. Ano na naman bang trip nito sa buhay? -.-

Hinawakan nya yung magkabilang braso ko  at pinag dikit nya mga katawan namin. Jusko po! May kung anong kuryente akong naramdaman. This is wrong! This is all wrong! Tinulak ko sya ng malakas at tumingin ako sa paligid ko. Jusko! Yung mga mata nila parang papatay na. Kasalanan to ni Liam! Napapahamak ako ng wala sa oras sa kanya eh!

Nag madali akong dinampot ang bag ko at lumabas ng Cafeteria, nakasunod naman saakin si Charmae at hinawakan nya yung kamay ko. Mabuti pa sya, walang ka gulo gulo ang buhay niya. Eh ako, lahat to si Liam may pasimuno. Malalagot sa akin yun, makikita nya! Pumasok nalang kami sa Second subject namin. Mahaba pa ang oras kaya nag bukas nalang kami ng mga libro namin. Sino pa bang mag aaral eh kami lang namn dalawa ni Charmae ang Bookworm dito eh. Mas gusto ko pa syotain yung libro keysa makausap si Liam araw araw -.-

May biglang umupo sa tabi ko. Di ko na pinansin, ayoko ng gulo. Baka isa lang to sa mga patay na patay kay Liam. Eh halos naman kasi lahat ng babae dito malagkit na tingin sa akin eh >_< Lagot na talaga.

"Babe"

O.o

Aissh! >_< Hindi ko na talaga alam kong ano ang pumapasok na masamang spirito dito kay Liam. Ang hirap nya kasing paki usapan.

"Liam naman, kaylan mo ba maiintindihan na ayoko ng tinatawag mo akong babe. I'm not one of your flavor of the day, Liam. So please stop the Babe thing. It's freaking me out."mahinahon kong sabi sa kanya. Siguro naman ngayun maiintindihan na nya ako.

"May epekto rin naman pala ako sayo, Cassy. Just by calling you babe, naiirita ka na, naiinis ka na at kinikilabutan ka na. Well, that's a good news for me. Hinding hindi kita titigilan."pabulong nyang sabi sa akin. Ano ba talagang gusto nya? Napapahamak ako sa mga pinag gagawa nya.

"Liam, diritsohin mo nga ako. Ano ba kaylangan mo sa isang katulad ko?" Ngayun, naka harap na ako sa kanya at tinignan sya mata sa mata. Gusto kong malaman. Kating kati akoang malaman yun. Dahil sa mga araw na to, hindi na nya ako tinitigilan sa pangungulit nya sa akin. Stress na stress na kasi ako eh.

Napa ayos naman ako ng upo nong bigla syang lumingon sa akin at tinignan ako mata sa mata. Yung tingin nya, nakakatunaw. Erase! Erase! Gumising ka sa tunaw tunaw na yan Cassandra!

"Do you really want to know, babe?"then he smirked. Gosh! Wala na atang nagawang tama tong lalaki na to. Palagi nalang nya akong pinapakaba >_<

"S-stop calling me babe, Liam. Just say it."nag iwas na ako ng tingin. Bwesit na Liam to, aatakihin ako sa puso ng wala sa oras >_<

"It's because.."pa thrill nyang sabi sa akin -.- Ano ba yan, ba't di nalang nya diritsohin -.- Kairita sya eh, palaging nang ti-trip!

"Because what?!"padabog kong tanong sa kanya without even looking at him.  Natatakot akong malaman pero dapat at gustong gusto ko talagang malaman. Gusto ko sabihin na nya para matapos na tong kahibangan nya araw araw.

"I like you, Cassy. I like you." Marahan nyang sabi sa akin.

Mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo at tumingin sa kanya. Buti wala pa si Maam. Dahil hindi ko talaga masikmura ang mga sinasabi nya sa akin ngayon. Di kayang mag sink in lahat sa utak ko. Yung unang araw na ginugulo nya ako, hanggang sa ngayon ginugulo nya parin ako.  Tapos ngayun, sasabihin nya sa akin na g-gusto nya ako? Nahihibang na sya! Nahihibang na talaga sya!

"Sit down, babe."utos nya pa sa akin. Hindi! Hindi to pwedi! Hindi nya ako pweding magustuhan. Hindi dapat at hinding hindi.

"Bawiin mo yung sinabi mo, Liam."inis kong sabi sa kanya sabay upo. Dapat bawiin nya yun, hindi yun totoo. Dahil hindi kami pwedi.

"What? Yung sinabi kong gusto kita? At bakit naman, Cassy? Are you afraid that this Like will turn into Love?"he smirked. Ba't ba ang hilig nyag mag smirk? Tss kainis!

Di ko nalang sya sinagot. May punto sya, ayokong mas lalo syang mahulog kung totoo man na may gusto sya sa akin. Ayokong mahalin nya ako. Ayokong magustuhan nya ako. Hindi kami pwedi sa isa't isa. Hinding hindi pwedi.

*****
Vote. Comment.

Chasing Cassy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon