" Sabi sa inyo eh, dapat tayo nalang sumagot nun! Tignan mo 4 lang ang nakuha nating score!" ani ni Patricia at padabog na nilapag sa harap ni Cassey ang test paper namin. Masama niya akong tinitigan. Ang OA naman ni Patricia. Isang mali lang yun eh!
" Atleast we passed." ani naman ni Cassey at inayos ang salamin niya. Ang pinaguusapan nila ay ang group activity namin na 1 to 5. Lima kami sa grupo at kailangan sagutin ang limang question. Lahat ng sagot nila ay tama at sa aking lang ang mali. Lahat ng grupo ay perfect kami lang ang hindi.
" Hindi mo naman pala alam ang sagot, di sana ay nagpatulong ka samin." Ani ni Victor. Isa pa to. Oo na! Kayo na ang mga matalino! At ako itong mangmang! Sa susunod na activity hindi na ako lalapit sa inyo!
At yun ay kung may gustong maging kagrupo ako. Lahat ng estudyante dito alam na wala akong utak. Nakapasok lang naman ako sa ekwelahan na ito dahil sa tulong ng mommy ko. Ofcourse ginamit niya ang pera niya para maipasok ako sa magandang eskwelahan.
Ako si Sevah Marie Escalera. First year high school dito sa City High. Ang City High ay isang kilala na paaralan dito sa pilipinas. Tanging matalino lang ang nakakapasok dito. Kahit hindi ka mayaman, basta matalino ka pasok kana agad.
Hindi ako matalino kaya hindi ako nababagay sa paaralang ito.
" Sevah! " tawag sakin ni Mommy. Kalalabas ko lang sa school. Gusto ko sanang kumain sa malapit na food stall dito. Minsan nakikita ko ang mga kaklase kong bumibili ng mga street foods never kong pang natikman. Hindi papayag si Mommy na kakain ako ng kung ano-ano. Aside sa pagiging MATALINO she also wants me to be a MODEL.
Sumakay ako sa kotse ni mommy. May sinabi muna siya kay manong Kiko bago tuluyang umandar ang kotse.
Every breakfast, tanging mga prutas at gatas ang makikita mo sa table. Sa lunch naman ay puro vegetables. Sa dinner lang talaga ako nakaka-kain ng maayos pero nakabantay naman sakin si Mommy kaya hindi parin ako naka kakain ng marami.
Huminto ang kotse sa tapat ng isang maliit na building. Eto nanaman. Magsisimula na naman ang tutorial class ko.
Nakangiti ako habang papasok ng paaralan. Naisahan ko si Manong. Sabi ko ay bibili ako ng napkin sa seven eleven at hindi na niya ako kailangang sundan pa. Sa totoo lang ay wala pa akong menstruation. Nagtungo ako sa seven eleven para itry ang lagi nilang iniinom na Slurpee. Hanggang tingin lang ako noon ngayon matitikman ko na.
Hawak-hawak ang isang slurpee at isang supot na puro chichirya ang laman ay nagtungo ako sa classroom. Tatlo palang ang estudyante sa loob. Weird nila akong tinignan.
" Ang aga naman, Sevah. Magkaka-UTI ka nyan." ani ni Cassey habang tinitignan ang laman ng supot at ang slurpee na iniinom ko. Tanging si Cassey lang ang hindi bully sa classroom. Kahit ang mga taga ibang section binubully din ako. Hindi ko nga alam kung magkaibigan ba kami or hindi. Hindi niya rin naman ako pinapansin pag hindi siya mag-che-check ng attendance o kung wala siyang kailangan. Atleast hindi siya bully. Mabait siya ngunit hindi friendly.
" First time ko kumain ng chichirya." Aniko. Tumalikod lang siya at nagsimulang magbasa ulit. Gusto ko siyang bigyan pero mukhang hindi naman niya tatangapin.
Nagtungo ako sa court para walang mageestorbo sakin. Lahat nalang nakakapansin ng mga pagkain ko. Inggit lang kayo eh.
Ang twenty pesos na sukli ng ninakaw ko ay pasimple kong nilagay sa benches. Mahirap na at baka makita ni mommy yan. Wala akong pera na natatangap kay Mommy at pinagbabawalan niya si Daddy na bigyan ako ng pera kaya laging prutas ang baon ko sa school o di kaya sandwich na puro gulay ang laman.
Kung nagtataka kayo kung saan ko nakuha ang pera pambili ng mga pagkaing ito. Kinuha ko ito sa wallet ni Daddy. Isang tumataginting na 500 ang nakuha ko sa wallet ni Dad. Grabe ang mahal naman pala ng mga binibenta sa seven eleven ano? Sa limang daan tanging twenty pesos lang ang natira.