Xia's POV"Uy. Dadating na si Sanjay mamaya." Sabi ni Cryst.
Tinignan ko si Brelia ng nagtatanong na tingin dahil nakita ko syang ngumiti ng nang-aasar kay Elyza.
Buti nalang dadating na yung lalaking yun. Hindi kasi sya nakauwi kinabukasan nung gumawa kami ng project na story.
Nandito kami sa room na magbabarkada maliban kay Jack at Sanjay. Napaaga kasi punta namin kaya nagpabilog muna kami ng upuan para makapag-usap usap.
Nagsign si Brelia na mamaya nya na iku-kwento sakin. Hay. Mukhang kelangan na namin ng Girl's Day. Wala na akong alam sa mga nangyayari sa life nila.
"Oh? Hi Jack!" Napatingin naman kami sa kakapasok lang na si Jack. Ngumiti sya at hinila rin yung upuan nya para sumama sa bilog at umupo sya sa...
Tabi ni Elyza.
At sa tabi ko. So that means nasa gitna namin sya ni Elyza.
"Uhm. Hi Jack." Natigil kami sa pagku-kwentuhan ng may lumapit na babae kay Jack. I think she's Clare? Ah oo nga. Tama.
Tinanguan ni Jack si Clare.
"Ah. P-pwede bang s..sabay tayo m-mag l-l-lunch?" Nahihiyang tanong niya.
Tsk tsk. Mga babae talaga ngayon. Bat sila na gumagawa ng first move palagi?Dapat mga lalaki gumagawa nun eh. Iba na talaga ang mundo. Psh.
"Tss. No."
Luh. Ansama talaga ng lalaking to. Tsk. Bahala nga sya jan. Nabadtrip ako bigla. Magsasalita pa sana ako ng bigla akong may maalala.
IT'S NOT MY BUSINESS ANYMORE. Hay okay. I'll shut up. Bahala sya kung anong gusto niyang gawin.
Maya maya ay may biglang lumapit sakanyang babae. Si Yemi. Hinila mya si Clare palayo samin at nag-sorry. Hindi naman sila masyadong close ni Clare? Hay bahala na nga.
Lumingon ulit ako kina Clare at nakita ko si Yemi na nakatingin saakin.
"Class, go back to your proper place!1,2,3!"
Agad kaming nagsibalik sa upuan namin ng marinig namin ung boses ni Sir Ajeandro. Hindi sya ang prof. namin pero bakit sya ang nandito? Ayaw sya ng lahat ng estudyante dahil ano pa nga ba? Edi dahil terror. Yun lang naman ayaw ng mga estudyante sa isang teacher. Tss.
"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ako ang nandirito ngayon?"
Nanatiling tahimik ang classroom at walang sumagot sakanya. Bumuntong hininga sya bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"We will have our school's 45th anniversary in just a month! So, the teachers this morning will have a meeting. And Miss President!"
Agad akong tumayo nung marinig ko yung sinabi nyang 'Miss President'. Yes, and because were in 4th year now, kami na ang tumutulong sa teachers. In short, student council. And I'm the President. Walang botohan na nagaganap dito. Kung sinong pinili ng dating Presidente ay sya na ang magpapatuloy. Pero para lang yun sa presidente. Kelangan pang pagbotohan yung ibang posisyon. And I think, that's what I'm gonna do.
"You need to gather the all the High School students to vote for your Vice President, Secretary, Treasurer, Peace Officers, and Artists that will help you in the upcoming event that will happen in our school. So you may start doing your job now."
Pumunta ako sa harap at binigay sakin ni Sir ung maliliit na papers. Pumunta na ulit ako sa upuan ko at umupo.
"So maybe, there will be no classes until the event is finished because we need to prepare. Especially for the Student Council. Okay, so do you have any questions?"
BINABASA MO ANG
Wrong Place, Wrong Time, Right Person (on-hold)
Teen FictionOn-hold Kajejehan namin huwahahahahaha KSQUAD1922