XXXIII. Something I Need (3)

1.3K 65 4
                                    


XXXIII. Something I Need (3)


"Darling we made it 'til this time, this time... Now, yeah..."

Hindi na muna kumibo si Vice tungkol sa naging konklusyon niya, at hinintay lang na silang dalawa na lamang ni Karylle ang matira dahil alam niyang may saril-sariling lakad and tatlo pa nilang kasama.

At tulad nga ng inaasahan, umalis si Anne dahil kailangan niyang i-meet si Erwan, si Vhong naman dahil kay Tanya, at si Billy dahil kay Coleen.

"Lahat sila puro jowa ang rason kung bakit umalis." natatawang sambit ni Vice pagkatapos ay muling tumungga ng beer.

"Andame mong napapansin." natatawa ring sagot ni Karylle.

"Oo nga, eh. Pansin ko rin na hindi ka masaya." seryosong saad ni Vice habang nakatitig kay Karylle. "Tulad ng sabi ko kanina, you can share it to me. Makikinig naman ako."

"Wala kang dapat pakinggan, dahil wala akong sasabihin. I'm perfectly fine, Vice." Karylle tried to convince Vice with the smile she faked, pero hindi ito umubra kay Vice.

"Paniniwalaan ko na sana yang ngiti mo kung hindi lang malungkot 'yang mga mata mo." said Vice at tinuro pa ang mga mata ng dalaga.

"Well, ganito nalang. Kung ayaw mo talagang pag-usapan, I respect. background check nalang natin isa't isa." suhestiyon ni Vice, "Nagka-jowa ka na ba?"

"Akala ko ba you respect?" hindi makapaniwalang si Karylle habang naka-kunot ang noo niya.

"So siya... Yung jowa mo."

"Ex." Karylle corrected Vice. "Tara na, it's getting late. Kailangan mo nang umuwi, medyo tipsy ka na nga oh. Magd-drive ka pa pauwi sa inyo, bawal nang uminom. Tara na." at tumayo si Karylle mula sa kaniyang upuan at akmang aalis, pero agad itong napigilan ni Vice nang hawakan siya sa wrist ng lalaki (?).

"We can talk without these alcohol's help." seryosong si Vice.

"Vice... lasing ka na, umuwi ka na." sagot ni Karylle at binawi ang kamay mula kay Vice sabay lakad.

Agad namang tumayo si Vice mula sa kanyang pagkaka-upo kasunod ay nag-iwan siya ng pera sa lamesa bilang bayad sa mga nainom nila. Nang matapos siya roon ay agad niyang sinundan si Karylle.

"Karylle!" pagtawag ni Vice sa dalaga, hindi naman siya nilingon ng dalaga na siyang ikina-inis niya.

"Okay then. Kung ayaw mong mag-share okay lang. But I'm here to listen." saad ni Vice nang mahabol niya na si Karylle.

"There's no need for you to li---"

"Kahit wala akong marinig, makikinig ako. Ano pa't naging magkaibigan tayo? Tsaka when I was broken you helped though we're​ still strangers and we barely know each other... Then I think, I should pay that off." paliwanag ni Vice.

"I'm not broken. Wag gumawa ng kwento." walang emosyong sagot ni Karylle. "And besides, hindi ko kailangan ng kapalit."

"Whatever you say. Basta I'm here." sambit ni Vice at yinakap si Karylle, "Uuwi na ako, kanina mo pa ako tinataboy. Take care." nagiwan muna si Vice ng halik sa noo ng kaibigan bago niya nilisan ang lugar para umuwi na.

"What's with you, Ana Karylle?"



After that night, back to their own busy worlds na namang dalawa. Vice would frequently send messages to Karylle, to check out on her. Sometimes he'll even type some kinda long messages, pero panay 'K', 'Ok' lang ang isinasagot sa kaniya ng dalaga.

The Pile | Vicerylle One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon