Prologue

3 0 0
                                    


"Nagugutom ako." mahinang bulong ko sa sarili ko. Kapag kasi nilaksan ko to sasabihan na naman ako ng matakaw. 


"Ate! Mag walis ka daw sa labas." baka naman gusto ni mama na walisin ko yung buong subdivision.


Lumabas ako sa bahay at dinukot ang walis ting ting na nasa tabi ng halamanan. Buti pa ang ting ting ang payat. Hindi naman ako mataba, slight lang. Pero sana tingting na lang ako. May tingting bang sexy? 


"Uy.. Ano to?" pinulot ko yung papel na hinampas ng hangin sa mukha ko. Bastos na hangin.


"Pizza with love, order here. Call 7694-134." gutom na ako, pizza...


toot toot toot


"Gago, bakit di matawagan?" 


toooooooot


"Niloloko ba ko neto." 


"Hello, Good afternoon this is Pizza with love." 


"Hi, gusto ko lang sabihin na ang bulok ng telephone nyo." 


"Hala ma'am sorry. May tumawag din kasing iba." weh?


"Sige, isang box ng pizza with love." 


"Address ma'am?" 


"No forever, Subdivision. Error love life street." 


"Coming ma'am!" 


Sanay na naman akong mag hintay, alam niyo yun? Mejo di naman matagal yung pizza. :) Mejo hindi pa rin ako gutom. :) 


ding dong 


Ayan naaa! Buti solo ko bahay ngayon, umalis sila mama. Mwehe. 


"Kuya alam niyo ang taga-" 


"Ma'am sorry po, madami po kasing nag papa-deliver." 


"H-ah ok-kay lang!" 


"Ma'am bakit ang pula niyo?"


"Wala!" 


"Hala, bakit po kayo na sigaw?"


"Akin na pizza ko!" tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa tsaka niya inabot yung box ng pizza.


"Halatang gutom kayo Ma'am, here." Ano daw!? Inabot ko yung bayad at agad na pumasok sa bahay. 


Bakit ang gwapo ng pizza boy....


"Thank you Ma'am! That's a pizza with a thin crust! Enjoy!" parinig kong sigaw niya sa may labas.


I CRUST YOU NA! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm inlove with a pizza boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon