"Bakit ngayon ka lang, Irene? Bakit ngayon palang, ha? Sinadya mo bang magpahuli? Sinadya mo bang magpa-late para pareho tayong mahirapan? Ha, Irene?"
Tinititigan niya ako habang naghihintay ng sagot ko. Gusto kong sumagot pero walang lumabas na salita mula sa labi ko kaya itinikom ko nalang ang mga ito na kanya namang ikinasimangot.
Cute-
"Irene! Sumagot ka naman, oh! Please?" Naluluha niyang pahayag.
Nakipagtitigan ako sa sahig. Nag-iisip ng isasagot at para na rin pigilan ang sarili kong halikan ang babaeng naluluha't nakanguso sa harapan ko. Masama ito.
"Uhmm.... Ano. Baka na-traffic ako non?" Seryoso kong sambit kasabay ng pag-angat ng tingin ko sakanya. Seryoso ako! Laging traffic sa Pinas lalo na sa EDSA! Jusko. Pati lovelife ko naapektuhan na. Dati trabaho lang!
Oh, Pinas! Kailan ka uunlad!
Napanguso ako ng makitang seryoso lang siyang nakatitig saakin. Walang emosyon ang mukha niya pero ang mga mata niya matubig. Oh my! Iiyak ba siya?!
"Irene, seryoso ako"
"Seryoso rin ako sayo, Seul. Kaso hindi na tayo pwede" Binigyan ko siya ng mapait na ngiti. Nakita ko ang pagbago ng ekspresyon ng mukha at mata niya.Nasaktan siya sa sinabi ko. Nasaktan rin ako.
At patuloy kaming masasaktan- nasasaktan.
BINABASA MO ANG
IKAW SANA ¦ seulrene au!story
FanfictionMahal ko siya. Mahal niya rin raw ako. Hindi ko naman ginusto na mahalin siya eh. Siguro ganoon rin siya. Siguro pinaglalaruan kami ng tadhana. Masaya ba, Tadhana? Na nakikita mo kaming nahihirapan at nasasaktan? Buhay nga naman parang buhay. HAYS. ...