Beauty and The Pig (C-3)

55.7K 272 22
                                    

Chapter Three

Pagdating sa school, dalawang subject lang ang papasukan nila, dahil sa may praktis sila sa basketball.  Habang nagpapraktis, ang ibang estudyante ay nanunuod sakanilla, kasama na dito ang grupo nila Brittany dahil nagpapraktis naman ito para sa cheer dance ng mga ito. Samantalang ang grupo naman nila Pola, ay busy sa pagpapraktis para sa drums and lyre ng school nila, may darating kasi na bisitang pandangal ang school nila. Habang nagpapraktis, hindi sinasadyang napalakas ang pagpukol nya ng bola, kaya naman bumanda sa pader at tinamaan si “P-Pola!” agad syang tumakbo papunta dito, ganundin ang mga teammates nya. Nataranta ang lahat sapagkat nawalan ng malay si Pola,”Sorry po, Sir, hindi ko talaga sinasadya na tamaan sya,” paumanhin nya sa music teacher nila, “I know, tulungan nyo na lang kami dalhin sya sa clinic, bilis!” after fifteen minutes, nagkamalay na ulit si Pola, “Okay ka lang ba?” tanong nya dito, “Ah? Okay lang, medyo masakit lang ulo ko,” sagot nito. “Sorry talaga di ko sinasadya yun,” dispensa nya ulit, “Okay lang,” sagot ulit nito. “Ah, Pola, pwede ko ba makuha cellphone number ng kuya mo?” tanong nya dito, “Pwede naman, kaso, di ko alam number nya, bigay mo na lang number mo, tapos itetext ko na lang sayo pag uwi ko,” sagot nito, kaya naman binigay nya ang number nya at pagtapos nagpaalam na sya dito para matuloy na ang praktis.

Matapos ang apat na oras na praktis, pinauwi na sila, mas maaga kumpara kapag wala silang praktis. Second week ng December ang start ng intrams nila, at may pupunta galing sa ibang school na kakalabanin naman  nila. Hinihintay ng lahat ang araw na magsisimula ang intrams, yun kasi ang umpisa ng pahinga ng mga estudyante sa pag aaral, yung mga tamad na teacher hindi na magtuturo at yung iba naman, busy sa mga club meetings para sa paghahanda sa first week ng January, dahil yun naman ang Foundation week ng school nila. Ang first week ng December naman ay examination week nila, kaso hindi na yun masyadong iniisip ng mga estudyanteng tulad niya, ang mga nag iisip ng exam ay yung tinatawag nilang Grade Conscious o GC.

“Wala ka bang balak magreview? Bukas na exam nyo ha,” sita sakanya ng kapatid nya, “Ate, di ko na kailangan nun,” pagyayabang nya, “tumigil ka nga dyan, bawal ka magcomputer kapag malapit na exam di ba?” suway nito sakanya. Naiinis talaga sya ate nya kapag pag-aaral ang pinag uusapan, masyadong strikto. Pagtatawanan lang sya ng mga kaibigan nya kapag gantong bawal sya magcomputer kapag malapit na ang exam. Simula ng ibigay ni Pola ang number ng kuya nito sakanya, at ibinigay nya naman ito sa ate nya, palagi ng magkausap sa phone ang ate nya pati ang kuya ni Pola, kung hindi sa phone, sa computer naman, kung minsan pa nagpupunta ito sa bahay nila. “May gusto ba si ate sa kuya ni Pola?” tanong nya sa sarili. Simula din ng ibigay nya ang number nya kay Pola, lagi na itong nagtetext sakanya. Hindi naman sa ayaw nya dito, kaso hindi sya natutuwa kapag babae pa ang unang lumalapit sa lalaki. Kung tutuusin, mas gusto nya pa ito kaysa kay Brittany. Naaawa lang sya para kay Pola, dahil alam nya namang lalaitin lang ito ng mga kaibiigan nya.

Dumating ang araw ng examination, hindi naman sya nahirapan, hindi naman kasi ibig sabihin na makulit at pasaway sila ay hindi na sila nag aaral. Si Ralph ay natural nang matalino sa English, dahil ang nanay nito ay nasa abroad, balak nitong sumunod sa nanay nito para doon na manirahan. Si Cael naman ay magaling sa Science favorite daw nito ang science simula pa lang. Sya naman ay pinanganak ng may scientific calculator sa utak, magaling sya sa math, pero sabi nga nila, kapag magaling ka sa numero, mahina ka naman sa titik, pero sya hindi sya mahina sa English, hindi lang talaga sya interesado dito.

Dumating na ang huling araw ng exam nila, pero minamalas yata sya dahil forty minutes late sya sa exam, at English pa yung subject nila noong araw na yoon, kaya naman talagang pinagpawisan sya ng husto. Pagtapos ng exam, tumambay muna sila sa canteen. Sumunod naman sakanila sina Brittany, “Pre, nahirapan ka ata sa English? Nakita kita kanina pinagpapawisan ka ng husto eh,” sabi sakanya ni Ralph, “Hindi naman pare, na-late kasi ako diba?” sabi nya dito. “Brittany, nahirapan ka bas a exam?” tanong ni Cael, “Ako? Syempre hindi, maraming source eh, at mababait ang cheatmates ko,” proud na sagot nito. “Balita ko pare, tinetext ka ni Pola,” sita ni Ralph, “Talaga?! Hindi na sya nahiya ha? Sa taba nya’ng yun? Nagawa nya pa magtext sayo?” sabat naman ni Brittany, nakita nya’ng dadaan sila Pola at ang mga kaibigan nito, “Oh, andyan na pala si P-I-G eh,” sigaw ni Cael, nawala ang sigla sa mukha ni Pola,  naphinto ito sa harap nila. “Oh, bakit ka napahinto dito Miss PIG?” taas kilay na tanong ni Brittany, tumingin si Pola sakanya, “Oh? Iiyak ka nab a Miss Piggy?”pang aasar pa ni Brittany, tinawanan pa ng mga kaibigan nito si Pola. “Brittany, tama na nga. Umalis ka na dito, Pola,” sabi nya dito at tumayo na din sya. “Uuwi na ko,” pagtapos ay umalis na sya.

Hindi nya alam kung bakit kailangan manlait ng tao, parang napakaperpekto nila, at yung iba naman hinahayaan na inaapi sila, tila ba nag e-enjoy pa sila sa pananakit ng iba. Nagtext sya kay Pola, “Pola, pasensya ka na sa mga kaibigan ko, wag mo na lang silang pansinin, wala lang sila magawa,” sabi nya dito, pero hindi ito nagreply sakanya. Sabado, pupunta sila sa mall. This time, hindi sila mamimili, kakain lang sila ng ate nya. Pero sa tingin nya talaga hindi lang sila ang magkasama, may kasama pa silang iba. At hindi sya nagkamali doon, kasama nila si Genesis at si Pola. “Bakit kasama si Pola?” tanong nya sa sarili. “Pero okay na din yun, para magkausap kami tungkol sa nangyari noong nakaraang Biyernes,” dagdag nya pa.

Bago kumain, napansin nyang konti lang ang order ni Pola, mukhang napansin din ito nga kapatid nito. “Pola, bakit parang konti lang order mo?” tanong ni Genesis, “Kuya, diet,” sagot nito. Natawa si Genesis, “Bakit? Next time ka na magdiet kapag may trabaho ka na,” sabi pa nito. Pero hindi pa rin nagbago ang order ni Pola, mukhang nakokonsensya yata sya. “Nako, Pola. Wag ka muna magdiet. Ang cute cute mo kasi eh, baka pag nagdiet ka gumanda ka, at baka hindi na makapag-aral ng maayos si Lindon kapag nangyari yon,” sabi ng ate nya, “Bakit ako, Ate?” tanong nya dito, “Eh, kanina ka pa po nakatingin kay Pola, Mister Lindon,” nakangiting sagot nito. Mukha ngang tama yung ate nya, “Pero hindi ibig sabihin may gusto na ako sakanya, nakokonsensya lang ako,” sabi nya sa sarili. Pagtapos nila kumain, nagpunta sila sa Quantum, naglaro ang ate nya pati si Genesis, si Pola naman naiwan sa labas dahil hindi pa nito tapos kainin ang large fries na inorder nito kanina, kaya naman sinamahan nya ito. “Pola, tungkol nung Friday, wag mo na lang pansinin yung sinabi nila, wala lang magawa yung mga yun,” sabi nya dito. “Oo, alam ko,” sagot nito. Matapos nitong ubusin ang fries ay pumasok na ito sa loob kasama yung ate nya at ang kuya nito. Maya-maya pa’y nag aya ang ate nya na kumanta, “Lindon, tara dito, gusto ko kantahin mo ‘tong Beautiful Girl,” utos ng ate nya, una ayaw nya pa, pero dahil mapilit ang ate nya, kinuha nya na ang microphone. Nang magsimula syang kumanta napukaw nya ang atensyon ng ilan sa mga tao sa loob ng lugar. Napatingin sya kay Pola, at nakita nyang bahagyang namula ang pisngi nito, “May gusto pa rin sya sakin,” masayang sabi nya sa sarili.

Beauty and The Pig (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon