Chapter Four
Pagdating sa bahay, “Lindon, pwede ba ako manuod ng game nyo sa Lunes?” tanong nito, “Bakit naman hindi,” masayang sagot nya, “Sige, anong oras ba yun?” tanong nito. “Ala una,” sagot nya. Linggo,tingin nya’y nanliligaw sa kapatid nya si Genesis, dahil kasama nila ito magsimba, yun nga lang may kulang, “Wala ata si Pola?” pagtataka nya. “Wala ata si Pola ngayon Gen?” tanong ng ate nya, “Masama daw pakiramdam nya, siguro dahil sa pagda-diet,” natatawang sagot ni Genesis. “Ang sama mo talaga, tama na nga at magsimba na tayo.” Pagtapos nilang magsimba, “Ate, uuwi na po ako,” pagpapaalam nya dito, pumayag naman ito. Alam nya namang sagot ng ate nya yung o-orderin nyang pagkain, pero mas gusto nya humilata ngayon sa bahay. Pag uwi nya naman, agad syang nagpaload at tinext si Pola, pero bakit nga ba natataranta pa yata sya? “Pola, masama daw pakiramdam mo?” tanong nya dito, hindi naman agad ito nagreply. Nagvibrate ang cellphone nya, pagbasa nya ng message, si Cael lang pala, kinakamusta sya. Hindi na sya nagreply dito. nagvibrate ulit ang cellphone nya, si Ralph naman ang nagtext, tinatanong kung galit ba sya. Sa pangatlong pagkakataon nagvibrate ulit ang cellphone nya, “Sino naman ngayon? Si Brittany naman?” tanong nya. Pagbasa nya, nagreply si Pola, “Okay lang naman ako, bakit mo natanong?” tanong nito sakanya. “Wala, sabi naman sayo eh. Wag mo na isipin yung sinabi nila, tingnan mo, magkakasakit ka pa nyan,” sabi nya dito. “Sige, magpapahinga na ko. Goodluck na lang sa game nyo bukas,” sabi nito. “Teka, bakit? Hindi ka ba papasok bukas?” tanong nya, pero hindi na ito na nagreply sakanya.
Kinabukasan, nagreready na sila para sa laban nila ng basketball, kanina pa sya palinga-linga pero di nya pa rin nakikita si Pola. “Pero hindi sya pwede mag-absent, sya pa naman leader ng drums and lyre,” sabi nya sa sarili. Nasa gym na sila, at namataan nya ang ate nya na nakaupo sa bleachers kasama si Genesis, “Ibig sabihin nandito si Pola,” sa isip isip nya. Nang mapatingin sya sa sulok ng gym nandoon ang grupo ng drums and lyre ng school nila, at syempre nandoon nga si Pola, at may kasama itong lalaki. “Sino nanaman yon? Kuya nya nanaman?” sabi nya sa sarili. Pero nang makita nyang hindi magkuya ang kinikilos ng dalawa, nakaramdam sya ng kaba. “Sino ba kasi yoon?” tanong nya ulit sa sarili. Natapos na ang second quarter ng laro, nag umpisang maghiyawan ang mga lalaki, sasayaw na kasi ang mga cheer dancers ng school nila. Hindi na sya nag abala pang manuod dito. Hinagilap ng mata nya si Pola, ngunit wala ito sa loob ng gymnasium nila. Matapos ang sayaw, nagpatuloy ang laro, kumpyansa na silang mananalo sila. Pero nakita nya si Pola at yung lalaki kanina na magkasama ulit, nakalimutan nyang saluhin yung bola kaya naman nakuha ng kabilang team. Lumapit ang lamang nito sakanila, hanggang sa maging tie na ang score. “Team, kailangan natin humabol, kaya nyo yan, go!” sabi ng coach nila, at nag umpisa na ang huling quarter, mahigpit ang laban.
“Okay lang yan, pare! May next time pa,” sabi ng isang estudyante. Ayun at talo sila. Lumapit sakanya ang ate nya at si Genesis. “Okay lang yun, maganda naman pinakita mo eh,” sabi sakanya ni Genesis, “Weak ka talaga, Lindon,” pang aasar ng ate nya. “Nasaan na ba sila Pola at Stephen?” tanong ni Genesis. Nakita nila ang dalawa sa may canteen, “Kuya!” tawag ni Pola sa kapatid, lumapit naman sila. Paglapit nila nagtatawanan ang dalawa, noon nya lang nalaman na bakla pala ang kasama nito kaya pala magkahawak kamay ang dalawa nung nasa gym ito. “Hi! Ikaw ba si Lindon?” tanong nito, “Oo ako nga,” sagot nya, “Ang gwapo naman pala pinsan,” sabi nito kay Pola, “Ah, Lindon si Stephen nga pala, pinsan namin,” pagpapakilala ni Pola, nakipagkamay sakanya si Stephen at parang ayaw na bitawan ang kamay nya. “Steph na lang ang itawag mo sa akin,” sabi nito sakanya. Hindi sya naiilang dito, okay lang naman sakanya ang transgender, at hindi sya mapili sa mga kaibigan, wag lamang ito magiging bastos sa kanya at sa ibang tao, dahil hindi sya kunsintidor. “Oh, picture-picture muna,” sabi ng ate nya.
Nagpapicture sialng tatlo nila Pola kasama ang pinsan nito, meron din naman silang solo ni Pola. “Tama si Ate, cute nga si Pola, mataba lang talaga ito,” sabi nya sa sarili. Nang makauwi na sila ng ate nya, “Uy, gagawin nyang profile picture yung picture nila ni Pola,” panunukso nito. Natawa lang sya, pero hindi nya talaga ito gagawing profile picture, siguro, wallpaper na lang ng cellphone nya, at ipa-parin para ilagay sa tabi ng kama nya, sa ganung paraan hindi masyadong ‘showbiz’ sabi nga nila. Pero nagtataka sya kung bakit naisipan nya yun gawin, pero ok lang, basta alam nya masaya sya gusto nyang gawin. Tinext nya si Pola, “Hi, Good evening. –GM” group message pero kay Pola nya lang sinend. Pero hindi nya inaasahang magrereply ito, “Hello, Good evening din,”, “Kumusta ka? Kala ko hindi ka papasok kanina eh, di ka na kasi nagreply kagabi, kala ko masama pa rin pakiramdam mo,” reply nya dito. “Ah? Oo nga eh, kala ko kasi hindi pa mawawala sakit ng ulo ko eh,” sagot nito, “Ah, buti wala na, kanina pa kasi kita hinhanap kala ko talaga hindi ka papasok, pero nakita ko yung kuya mo kaya alam ko na papasok ka,” sabi nya dito, “Bakit mo naman ako hinahanap? May sasabihin ka ba?” tanong nito, “Wala naman, gusto lang kita makita,” sagot nya dito, “Hmm, ganun ba? Sige, matutulog na ko. Goodnight,” paalam nito, “Goodnight, Pola.”
Kinabukasan, volleyball naman ang laban, yung mga mahilig sa volleyball nanunuod, yung iba palibot-libot, yung iba nakatambay sa kani-kanilang tambayan at sila ng mga kaibigan nya, nakahiga sa bleachers, yung iba tulog yung iba naghaharutan lang. Nang dumaan si Brittany, “Hi, Lindon!” bati nito sakanya tinanguan nya lang ito, “Ang sungit mo naman, naiinis ka ba sa akin?” tanong nito, “Oo,” sagot nya sa isip. Umiling lang sya, “Eh bakit di mo ko pinapansin?” tanong ulit nito, “Wala naman kasi ako sasabihin eh,” pagkasabi noon ay nakita nya si Pola, agad syang tumayo, “Sige, Brittany, aalis muna ko,” at iniwan nya na ito. “Pola!” tawag nya dito. “Oh, Lindon, bakit?” tanong nito, “Wala lang, kumain ka na ba?” tanong nya, umiling ito. “Sabay na tayo maglunch,” sabi nya dito, “Sige,” sabi naman nito. Masaya sya kasi kasabay nya na ulit itong kakain, matagal tagal na din simula nung huli silang sabay kumain. Pero hindi na talaga madami ang pagkain nito, kaya hindi na sya nagtanong kung diet ito at baka isipin na niloloko nya pa ito. Habang kumakain, “ Bakit nga pala nag aya ka kumain?” tanong nito, “Wala, gusto ko lang, masama ba?” tanong nya, “Hmm, hindi naman. Nakakapanibago lang.” Patapos na sila kumain, nang dumating sina Cael at Ralph, kasama nito si Brittany. “Lindon!” tawag sakanya ni Cael, “Bakit kasama mo si Pola?” tanong ni Ralph, “Masama ba?” tanong nya dito,”Miss Pii...” hindi na natuloy ni Brittany ang sasabihin nito, “Pwede ba, simula ngayon ha, kung aasarin nyo lang si Pola, lumayo layo na kayo sakin, di ko kailangan ng kaibigan natulad nyo, at ikaw Brittany, hindi kita type, kaya pwede ba? Tigil tigilan mo na ako.” Pagkasabi noon ay hinila nya na palabas ng canteen si Pola, naiwan namang nagatataka ang mga kaibigan nya.
BINABASA MO ANG
Beauty and The Pig (Tagalog)
JugendliteraturSabi nga nila, kung kayo talaga ang para sa isa’t isa kayo pa rin sa huli, kahit laos na kasabihan totoo naman, at ang pagseselos ay hindi palaging nangangahulugan ng kakulangan ng tiwala, minsan mahal ka lang talaga ng isang tao kaya nagagawa nyan...