Beauty and The Pig (C-5)

43.3K 219 8
                                    

Chapter Five

“Teka, Lindon, masyado ka mabilis maglakad, kakakain lang natin,” sabi nito. Natigilan naman sya, “Ano bang ikinagagalit mo, Lindon? Sanay na ko sa mga taong ganun,” sabi pa nito. “Dati yon, Pola. Iba na ngayon, subukan ka lang nilang apihin ka at ako na ang makakaharap nila,” sagot nya dito. Tahimik lang sila na nakaupo sa isa sa mga bench sa waiting area ng school nila. “Pola?” tawag nya dito, “Bakit?” tanong nito. “Galit ka ba?” tanong nya “Hindi, bakit naman magagalit?” tanong nito. “P-Pola?” tawag nya ulit dito, “Hmm?” at tumingin ito sakanya. “Gusto kita,  pwede ba ako manligaw?” kinakabahan sya habang hinihintay ang isasagot nito, walang ekspresyon ang mukha nito kaya naman hindi nya talaga alam kung ano ang isasagot nito. “Bakit naman hindi, Lindon?” sagot nito. Pagkasagot nito ay nayakap nya ito sa sobrang kasiyahan, “Thank you, Pola.”

“Pola, may load ka ba?” tanong nya dito habang nanonood sila ng volleyball, “Hmm, bakit?” tanong nito habang sinusundan ng tingin ang bola, “Gusto kita maka-text mamaya,” sagot nya habang minamasdan nito. “Kung ayaw mo, loloadan na lang kita,” dagdag nya pa, “Hindi, magloload ako mamaya,” sagot nito, napangiti sya. “Hindi ba magagalit Kuya Genesis mo pag nalaman nyang nililigawan kita?” tanong nya dito, natawa ito, “Magagalit? Baka matuwa pa nga yun eh, di mo ba alam na sila na ni Ate Shaniya?” nagtatakang tanong nito sakanya, “Hala, sila na pala. Hindi kasi ako binabalitaan ni ate tungkol sakanila, kala ko magbestfriend lang talaga sila,” sagot nya. Binalik nya ang tingin sa naglalaro, pero hindi nya talaga mapigilan ang sarili na sumulyap sulyap kay Pola. Cute talaga ito, siguro hindi lang nila napapansinn dahil katawan agad ang tinitingnan ng mga kaibigan nya. Makinis ang mukha nito, hindi tulad ng iba na halatang panay tiris ng pimples nila, hindi rin ito pango, at may maganda at bilugang mata.

“Pola?” tawag nya dito, nilingon naman sya nito, “Wala, gusto lang kita tawagin,” napangiti lang ito. Oras na para umuwi,”Pola? Ingat ka ha,” at sumakay na ito sa service nitong sidecar. “Bye, Pola! Ingat.” “Aba, aba. Si Lindon may gusto kay Miss P-I-G, seryoso ka ba? Ayaw mo ba talaga kay Miss Barbie?” tanong ni Cael, “Bakit, Cael? Kung kursanada mo yung tao, eh di pormahan mo, ilang beses ko na sinabi sayo na wala akong gusto kay Brittany, isa pa, wag mo nga ko pakelaman tungkol kay Pola.” Pagkasabi ay umalis na sya, hinabol naman sya ni Ralph. “Pare, galit ka ba sa akin?” tanong nito sakanya, “Hindi pare, naiinis lang, nakakabastos na kasi kayo ng tao eh,” sagot nya dito. “Sorry naman pare, mukhang may gusto ka kay Pola ha, tama ba ako?” tanong ulit nito, “Oo, at kung pwede lang sana kung pagtatawanan mo lang ako, wag mo na ako kausapin,” seryoso nyang sabi dito, “Teka, pare naman, tinulad mo naman ako kay Cael, excuse me,may girlfriend ako, kaya okay lang yun, di ibig sabihin na ganto ako pasaway eh tutol na ko sa inyo. Sige pare, Goodluck sa’yo. Ingat.”

Pagka uwi nya sa bahay agad nyang tinext si Pola, “Pola, may load ka na ba? Pag di ka nagreply after ten minutes, ako na magloload sayo.” After five minutes, nagtext ito, “Grabe ka naman, kailangan lahat talaga nasa oras? Kailangan talaga nanakot?”, “Syempre, baka hindi ka magload eh, mabuti na yung sigurado,” reply nya dito.”Oh, ano po bang pag uusapan natin, Mister Vilerio?” tanong nito, “Wala naman,kumain ka na ba?”, “Oo, bakit?” tanong nito, “Di mo man lang ako inaya at hinintay,” nagatatampo nyang sagot,  “Hahaha, anong oras ka ba kumakain? At natutulog?” reply nito, “8pm ako nagdidinner, tapos yung pagtulog paiba iba, depende kapag may ginagawa, oh kaya kapag naglalaro, nanonood, ganun. Ikaw ba? Anong oras ka kumakain at natutulog?” tanong nya, “7:30 pm ako nagdidinner,  minsan 8pm, ang pinaka-late kong tulog 12am,”, “Anong oras ka naman gumigising?” tanong nya, “Pinaka-late na yung 9:30am.”, “May game kami bukas, bawal ka mag absent ha, at kung pwede lang wag ka lalapit sa ibang lalaki at baka matalo ulit kami,”  paninisi nya dito, “Kasalanan ko pa na natalo kayo nung 1st game nyo ha,” reply nito, “Syempre, malay ko bang bakla si Steph, at pinsan mo pa sya, hindi mo kasi agad pinakilala eh, ayun naguluhan yung isip ko, kakaisip kung sino na naman yung kasama mo.”

Ngayon ang second game nila, at masaya sya kasi kasama nya si Pola, nasa bleacher ito malapit sa bleacher ng team nila, hawak nito ang isang towel para sakanya. “Mukhang masaya ka Lindon ha, may inspirasyon ba?” tanong ng isa nyang ka teammate, nagkibit balikat lang sya. Nag umpisa na ang game, nakikita nya namang masaya si Pola, habang nanonood sakanila. Natapos na ang second quarter, sasayaw na naman sila Brittany, pero this time nakasimangot ito. Alam nya namang naiinis ito sa kanya, dahil sa sinabi nya dito kahapon. “Okay team, kaya natin ‘to, alam ko na hindi tayo matatalo ngayon, di ba pointguard?” sya ang tinitukoy ng coach nila. “Yes coach!” sagot nya dito, “Alam mo na gagawin, Lindon, I trust you.” Bilang isang Pointguard ng team, sya ang nagsisilbing utak ng grupo, kaya isang mali nya lang, malaki ang chance na matalo sila. Ten minutes bago matapos ang last quarter, tie ang score, hawak nya ang bola, nasa kanya kung mananalo ba sila o hindi, bago nya ihagis ang bola, napasulyap sya kay Pola, at nakita nya itong nakatingin din sakanya.. kaya naman 5,4,3,2,1. EEEEEEEEEEEKKKKKK! Nanalo sila. Paglingon nya sa side ni Pola ay may isang matigas na bagay na dumapo sa mukha nya at nawalan na sya ng malay.

Agad namang nagtakbuhan ang mga tao papunta kay Lindon, tarantang taranta naman si Pola dahil hindi nya alam ang gagawin nya. Biglang may sumuntok kay Lindon mula sa kabilang grupo, balita nito raw ang kapatid na lalaki ni Brittany. Tingin niya nagsumbong dito si Brittany, dahil alam naman sa buong school nila na may gusto si Brittany kay Lindon. Kaya siguro galit ito at nagawang sapakin na lang si Lindon, pero mali pa rin ito. Pwede naman magusap na lang at hindi na daanin sa marahas pang paraan, ayun at dinala na sa clinic si Lindon, sabi ng nurse ay dahil sa pagod at pagkabigla ang sanhi ng pagkahimatay nito. Nandoon din si Ralph at halatang nag aalala ito para sa kaibigan. Kalahating oras na ngunit tulog pa rin si Lindon, kinausap ni Ralph si Pola, “Kapag pinakelaman ka ni Brittany, sabihin mo sa akin o kaya naman kay Lindon, kami na bahala doon, Okay?” tanong ni Ralph, “Sige,” sagot ni Pola.

Beauty and The Pig (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon