Mahal kita (Pero Di Mo Lang aLam)

640 17 8
                                    

Hello! ^_^
1st one shot !
Please support...
Godbless.

~~~~~~~~

"Mahal kita pero ‘di mo lang alam mahal kita pero ‘di mo lang ramdam mahal kita kahit ‘di mo na ako tinitignan mahal kita kahit ‘di mo lang alam, oh oh woh"

Hays , papasok pa lang ako ng classroom yan na agad ang maririnig ko sa umaga. Ganyan talaga ang eksena dito samen pag umaga wala pa kasi yung teacher.

Yun kumakanta ba? yung si Joey ang bestfriend ko, pero teka mali kayo ng iniisip kase hindi siya lalaki kundi babae.

"Hoy, Joey ang aga aga nagpapaulan ka na naman. Tignan mo mukhang babagyo na!" sabi ko sa kanya.

"Grabe ka naman bestfriend, dapat nga sinusuportahan mo ko eh! hmmp :3" sagot niya, nagpout pa.

Sa totoo lang, okey naman ang boses niya, may pagka sintunado pero para sakin yun ang pinakamagandang boses sa lahat.

Teka di pa pala ako nagpapakilala. Ako si Matthew Martinez, 4th yr student sa *tooot* High school, public school dito sa quezon city.

At yung babae kanina ay si Johanna Eyrah Santiago,
Joey ang tawag namin sa kanya eh yun ang gusto niya eh, bestfriend at classmate ko simula pa nung 1st yr. One of the boys siya kase kami mga lalaki ang lagi niya kasama peo maganda yan at matalino, friendly yan kaya lahat ng classmate namin close niya . At siya ay lihim kong minamahal.

"Oo na po sorry na, ikaw ata ang may pinakamagandang boses na nakilala ko ^_^" sabay gulo sa buhok niya.

"Yehey, kaya mahal kita bestfriend eh. Ikaw number one fan ko dba" sabi niya sabay yakap sakin.

Naku Joey, mahal din kita.
bulong ko sa sarili ko.
At dumating na yung teacher namin.
As usual, aral mode muna kami.

~kringggg~ (tunog ng bell yan)

Joey: Yehey! uwian na! Oy tropa jamming muna tayo. Josh pahiram ng gitara.
Nagsimula na siya tumugtog, at syempre yun kinanta niya eh yun favorite song niya "Mahal kita" by rocksteady.

Ako: Joey, di ka ba nagsasawa sa kanta na yan?

Joey: hindi, favorite ko kasi to eh, bakit ? ^_^

Ako: Eh kasi marami tinatamaan ang kanta na yan eh.
katulad ko.bulong ko sa isip ko.

Joey: ganun ba? eh kasi yung pinapatamaan ko sa kanta na to eh hindi pa ata tinatamaan eh. Kaya paulit ulit ko ito kakantahin hanggang magets niya. hehe XP

Ouch! it hurts may gusto na pala siyang iba, sino kaya yun? baka isa sa barkada namin? si James? si Joshua? o baka si rhandy?
Grabe di pa nga ko nanliligaw, basted agad. huhuhu :'(

"mahal kita pero ‘di mo lang ramdam mahal kita kahit ‘di mo na ako tinitignan mahal kita kahit ‘di mo lang alam, oh oh woh"
dug dug, bakit ganito habang kinakanta niya yung lyrics na iyon sakin siya nkatitig.

Bakit parang sinasabi niya lang sakin yung lyrics, hay nako ayoko umasa. Masakit lang lalo.
Habang nakatitig ako sa kanya di ko namalayan kaming 5 na lang pala ang tao sa room. Nagsiuwian na ang lahat.

"Pre, wag mu titigan baka matunaw. Lapitan mo na kasi at sabihin yang nararamdaman mo. Malay mo parehas kayo" Bulong saken ni James habang nakaakbay.

Oo tama, kailangan ko masabi sa kanya na mahal ko siya. Bahala na kung ireject niya atLeast nasabi ko at wala akong pagsisisihan sa huli.

"Tama ka pare, salamat" sabi ko sa kanya.

Kinuha ko ang gitara at ...

"Mahal kita pero hindi mo lang alam hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan ayaw mo naman itanong sa ‘kin kasi baka nga naman hindi naman ikaw at hindi ko rin naman sa ‘yo sasabihin kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw mahal kita pero hindi nga lang halata hindi halata kasi wala nga naman akong ginagawa hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala pero hindi ako torpe hindi ko lang talaga masabi sa ‘yo nang harapan mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam hindi mo ko titignan, hindi rin kita titignan lagi mo lang akong pakikiramdaman, lagi rin kitang pakikiramdaman at araw-araw tayong magdededmahan hanggang sa tayo ay magkabistuhan pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko, nais kong magkaalamanan na nais kong ako na rin ang magsabi sa ‘yo nang harapan kasi alam kong don din naman ang tuloy niyan at dalawa din lang naman ang posibleng sagot d.yan: oo o hindi kaya't eto na, sasabihin ko na para matapos na at hindi na magka-chismisan pa sasabihin ko na para wala nang problema at para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa

Mahal kita pero ‘di mo lang alam Mahal kita pero ‘di mo lang ramdam Mahal kita kahit ‘di mo na ako tinitignan Mahal kita pero 'di mo lang alam ... (hinawakan ko ang kamay niya at) mahal kita joey "

Grabe kinabisado ko talaga yung part na yun ng kanta kasi yun ang gusto ko sabihin sa kanya eh. At ngayon nasabi ko na, bahala na kung ano ang reaction niya.

Joey: Grabe ang slow mo talaga kahit kelan. tsk tsk! (sabay batok sakin)

Huh? bakit ganun reaksyon niya? slow ako? papano naman naging slow? hala di ko gets nangyayari ah. Tsaka bakit eto mga tropa ko nakangiti lang. Ano ba nangyayari?

Joey: hahaha :D kitams, di mo talaga nagets. Slow eh.
hay nako bestfriend. Ang tagal ko hinintay yang lyrics na yan galing sayo. Lagi ko kinakanta yun kasi may gusto ako patamaan at ngayon mukhang tinamaan na siya.
Mahal kita Matthew pero di mo lang alam.

Natulala ako, tama ba narinig ko? Para sakin pala yung kanta.

"Yuhooooo, sa wakas umamin din. grabe ang tagal bago umamin pre" sabi ni joshua sabay damba sa likod ko.

"oo nga pare, tagal mo naging torpe" si Rhandy sabay batok sakin.

"Yehey! May loveteam na sa barkada! mag celebrate tayo" si James habang sumusuntok sa hangin.

Ay grabe, ang slow ko nga. Ako pala yung mahal ni Joey! ang slow ko -_-
Pero okay lang ngayon alam ko na at liligawan ko na siya. Kelangan na ng da moves.

Ako: Joey, si rocksteady ca ba?

Joey: (nakakunot noo) ha ? bakit ?

Ako: Kasi, mahal kita pero di mo lang alam. boom!

Ang galing mo boy pick up! Hahaha .
Ganyan talaga epekto pag inlove.
Nang dahil sa kanta nagkaaminan kami ng taong gusto ko.

Lumapit sakin si Joey at ...
tsup :* hinalikan niya ko sa pisngi, bigla tuloy ako namula.

Joey: Mahal din kita pero di mo lang alam :)

At napangiti na rin ako :)))

~~~~~~~~

Author's Note:

Yieeeh ! tapos na ang 1st one shot ko. Sorry ang cliche ng story.
Pagtyagaan nyo na 1st time eh.
Salamat sa nagbasa. ILabyow :*
Godbless!

Mahal kita (Pero Di Mo Lang aLam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon