Mia's POV
Mr. Perez
Mr. Perez
Mr. Perez
Wait what? Di kaya anak siya ni Mr. Perez na may ari ng school namin. Ughh sheytt! So I should respect him! Kailangan kong magbehave! Ano ba yan! May karapatan tuloy siya na paalisin nalang ako! Kaya Mia, be a good girl. Ok???
---
*at the University*"Mia! Alam mo na ang balita?" Sabi ni Clarisse. Tss! Ano nanaman kaya to? Nasa mood pa naman ako ngayon!
"Ano yun?"
"Naaalala mo? Yung si Chris? Kahapon lang ay nabugbog siya! Tsaka siya rin pala ang may-ari ng school na to!" Bigla ko naman ito ikanagulat! Seryoso? Nabugbog siya? Kahapon lang ay okay lang naman siya ah! Tsaka confirmed! Tama ang hinala ko! Siya nga ang anak ng may ari ng university na to!
"Huh? Anong nabugbog? Kailan lang?"
"Kanina lang! Nang dumating kasi siya rito ay biglang may mga lalaking nakipagsuntokan sa kanya! And nasa clinic siya ngayon!"
Wala na! Dinaig na ni Clarisse ang mga news reporter.
"And..." Sabi niya
"What?" Sabi ko naman.
"Pinapunta ka! Kasi ikaw lang ang kaibigan niya rito eh." Sabi niya na ikinagulat ko.
Seryoso ba siya? Ako? Papupuntahan ako dun? Ahh... Ahhh... Ayaw ko kaya!
"Uhuhh?? N-no! Ayaw ko noh! Bye na!" Sabi ko sabay naglakad papalayo.
---
Lunch time na ngunit wala pa rin siya. Baka ano na nangyari dun! Tss! Gago! Sino ba kasi yung bumugbog sa kanya ha? Lintik sila!
Nagulat nalang ako ng bigla siyang umupo sa harapan ko. Nasa canteen kasi ako at kumakain lang mag-isa.
"Ba't di ka pumunta?" Sabi ni... Ch- Chris...
"Huh? Ka-kailangan pa ba ako ron?" Tanong ko. Natatakot na ako eh! Para siyang papatay ng tao!
"Tss! Mamaya sumama ka." Sabi nito. O.o? Saan kaya? Nakoo! Baka i-rape ako nito!
"Sa-saan?" Sabi ko.
"Basta! Utang mo to kasi di mo ako sinamahan sa clinic!" Sabi niya sabay alis.
Saan naman kaya kami pupunta? UTANG? Nakoo! Baka kapalit nito yung virginity ko! No way!!!! High way!!!!!
---
Malapit na matapos ang klase at mas lalo akong kinabahan.
"Ok class. Hanggang dito nalang tayo. Cleaners you may now clean the room." Sabi ni Sir Adones.
Wahhh! Cleaners kami ngayon! Yess tatakas nalang ako kay Chris kung uuwi na kaming mga cleaners. Yes!
Tumayo na kami para umuwi na...
Hinila lang naman niya ang kamay ko. Ayy? Nagmamadali? Di pa nga ako nakapag linis eh!
"Te-teka. Cleaners kami ngayon!" sabi ko.
"I dont care!" Tipid nitong sinabi. Seryoso ba siya? Hayss. Mas mabuting sundin ko nalang siya kesa naman sa mapaalis ako sa school namin!
---
Luhh? Papunta kami sa direction ng computer shop. Dont tell me na maglalaro siya? Tss!
"Uuwi na ako! Ano ba!" Sabi ko.
"Mamaya na! Sabi ko utang mo to!" Tss! Ano ba to! Pwede naman siyang magsama ng ibang kaibigan eh! Ba't kailangang ako pa? Tss! Sarap upakan eh!
Nasa computer shop na kami ngayon.