Chapter 44

1.4K 40 3
                                    


Xander's Pov!

Pinagbuksan ako ng guard at bumati sakin kaya tinanguan ko na lang siya. Mula sa kinatatayuan ko may isang pamilyar na imahe akong nakikita sa may harapan ng recention desk. Pinagpatuloy ko ang paglalakad at habang papalapit nasisiguro ko na kung sino ang taong yun na may dalang bouquet ng bulaklak kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko ng mas malapit na ako sa kanya.

"Xander!"

"ay lintik!" hindi ko nilingon ang tumawag sakin at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko.

"Pare." may pumatong na kamay sa kaliwang balikat ko kaya napatigil ako at tiningnan siya ng masama. "Bakit?"

"Xander? Is that you?" ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi ko pinansin ang isa pang nagtanong sakin.

"Sino siya?" tanong sakin ni Andrew.

"Xander?" tanong ulit ng nasa likod ko.

"Huwag mo siyang papansinin."

"Bakit?"

"Halika na."

"Hey." bago pa man ako makahakbang isang palad ang pumigil sakin na nakapatong sa balikat ko. Wala na akong magagawa kundi ang harapin siya. Ano na nga pangalan nito? Wala akong pakialam.

"It's really you Mr. Buenodicto."

"Mr. Chalinger. What brings you here?"

"I just arrived from London so I decided to drop by here. Anyway is Lory still working here?" anong gusto mo sisantihin ko para sayo? Asa ka!

"Yes she's still working here but unfortunately she can't able to come."

"Why? Is she alright?" makaasta to parang close sila ni Lory.

"Don't worry she's fine. She just have important matter to do."

"Ah, I see. Did she tell you if-..."

"No but we will meet later. If you don't mind. Do you have an appointment with her?"

"No, I just want to visit and give this to her." inangat niya ang bulaklak na hawak niya. Talaga lang ha?

"Ah. If you want I can give that to her." nagdalawang isip pa siya kaya kinuha ko na ito sa kanya. Magsasalita pa sana siya kaya nagsalita ulit ako. "Don't worry I assure you she will receive this. So, We need to go now. I have a meeting and they are waiting for me. Good bye Mr.Chalinger." tinalikuran ko na siya habang dala.dala ang bulaklak na galing sa kanya. Sumunod din sakin si Andrew.

"Sino yun? Bakit may pabulaklak pa?"

"Kliyente ng kompanya yun."

"Bakit ganon ang pakikitungo mo?"

"Wala ka na dun." binilisan ko ang paglalakad ko papuntang elevator pero napatigil ako ng may nakita akong janitor.

"Pakitapon nito." ibinigay ko ito sa kanya.

"Sir sayang naman po." panghihinayang niya habang nakatingin sa hawak niya.

"Bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin dyan. Siguraduhin mo lang na hindi ko na yan makikita."

"Sige po sir. Salamat po." naunang pumasok si Andrew sumunod na din ako.

"Pinatapon mo talaga? Iba na yata yan ah."

"Ano na naman ang iniisip mo?"

"Wala. May dapat ba akong isipin?"

"Baliw ka talaga."

"Una na ako." bumukas na ang elevator at lumabas na si Andrew. 

"Teka lan-.." sumara na ito kaya hindi na narinig ni Andrew tawag ko.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon