IVINE BLINK AS the brush gently touch her cheek. Her make up artist told her to close her eyes as she applied some small amout of eyeshadow.
"You can open your eyes, Ivine. Sabihin mo sa akin kung okay na o makapal ang make up mo," ani ng personal make up artist niya na si Ate Lea.
Ivine smile. "I don't have to correct you, Ate Lea. You know what's best for me."
"Eyy. Huwag mo nga akong bolahin. Just tell me if its okay."
Binuksan niya ang nga mata at saka muling ngumiti bago tumango rito. "Its perfect."
Natawa ito at saka ibinaba ang brush at saka kinuha na ang tela na nakapatong sa gown niya upang hindi malaglagan ng make up powder.
"Whitwhew!"
Napatingin sila ni Ate Lea sa salamin nang may sumipol. Ivine smile when Jane's head popped in.
"Jane."
"Ate Lea, am I on the right room? What the-? Ang ganda mo ate!" nanlaki ang mga mata at saka kumurap na wika nito.
Natawa sila ni Ate Lea. Iniwan muna sandali ng huli dahil may tawag itong natanggap.
Lumapit si Jane sa kanya at saka muling kumurap. "Excuse me but who are you?"
Mahinang hinampas niya ito sa braso. "Stop it. Naasiwa tuloy ako sayo."
"Ayeee. But seriously, parang hindi ikaw," wika nito.
Umiling na lang siya at saka kinurot ito ng magaan sa pisngi. Akmang magsasalita pa sana siya pero may kumatok sa pinto kaya napalingon sila doon ni Jane.
It's her mom. Ivine smile as her mom planted a kiss on her temple.
"Oh gosh, look at you. Oh my sweetheart, I don't want to ruin your day anak but I can't help it. Ang ganda ganda mo talaga," ani ng ina niya. Medyo naluluha ito.
Natawa siya at saka niyakap ito. "Ma naman. Masisira ang make up niyo. Mamaya na."
"Kasi naman, naalala ko noong ikasal din kami ng daddy mo, ganyan din ako."
Natawa sila ni Jane.
"Hay naku, sige na nga. Mamaya na tayo magdadrama. Wait, I have to call your dad. Jane hija, will you stay here muna? Lalabas lang ako sandali," wika ng ina niya sa kaibigan.
Tumango si Jane. "Opo, tita."
Muling lumapit si Jane sa kanya at saka umupo sa tabi niya. Ivine smile at her.
"The gown looks good on you," she said as she tuck some hairstrands behind Jane's ear.
"Mas maganda ka ngayon, ate. Super parang hindi talaga ikaw," anito at saka ngumiti.
Natawa siya ng magaan. She sigh silently and look down. "Salamat."
Namaramdaman niya na hinawakan nito ang kamay niya. "Ate? Are you okay? Natahimik ka, at ang lamig ng kamay mo."
She sigh again. "Yeah, I'm fine."
Jane smile. "You're nervous."
Natawa siya ng magaan. "A little. I can't believe na dumating na ang araw na pinakahihintay ko."
"Matagal niyo nang pinlano to ni Kuya Brace. I'm sure masayang masaya rin siya ngayon," wika nito.
"Yeah, I know he is too."
"Teka nga, hindi ko sasayangin tong moment na to. Selfie tayong dalawa," anito at kinuha ang cellphone sa may kalakihan na purse na dala nito.
"Siyanga pala, may tanong ako," aniya matapos nilang kumuha ng litrato.

YOU ARE READING
Untold Stories of the Series of Love (UP TO DATE)
RomancePLEASE BEAR IN MIND Some events that are not being told in the story and after the story. Just a brief POVs and in no particular order. Events in the real deal are used but is added with only pure imagination. Official photos used are added to the i...