Rain

27 3 0
                                    

"We both met under the pouring rain."

PUBLISHED: May 14, 2017.
ENDED:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Copyright © 2017 ileesion

All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic and mechanical means including information storage and retrieval systems without permission writing from the publisher, except by a reviewer, who may quote brief passages in a review.

Rain Rigor

"Rain! Hindi ka ba mag-dadala ng payong? Makulimlim sa labas! Halatang uulan, anak."

Lumingon ako sakanya at ngumiti, "Ayos lang ako, Ma. Kaya ko 'to, hindi naman siguro ako aabutan ng ulan!" at nag-thumbs up sakanya.

Ngumiti siya pabalik sa akin at tumango, "Oh, sige. Sabi mo 'yan, ha? Mag-iingat ka, anak."

Ngumiti lang ako at tumango. Nag-simula na akong mag-lakad palabas ng bahay namin. Payapa akong nag-lalakad at dala-dala ko na din ang bag ko. Maaga-aga pa. Pero dahil ayaw kong nale-late sa klase, maaga akong pumapasok. Sayang naman kasi ang tuition na binabayad ni Mama kung magpapalate lang ako, 'di ba? Hindi naman kami mayaman pero hindi din naman kami mahirap. We're in between.

"Rain!"

Nagulat ako sa narinig kong tumawag sa akin. Hm, wala naman akong ka-close rito, ah?

"Hoy, babaeng may pink na buhok!"

Tsk, sino naman kaya 'to? Nakakainis! Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang lalakeng tumatakbo papalapit sa akin.

Tinaasan ko ito ng kilay at tumigil sa pag-lalakad, "Lars? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't nasa Lihecos ka?"

Naabutan niya ako at hingal na hingal na tumawa, "Kalma, bes. Hinga." tugon ko sakanya.

Tumawa siyang muli. Nag-taka naman ako kasi hindi talaga siya nagsasalita. Abnormal na bata.

"Lars, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko sakanya.

Bumuka ang bibig niya para mag-salita pero natigilan kami pareho nang may sumigaw.

"Lars, bumalik ka ritong ulupong ka!"

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Lars. Tinignan niya ako at halatang anytime ay tatakbo siya. "Una na ako, Rain! Babye!"

Hindi na ako nakasagot dahil agad na siyang tumakbo paalis. Napalingon ako sa likod at nakita kong may babaeng tumatakbo sa direksyon ng tinakbuhan ni Lars. Nang marating niya ang kinaroroonan ko ay nagulat ako nang mamukhaan ko ito.

"Sinfonia? Anong ginagー"

Tumawa siya at tinapik ang balikat ko, "Dito raw ako mag-aaral ngayong year sabi ni Mommy."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon