"Ang storyang ito ay hango sa aking malawak na pananaw at imahinasyon. Lugar,tao, paghahalintulad at iilang hango sa totoong buhay lahat iyon ay pawang nanggagaling lamang sa utak ko."
● Question to answer, comment on box. ●
Panimula; "Ikaw anong tawag mo sa Nanay mo?
Anong pinaka-Dialouge na naisaulo mo kapag nagagalit ang nanay mo?
Gaano mo kamahal ang Nanay mo?
🌺🌼🌻
---------
Pinaghanda kita ng almusal. -bungad ni Merlinda sa bagong gising niyang anak. Sinalubong niya itong may mga ngiti sa kaniyang labi. Pero hindi siya nito pinansin at dumiretso sa Cr upang mag toothbrush at hilamos.
"Belinda, halika na at lalamig na tong sinangag maupo ka muna"
"Ayokong kumain," pagsagot nito ng pabalang, pero makulit pa din si Merlinda at inakay niya ang anak papunta sa lamesa
"Punyeta naman oh! Ano ba? Kaaga-aga sinisira niyo ang mood ko, sabing ayoko nga kumain e. Ang kulit tsk"
"Pero anak, hindi ka na nakakakain, bawat inihahanda ko e hindi mo naman nagagalaw nasasayang lang, alam mo naman masama ang mag aksaya ng pagkain:
"Bakit wala naman akong sinabing ipag-tabi niyo ako ng pagkain ah? Kung gusto ko kakain ako di niyo na kailangan pa na ayain ako" pagkatapos niyang bitawan ang salitang nakapag pintig sa tenga ng kaniyang ina ay napaupo nalang ito at nagsimulang kumain. Nanginginig at napapaisip sa inasal ng kaniyang anak.
Bawat araw ang lumipas ay hindi pa din napagod si Merlinda na mag luto at ipagtabi si Belinda ng pagkain. Ngunit ng makalawang araw e, nakaligtaan ni Merlinda na magluto dahil napagod ito sa kaniyang nilalabhan. Inako niya na din kasi ang pagiging labandera sa halagang four hundred pesos
"Walang kanin? Kahit ulam wala? Bwisit talagang bahay to Urg" bulalas niya bago ibagsak ang kaldero na ikinagising ng kaniyang ina.
"OH, anak!? Kanina ka pa ba diyan? Pasensya kana hindi nakapagluto si Nanay dahil napagod ako sa mga ipinalaba sa akin, ipagluluto kita sandali la-ang."
"Wag na nawalan na ako ng gana" sabay dabog ng baso.
"Belinda, matigas na tawag ng kaniyang Ina "hindi ko na gusto yang inaasal mo ah, uuwi ka dito akala mo kung sino ka'ng siga, ipinagluluto naman kita lagi ah, pero hindi mo kinakain at lagi mo"ng pinapanis, makaintindi ka naman na pagod ako ngayon, at kailangan ko'ng gawin yun para may pera tayo."
"Bakit? Sino ba'ng nagsabi na magpakapagod ka at maging bayani diyan sa paglalaba mo!? Ako ba?
Napabuntong hininga si Merlinda, napahawak ito sa lababo dahil biglang sumikip ang dibdib niya at nahihirapan siya i-maintain ang kaniyang puso.
K I N A B U K A S A N
"OH, papasok kana" masyang bati ng kaniyang ina, kahit na sumasama ang loob nito ay pilit niyang winagwaglit. "oh! Teka. Baunin mo na to para may laman yang tiyan mo."
"Oh, Hello? Oo otw na ko," -sabi niya sa kabilang linya habang isinusuot ang nag sa kaniyang likod, at tila nagmamadali itong umalis. Ni paalam o salitang "alis na ako" ay hindi nito magawang bigkasin.
"Belinda. Teka! Yung babaunin mo, habol ng kaniyang ina.
"Wag na, babaho lang yan sa bag ko bye" tinalikuran na siya nito. Kaya malungkot na pumasok sa loob si Merlinda hawak ang sandwich na ginawa niya.
College student si Belinda. At nagiisang anak lang siya ni Merlinda. Siya na ang magisang bumuhay dito sa tulong ng pagtitinda ng mga damit sa palengke. Sa loob ng ilang taon e, pawis at dugo niya ang ginawa niyang puhunan, nagsasakripisyo siya upang makatuntong lang ng highschool at kolehiyo ang kaniyang anak. Hindi niya bukod maisip na kung bakit naging ganun nalamang ang asal ni Belinda, simula kasi ng naging dalaga ito e, naging maluho siya materyal na bagay na hindi naman kayang ibigay ni Merlinda dahil na din sa kakulangan sa pananalapi. Naiingit kasi ito sa mga kaklase lalo na sa mga mamahaling gamit. Isa din siya sa maswerteng napiling mag scholar, sa pamumuno ng mayor ng kanilang baryo kaya kahit papaano e hindi mabigat sa bulsa ang pagbabayad ng matrikula.
BINABASA MO ANG
NANAY (One Shot-Story)
Short Storymadami tayong tawag sa ating mg magulang, meron MOMMY,MOM,MAMA,MUDRA,NANAY,INANG, Pero kahit anong kinalakihan tawag natin sa kanila e, walang higit na makakanpatay sa ating mga magulang! (ALAM MO YAN)