"Pano Sofie, iiwan muna namin sayo si Terrence ha. 1 week lang naman eh" nahihiyang sabi ni Sandy.
"Okey lang yon, wala naman akong pasok, saka gusto ko namang alagaan si Terrence, ang cute cute kaya ng baby namin" nakangiting sagot ni Sofie saka kinurot ang pisngi ni Terrence.
"Sabi ko naman sayo hon, okey lang yan kay Sofie, pasasalubungan ka nalang namin"nakangiting sabi ni Marco buhat-buhat na nito ang bagahe ng mga ito.
"Nakakahiya naman kase, kung pwede nga lang isama na rin natin si Terrence sa Hongkong".
"Dyan ako di papayag!" mabilis na sabi ni Marco.
"Ou nga Sandy, honeymoon ninyo yon hindi pwedeng kasama si Terrence. Mabuti pa umalis na kayo baka ma late pa kayo sa flight nyo".
"Ou nga hon, tara na bye Terrence" paalam ni Marco saka binuhat si Terrence.
"Bye! Baby Terrence" paalam ni Sandy sabay halik kay Terrence.
"Oh sige na, umalis na kayo" taboy ko sa kanila saka ko kinuha si Terrence kay Marco. "Terrence mag babye ka na kay mommy at daddy".
"Bye Mami at Dadi" paalam ni Terrence habang kumakaway.
"Bye' magkasabay na sabi ni Sandy at Marco saka sumakay na sa kotse.
"Tara na sa loob, baby Terrence panuorin natin ang spongebob square pants, di ba gusto mo yon" tanong ko kay Terrence.
"Opo usto ko pambob square pant" bulol na sabi ni Terrence.
Mabilis kong sinindihan ang tv ng makapasok kami sa bahay. Iniwan ko muna si Terrence sa sofa saka ako pumunta sa kusina at kumuha ng juice at cookies.
Nadatnan kong nakaupo pa din sa sofa si Terrence, tutok na tutok ito sa palabas.
"Baby here oh, kain ka ng cookies kabebake ko lang yan".
"Wow sharap naman" nakangiting sabi ni Terrence .
"Oh kain lang ng kain baka magalit mama mo pag pumayat ka".
"Kain ka rin ninang" alok niya sa kin sakaniya ko sinubuan ng kapirasong cookies.
"Ang sweet talaga ng baby namin" nakangiting kiniss ko siya sa pisngi saka ko siya kinilite.
"Hahaha" tawa ni Terrence . "Yoko na ninang kaw naman kilitiin ko".
"Oh sige na nga" sang ayon ko sa kanya baka kasi umiyak pa siya . Agad naman niya kong kiniliti sa kilikili.
"hahaha" napuno ng tawanan namin ang buong bahay.
