SIMULA

20 2 0
                                    

Credits to DIANE11_MARIE03 for the book cover. Thank you so much.

___

Nagising ako sa isang katok. Isang malakas na katok na parang may galit o may intensyon na sirain ang pinto. Maya't-maya pa ay naging sunod sunod at lumakas lalo ang katok na siyang maririnig sa bahay ko. Inis na bumangon ako sa aking higaan at lumabas sa aking kwarto upang pagbuksan ng pintuan ang sinumang gumambala sa aking mahimbing na tulog.

Kaagad bumalot sa aking katawan ang gulat, kaba, at takot nang mabuksan ko ang pinto. Isang duguan na babae ang nakahiga sa harap ng pintuan. Hindi ko ito nakilala noong una dahil nakatakip ang kanyang magulong buhok sa kanyang mukha ngunit nang magsalita ito ay kaagad ko itong nakilala.

"A-ate" sambit ko nang tinanggal ko ang nakatakip nitong buhok sa kanyang mukha. Tila nag aagaw buhay na ito base sa sitwasyon ng aking kapatid kaya kaagad akong tumawag ng ambulansya para kaagad itong madala sa hospital.

"B-bunso, hindi na ako a-aabot pa sa h-hospital" nauutal ngunit klarong klaro ito sa aking pandinig. Kaagad buhos ang mga likido galing sa aking mata. Bigla niya lamang akong inabutan ng isang sobre na hindi ko alam kung ano ang laman nito.

"L-lumayo ka S-stella. H-hahanapin ka nila. P-papatayin ka nila."

---

Unveiling the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon