After 12 years
"Sofie salamat talaga ha!, lagi ka nalang naming naaabala".
"Okey lang yon, nasan na ba si Terrence, ang tagal ko na rin na hindi siya nakikita" sabi ko. Isang buwn din kasi ako sa Baguio, nagseminar kami dun at tumulong na rin kami sa may mga sakit. Hindi nyo naitatanong isa na kong doctor ngayon paminsan-minsan ay sumasama ako sa mga kapwa ko doctor para magbigay ng libreng medical sa nangangailangan.
"Pababa na yun" nakangiting sabi ni Sandy.
"Hi Tita" bati sakin ni Barbie,anak din ito ni Sandy, 10 years old na siya.
"Hello I have alot of pasalubong sayo" nakangiting sabi ko.
"Talaga tita nasaan po" excited na sabi ni Barbie.
"Barbie maya mo na hanapin sa tita mo yung pasalubong mo, tawagin mo nga muna yung kuya mo kanina ko pa siya pinapababa pero hanggang ngayon wala pa rin". singit sa kanila ni Sandy.
"Yes Ma" nagmamadaling umakyat sa hagdan si Barbie. "Ma ayan na si kuya"sabi ni Barbie pagbalik nito.
"Oh si Terrence na bayan ang laki ng tinangkad niya ah! saka lalo siyang pumogi" sabi ko ng makita kong bumaba si terrence.
"Hello po Ninang" nahihiyang sabi ni Terrence.
"Pa hug nga, na miss kita ah!" sabi ko saka siya niyakap. Napansin kong nagulat si Terrence sa ginawa ko.
"Uuy si kuya nagbablush" panunukso ni Barbie.
"Hindi ah" mabilis na tanggi ni Terrence.
"Hanggang ngayon ba crush mo pa rin ako?" natatawang sabi ko.
Mas lalo namang namula si Terrence. Na mas lalo naming kinatawa.
"Ano may girlfriend ka na ba?" tanung ko, nasa sala na kami.
"Wala pa yan tita pero madaming may crush sa kanya sa school" sagot ni Barbie.
"Talaga! totoo ba yun Terrence?"
"Barbie tumigil ka nga dyan" naiinis na sabi ni Terrence.
"Oh! Ba't nahihiya ka, natural lang yan noh! Gwapo ka kaya ganun.May nagustuhan ka naman ba sa kanila?"
"Wala Ninang" mabilis na sagot nito.
"Pero tita may mga girls na nakikipag friend sakin para mapansin lang ni kuya. Ang sungit niya kasi sa school"
"Barbie isa pang salita mo dyan,ibabalibag ko na sayo yung remote" galit na sabi ni Terrence.
"Terrence wag mo ngang pagbantaan ang kapatid mo" saway ni Sandy.
"Ma si Barbie naman ang may kasalanan nun eh!" paliwanag ni Terrence.
"Kahit na mas bata pa rin sya sayo"
"Okey Ma" napipilitang sabi ni Terrence.
"Ikaw naman Barbie mag sorry ka sa kuya mo" baling ni Sandy kay Barbie.
"Sorry kuya" hinging paumanhin ni Barbie.
"Sorry din"
"Barbie, Terrence si tita Sofie muna ang makakasama nyo diyo ha!".
"Bakit Ma, san kayo pupunta?" tanong ni Terrence.
"Ou nga Ma, san kayo pupunta? tanong naman ni Barbie.
"May company outing ang daddy ninyo, isinasama niya ko, 3 days din yun. Ayoko nga sanang sumama pero dahil nandyan naman na ang tita ninyo kaya pumayag na ko" paliwanag ni Sandy.
"Ganun ba Ma, happy trip nalang po" sabi ni Terrence.
"Ma pasalubong ko ha!" sabi ni Barbie.
"Oh sige! basta wag niyong pasasakitin ang ulo ng tita ninyo ha"
"Yes Ma!" magkasabay na sabi ni Terrence saka ni Barbie.
