CLOSURE

144 1 3
                                    

CLOSURE?

Bakit? Why?

Hindi mo maiiwasang itanong yan sa sarili once na iniwan ka niya. Hindi mo maiiwasang magduda sa mga rasong ibinigay niya sayo. Ang masaklap, hindi mo maiiwasang ma-insecure, magself pity at usigin ang konsensiya mo.

You'll think that something is really wrong with yourself. In short, mawawalan ka ng self confidence. Hindi ka maniniwala sa sasabihin ng iba na walang mali sayo. Kasi kung walang mali sayo, bakit ka niya iiwan? Bakit siya magsasawa? Bakit siya maghahanap ng iba? Ano ang kaya nilang ibigay na hindi na niya mahanap sayo? In short ulit, you're stuck. Hindi ka makakapagmove on. Well hindi ko naman nilalahat. Kasi on the advancement of the world, nag advance din ang reasoning ng tao.

Marami sa atin na kapag iniwan, okay lang sa kanila kahit anumang rason ang matanggap nila. Kahit nga unreasonable yun, wala silang pakialam. Pero marami pa rin ang katulad kong hindi makakalimot. Oo, makakapagmove on nga PERO never makakalimot na sinaktan ka na ng taong minahal mo.

Personally, the worst part of the breakup is not really the pain that rips your heart apart. It's the thought that for the last time that you need him/her to be honest with how he/she feels for you, he/she lied even if you begged him/her to tell you the truth. Pero syempre dagdag na kapangitan na rin dun yung sakit.

Kaya siguro, nakakabad trip magmove on kapag ganon. Kasi umpisa pa lang, fake na yung umpisa. WHAT? Hindi ko rin nagets yong sinabi ko. Pero alam mo kung ano ang makakapag umpisa sayo na gawin yun? Well, all it takes is a BRAVE HEART. Lahat naman tayo meron nun kaya lahat tayo marunong nun.

Meron lang kasing iba sa atin, hindi pa nila alam yung bravery na yun kasi nagtatago sa pinakailalim ng mga chambers ng puso nila yun. Pero pag natagpuan niyo na yung tapang na yun sa puso mo, susunod na yung tapang ng katawan mo. Astig 'no? Nauna mong ginamit utak mo kaysa puso mo tas sumunod katawan mo. Oh di ba? Ganon dapat yung pattern para successful. Pero hindi naman natin maiisip na utak muna ang gamitin natin bago ang puso. Mas marami sa atin, puso bago isip. Pero ang bottomline talaga nito, paano ka matatahimik? Mga 'what ifs' at mga 'if only' na hindi dapat nasasagot. Kasi nangyari na ang mga dapat mangyari. Nagawa mo na ang mga nagawa mo. Nasabi mo na ang mga dapat mong sabihi. Oh anyare? Wala 'di ba? Wala na nga siya eh. So kailangan mo nang tigilan yung pagtatanong niyan. Kailangan mo ng ibaon yun sa limot. Kailangan mo ng CLOSURE kasi nga irrelevant na yun. Pero hindi naman ibig sabihin na irrelevant na yun eh indifferent na.

Kaya matigas ang ulo mo, gagawa at gagawa ka ng paraan para malaman kung ano ba talaga ang mali. What went wrong? Yaan lagi ang tanong ng engliserang puso mo sa halos gabi gabing ginawa ng Diyos kaya para matahimik ka, tatanungin mo siya.  Ano bang mali? After asdfghjkl years, siguro naman, may tapang na siyang sabihin sayo kung ano ang mali. At kapag nasabi na niya yun sayo, dalawa lang ang siguradong magiging reaksiyon mo. Una, gagaan yang pakiramdam mo. Na parang may isang kulang sayo na dati mo pang hinahanap at nung sinagot na niya yung why-bakit na yun, parang biglang natahimik yung kaluluwa mo at nakakatulog ka na ng mahimbing na hindi mo na siya iisipin. In short, tuloy ang buhay. O kung hindi naman, magrereact ka sa sinabi niyang rason at susumbatan mo siya ng ganito-ganyan-bakit hindi niya sinabi agad baka naayos, which is pathetic. Kasi ibig sabihin lang nun, hindi ka makaalis-alis sa pinag-iwanan niya sayo habang siya, mahabang panahon nang nagpapakasaya sa buhay niya.

WAG KA NG UMASA. You had your chance and yet, iniwan ka niya. Buti sana kung ikaw yung nang iwan, atleast baka may hope pa para sa inyong dalawa. Tama na pagdadrama te! Clear na sa inyong dalawa ang lahat. You two broke up for a reason at ang rason na yun ay di talaga kayo meant for each other. Mistakenly meant lang. So MOVE ON. May closure na ang librong minsan ay isinusulat niyong dalawa. Now is the right time for you to write your own book single-handedly. At kapag sinuwerte ka, you could find someone else who would write it with you and find happiness you never had on that person in your PAST.

--------------------

Grabe. May pinanghuhugutan si Author eh. Kaya ayan, nakagawa ako ng ganyan. Haha! AND SANA NATAUHAN PO KAYO or NAKATULONG ITO SA INYO. MOVE ON NA! Godbless readers. :))

 COMMENT, VOTE and be my FAN! :))

CLOSURE by EmJeylicious

©2014 ALL RIGHTS RESERVED

CLOSURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon