"Kamusta ang araw ninyo" tanung ko kila Terrence at Barbie. Kasalukuyan kaming kunakain ngayon, kauuwi ko lang galing sa Hospital, chineck ko lang yung mga pasyente ko.
"Okey naman tita, mas dumami yung mga friend ko sa school" masayang sabi ni Barbie.
"Talaga! ibig sabihin lang niyan mabait ka kaya gusto ka nilang kasama" proud na sabi ko sa kanya.
"Hindi lang ako mabait tita, maganda pa" nagmamalaking sabi ni Barbie, sinabayan pa nito ng tawa.
"Syempre kanino ka pa ba magmamana kundi sakin lang". sang-ayon ko sa kanya.
"That's right tita" segunda ni Barbie sa kanya.
"Oh Terrence ba't ang tahimik mo?" takang tanung ko ng mapansin kong tahimik lang siyang kumakain at di siya sumali sa kwentuhan namin.
"May problema ba?" tanung ko ulit sa kanya ng di siya sumagot.
"Ah...wala ninang"
"Anu ba kasi yon?" kulit ko sa kanya.
"Ako nalang sasagot sa tanung nyo tita, kaya ganyan si kuya eh dahil namomoblema siya sa darating na prom nila" singit ni Barbie.
"Ha bakit naman?" takang tanung ko.
"Eh kasi tita wala pa siyang ka date" sagot ulit ni Barbie.
"Imposible naman yun, sa pogi mong yan, ikaw pa mawalan ng ka date, di siguro" di makapaniwalang sabi nya
"Totoo po yun tita"sagot ni Barbie.
"Masyado ka sigurong mapili?" sapantaha ko sa kanya.
"Hindi po ninang"mabilis na tanggi ni Terrence.
"Eh bakit nga"
Umiling lang ito na parang nahihiya.
"Ok sige gusto mo ako na lang partner mo? wala sa loob na sabi ko sa kanya.
"Talaga ninang, payag ka na ikaw nalang yung date ko" nakangiting sabi ni Terrence.
"Ha aaah..eh nagbibiro lang ako"
"Ganun po ba!" bigla ulit nalungkot si Terrence.
"Anu ba yan mukang no choice na ko,ayoko pa naman na malungkot siya..Hmm....
"Hmm..sige na nga" napipilitan kong sabi.
"Yes thanks ninang" masayang sabi ni Rence.
"Hindi kaya mapahiya kalang pag ako yung partner mo"
"Hindi ninang, baka mainggit pa nga sila sakin.
"Ba't naman sila maiingit, hindi kaya isipin nila na ang tanda ko na para dyan.
"Naku ninang hindi naman halata na 28 year old ka na, muka ngang 22 ka palang eh! saka mas matanda naman sayo ng 4 years si Mama" sagot ni Rence.
"Ou nga tita ang bata mo kayang tingnan" sang-ayon ni Barbie.
"Naku binola ninyo pa kong magkapatid,kelan ba yung prom nyo para makabili na ko ng susuotin ko saka makapagpaparlor na rin"
"Sa Friday ninang'
"Ganun ba bali 3 days nalang pala noh! Geh maya punta tayo sa Mall bili tayo ng damit ko,ibibili ko na rin kayo".
"Talaga tita" tanung ni Barbie.
"Ou kaya pagkatapos mong kumain maligo ka na para makaalis na tayo. Ikaw Rence gusto mo bang sumama"
"Pasensya na ninang, may tinatapos pa kasi akong project hindi ko kayo masasamahan ngayon"
"Ganun ba o sige kami nalang"
Nasa isang sikat na boutique na kami ni Barbie kasalukuyan akong nagsusukat ng damit para sa prom ni Terrence.
"Ano sa tingin mo bagay ba sakin toh?" tanung ko kay Barbie.
"Bagay na bagay tita,thumbs up ako sayo" nakangiting sabi ni Barbie, tinaas pa nito ang dalawang kamay nito habang naka thumbs -up sa kanya.
"Ganun ba, miss kukunin ko na to saka yung npili ng kasma ko"
"Okay po Maam" nakangiting sabi ng sales lady.
"Wait lang Barbie ha, bayaran ko lang to sa cashier".
"Geh tita wait nalang kita dito'.
