secret

32 2 0
                                    

Vivian P.O.V

Hello readers! I'm Vivian Salvador, kaibigan ko si Lian at bestfriend ko naman si C.c, ako din yung tumulong kay C.c para sa plano nyang pag aaya ng date kay Lian para sa Js prom. Nalaman ko rin na si Lian din pala yung binabangit ni C.c na babaeng gustong gusto nya. Kinikilig ako sa kanilang dalawa, ghosh lang.

"Kanina ka pa ba nandito?" sabi ng kakadating palang na si Sky. Tumayo ako sa pagkakaupo at tinignan sya na nakangiti naman sa akin.

"Hindi naman masyado, ano bang pakay mo sa akin?" sabi ko. Umupo sya sa upoan kung saan ako nakaupo kanina.

"Wala lang, gusto ko lang na kamustahin ka at sa nakikita ko, maayos naman ang kalagayan mo," sabi nya na deretso lang ang tingin.

"Ano? Pinapunta mo ako dito at sinayang ang oras ko tapos ayan lang ang sasabihin mo," naiinis kong sabi sa kanya. Saglit syang tumungin sa akin tyaka muling ibinalik ang tingin sa malayo.

"Iniisip ko lang din kung may date ka na sa Js prom," sabi nya. "Kung wala pa, willing akong mag volunteer na maging date mo."

"Hindi na kailangan, tyaka isa pa may girlfriend ka na diba, baka mag selos yun pag nalaman nyang inaya mo ako na maging date mo sa Js," sabi ko.

"At sino naman ang nagsabi sayo na may girlfriend na ako?" sabi nya.

"Walang nag sabi sa akin, pero nakita kita na may kasamang babae nung isang araw," sabi ko.

"Gaano ka nakakasiguro sa nakita mo na girlfriend ko nga yung babaeng kasama ko nung isang araw?" sabi nya na hindi parin inaalis ang tingin sa malayo. Humarang ako sa harapan nya kaya tumingala sya para tignan ako.

"Kung ganoon, ano mo yung babae na nakita ko nung isang araw kung hindi mo sya girlfriend," sabi ko.

"Kaibigan ko sya na nagpatulong sa akin," sabi nya.

"Kaibigan? May mag kaibigan bang naghahalikan at nagyayakapan," sabi ko na nakataas ang isang kilay sa kanya.

"Hahaha!" tawa nya. Tumayo sya kaya ako naman ngayon ang nakatingala para tignan sya, ang tangkad kasi nya eh.

"Ano namang nakakatawa sinabi ko?" sabi ko. Lumapit sya sa akin kaya napaatras ako, nakakailang kasi yung mga tingin nya sa akin.

"Nagseselos ka ba?" sabi nya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Hi-hindi a-ko na-g se-selos nho," nauutal kong sabi.

"five seconds," sabi nya. Lalo akong naguluhan.

"Huh? Anong five seconds ang pinagsasasabi mo dyan?" sabi ko.

"Huminto ka ng five seconds bago ka sumagot sa akin at nauutal ka pa. Sa madaling salita, nagseselos ka talaga," sabi nya. Ano bang sinasabi nitong lalaki na 'to. Tinulak ko sya kahit hindi naman sya ganun kalapit sa akin.

"Pwede ba Sky,wag mo akong paglaruan!" pasigaw kong sabi. Nakatingin lang sya sa akin ng seryoso.

"Hindi kita niloloko at kahit kailan hinding hindi kita kayang lokohin tyaka last na 'to. Wag kang mag-alala, eto na ang huli nating pagkikita," sabi nya. Walang emotion ang kanyang mga mukha pero nakikita ko sa kanyang mga mata na nalulungkot sya.

"A-anong ibig mong sabihin?" sabi ko na nakatingin sa kanyang mga mata.

"I'm going to America next month," sabi nya. Nagulat ako kaya hindi kaagad ako makapag salita.

"Ano namang gagawin mo sa America? Doon ka ba magbabakasyon?" sabi ko.

"No, I'm going to continue my study there," sabi nya na nakangiti sa akin. Isang napaka lungkot na ngiti.

the more you hate, the more you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon