Sam's POV
"Break na tayo." -- sinabi ni Luke dun sa kausap niya. O.O
Sino pa bang girlfriend nito? Yun lang naman diba? Pero, bakit? Anong problema nito ngayon? Nagtampo lang naman ako sa kaniya.. Bakit ganito yung reaksyon niya? Tss.. Sana pala hindi ko nalang ginawa yun... Nakita ko na nga kasing BV na siya dun sa kanta, pinagpilit ko pa rin usisain yung problema niya..
Pero, hindi pa rin ako makapagsalita sa narinig ko... Pagkasabi niya nun, bigla niya nang pinatay yung cellphone at binato niya sa lapag... Sobrang nag-aalala na ako. Wala akong clue kung anong problema niya.. As in wala...
Pero, kahit ako, hindi ko na alam kung bakit yun yung sinabi ko sa kaniya ee. 'Magkaibigan lang naman tayo, diba? Hanggang dun lang naman, diba? DIBA?'. Hala... Baka kung ano nang iniisip neto. Anong gagawin ko?
:'O
Bakit siya umiiyak? Bigla niyang hinawakan yung noo niya. Tapos umiyak siya.
Hindi ko na maintindihan.. Kahit ako naguguluhan na..
Wala na akong magawa kaya, pinanood ko na lang siya.. Kahit ako kasi, nagugulat sa mga pangyayari ee...
Siguro kailangan ko nang umalis... Tumayo na ako.. Kinuha ko yung phone ko sa kama..
Tapos bigla niyang hinawakan yun kamay ko, (TEKA, WALA AKONG TIME KILIGIN NGAYON!)..
"So, iiwan mo ko, ganoon-ganoon nalang? Sayang yung pagkain na inorder ko. Anong ineexpect mo, uubusin ko lahat yun? Umupo ka nga jan." -- Nakita ko yung muka niya.. Kahit namamaga na yun mata niya, nakangiti pa rin siya... Yung paborito kong ngiti sa buong mundo.
Hindi ko na napigilan sarili ko sa sobrang tuwa.. Niyakap ko siya, nakaluhod ako sa kama, nakaupo siya.
"Sorry, sorry, sorry, sorry." -- Naiiyak na rin yata ako.. Nagulat ako ee, natakot.
"Shh, ano ka ba? Wala kang kasalanan." -- Tapos bumitaw ako sa hug, nakaluhod pa rin.
"Talaga? Eh bakit ganoon yung reaksyon mo? Bakit ka nakipag--" -- Pinigilan niya agad ako.
"Please. Mamaya na.. I'll start the topic when I feel like it. Tsaka 'wag mong problemahin yun. Sasabihin ko sa'yo yun 'pag gusto ko na. Para masabi mo namang may tiwala ako sa'yo. Okay?" -- Tapos ngumiti nanaman siya. Ako, humiga na sa kama, sa tabi niya. Tapos, nilipat ko na yung channel. Puro break-up songs ee, nakaka-BV. YES, MAY SPONGEBOB NGAYON.
"Ang tagal naman nung pagkain." -- Nagugutom na ako.
"Oh, tignan mo... Kanina nagrerekalamo ka pa."
"Sa sobrang gutom ko ngayon, kaya ko nang ubusan yung Feast for 4 na yun."
"Sigurado ka aa, papakain ko sa'yo lahat yun."
"Siyempre, joke lang, diba?"
"Gusto mo ng chips? Meron sa baba."
"Wag na, I'll save this for later. Para maubos ko yung inorder mo."
Ngumiti siya tapos -- "Okay."
-----
This time nakatalikod na ako sa kaniya, pero nakahiga pa rin. Parang inaantok na ako, kahit umaga pa lang. Kasi naman ee, yung problema niya kagabi, hindi ako pinatulog. Yun pa rin kaya yung problema niya hanggang ngayon? Nag-aalala na kasi ako ee. Hmm.. Eto nanaman ako.
Tapos bila niya akong niyakap, hinawakan niya yung kamay ko.
LUKE NAMAN EE. > / / / <
Pero hindi na ako pumalag. Ikaw, papalag ka pa ba?
BINABASA MO ANG
Kung Hindi Lang Kita Mahal
Teen Fiction"Hanggang nandiyan pa si Luke, at hawak ko pa ang camera ko, walang makakapigil sa akin abutin ang pangarap ko na walang iba kung hindi siya." Ang mundo natin ay mundo ng mga pangarap.. At gagawin mo ang lahat ng kaya mo para matupad lang ang mga 'y...