Avery's POV
Napangiti ako nang bahagyang umupo patalikod sa harapan ko si Caleb kaya ang ginawa ko ay sumampa ako sa likod niya habang maluwag na nakayakap ang braso ko sa leeg niya.
"I missed this" bulong niya at nagsimula ng maglakad patungo ng parking lot habang naka-sakay ako sa likod niya.
Galing kami ngayon sa park na kung saan palagi naming pinupuntahan simula noong bata pa kami. Nakasanayan na namin dati noon na pumunta ng park para makipag-laro sa ibang bata at sa lugar na 'yon namin nakilala si Kaye at ang hindi din namin alam na schoolmate lang kami at gumawa siya ng paraan para maging kaklase kami nina Caleb.
3 years na ang nakalipas simula noong ma-operahan si Xander na akala ko talaga ay iniwan na niya ako. Oo! Hanggang ngayon nakatatak parin sa utak ko ang pangyayaring 'yon dahil kahit anong gawin ko bumabalik parin sa ala-ala ko ang pangyayaring 'yun.
"Kanina pa nagme-message sa akin si Kuya at ang sabi ay ibalik na daw kita sa kanya." natatawa niyang sabi at ibinaba na niya ako galing sa pagkakasakay sa likod niya ng makarating kami sa parking lot.
Sumakay naman ako sa sasakyan niya at sinandal ko ang likod ko sa upuan at pinikit ko ang mata ko dahil napagod ako sa pakikipaglaro kanina sa mga bata.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa byahe ng maramdaman kong may bumabuhat sa akin at maingat akong nilapag sa kama.
Tinalikudan ko si Xander at niyakap ko 'yung malaking teddy bear na nasa tabi ko dahil inaantok pa talaga ako.
"Baby" rinig kong sabi niya at kinulbit niya ako pero hindi ko siya pinansin sa halip sinub-sob ko ang mukha ko sa unan.
"S-shit" daing niya kaya napaupo ako sa kama at nag-aalalang tumingin sa kanya ng mapansin ko na hawak niya ang dibdib niya habang ang lalim ng kanyang paghinga.
"You okay?" nag-aalala kong tanong ng umiling siya kaya mas lalo akong lumapit sa kanya ng bigla niyang hilahin papalapit sa kanya at naramdaman ko nalang na lumapat ang labi niya sa akin.
"I'm okay" nakagiti niyang sabi at ginulo ang buhok ko pagkatapos hinalikan niya naman ang noon ko.
"Akala ko ba masakit an--- XANDER" sigaw ko dahil bigla niya akong binuhat na parang sako at bumaba siya ng hagdan patungo ng salas at iniupo ako sa malaking sofa.
Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisian niya lang ako at muli siyang umakyat ng hagdan at napangiti ako ng makitang buhat niya si France Xavier kaya tumayo ako galing sa pagkakaupo at tumakbo papalapit sa kanya.
"Hello baby" masigla kong sabi at hinalikan ko siya sa pisngi ng biglang ilapit ni Xander ang mukha niya kaya siya ang nahalikan ko.
"Hello mommy" nakangiti niyang sabi kaya napangiti nadin ako at kinarga ko si France Xavier at nakipaglaro sa kanya.
Nang mapagod siya ay pinainom ko na siya ng gatas ng saktong dumating si Mommy Xandra at kinarga niya si Baby France at hinalikan sa noo.
"Mukhang pagod na pagod ah, pero mas halatang pagod na pagod ang nag-alaga." natatawang sabi ni Mommy Xandra habang nakatingin kay Xander na ngayon ay tulog nasa sofa.
"Oo nga po eh, sorry po kung naiwan siyang mag-isa, niyaya po ako ni Caleb na magpunta ng park." nakayuko kong sabi ng biglang pumasok si Tito Drew na ang daming dalang paper bag habang naka-busangot ang mukha.
"Oka lang 'yun ija, mas mabuti 'yun para may alam na siya kung paano mag-alaga ng bata." sabi ni Mommy Xandra kaya namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya.
Engage na kami pero hindi pa kami ikinakasal. Nag-aaral kami ng mabuti para sa kinanukasan namin. Kahit na madami na kaming nakilala masaya ako dahil lahat ng babaeng gustong kumausap sa kanya iniiwasan niya lahat.
BINABASA MO ANG
Loving A Stoned Hearted Man (Completed)
Fiksi Remaja(#2) Highest Rank #2 ♥ & Wattys 2017 WINNER ♥ - Meet Hezekiah Avery Muñoz, a martyr girl. Kahit sinasaktan na siya ng taong mahal niya minamahal niya pa rin ito. Kahit na hindi siya mahal ng taong mahal niya, handa pa rin siyang maghintay na sana m...