Belle’s POV
Nakatambay kami ngayon sa bahay ko. Kasama ko yung dalawa. Hanggang ngayon tahimik pa rin ako. Hindi kasi ako masyadong makapaniwala sa nangyari kagabi. Yun ang dahilan kung bat ayokong um – attend ng prom. Natatakot ako sa kalalabasan ng legendary dance. At yun na nga ang nangyari, iba ang kinalabasan.
Ang huli kong nakasayaw bago yung isa ay si Andrew. Kinakausap nya kasi ako kaya nalaman kong sya yun. Nung huling ikot, naramdaman ko kaagad na kay Vincent na kamay yun dahil iba ang pakiramdam ko kapag kamay nya ang hawak ko. Nakakagulat lang dahil dalawa kaming nakahawak sa kanya. Napatingin ako sa babae sa kabilang side at parang wala syang balak bumitaw. Nagbibilang narin ang mga tao sa paligid kaya nag decide na kong bumitaw.
Nung una, ang higpit ng kapit sa kin ni Vincent. Nakakaiyak nga kasi parang ayaw nya akong I let go eh. Pero kailangang bumitaw ang isa sa min nung babae at ako na lang ang gumawa nun. Ramdam kong nanglambot sya nung nginitian ko sya kaya sya napabitaw. Inisip ko na lang na, ganto naman kasi talaga eh. Ako lagi yung dapat mag sakripisyo.
Hindi ko kilala yung huli kong nakasayaw at wala naman akong balak na alamin kung sino pa yun. Nakakapagtaka lang din kasi iba yung pakiramdam ko nung nahawakan ko yung kamay nya. Para bang safe at komportable ako.
“Girl feeling ko si Tyler yung kasayaw mo kagabi.” – Anne
“Sira! Pano magiging si Tyler yun eh bawal ang outsider sa prom natin.” Sabi naman ni Myca. Kinwento ko kasi sa kanila yung naramdaman ko sa last dance ko. Si Myca hanggang ngayon mukhang inis na inis pa din kay Vincent. Bat daw kasi hinayaan nya pang bumitiw ako eh pwede naman daw itulak na lang yung isang babae. Ang sama talagang mag – isip.
Hinayaan ko na lang yung mga nangyari kagabi. Basta ang akin nalang, hindi ko iko – consider na totoo ang legendary dance dahil hindi mo naman masasabi na yun talaga yung naka tadhana sayo eh. Katulad na lang ng nangyari sa min na nag let go yung isa.
Ang destiny kasi, mapapatunayan mo lang pagkatapos ng maraming panahon at pagsubok. Malay ba naming kung yung nakasayaw naming kagabi eh yung taong tutulong samin para makasama naming yung taong nakatadhana samin.
Vincent’s POV
“What’s your plan now?” malamig na tanong sakin ni Andrew.
“Tsk. Nakakairita talaga yang Victoria na yan. Parang kakaiba na naman ang balak.” –Miguel
“How can you say that it’s Victoria?” gulat na tanong ni Aaron.
“Don’t pretend na parang wala kang ginawa Aaron. Alam kong ramdam mo na isa ka sa dahilan kung bakit bumalik si Victoria.” Hindi ko maintindihan yung pinag – uusapan nila pero mararamdaman mo sa tono ni Andrew ang coldness at galit.
“Ano bang pinagsasasabi nyo? Kanina pinag uusapan natin kung sino yung babae kagabi tapos ngayon si Victoria?” naguguluhang tanong ko. Binatukan ako ni Luis pero siniko ko sya. Gago ‘to ah!
BINABASA MO ANG
My Secret Admirer is a Gangster (COMPLETED)
Fiksi UmumEverything is plain until you discover beyond mere sight. ** 2023 Update: Hi guys! Guess what? Graduate na ko ng college and nakapasa na din ako sa board exam last year. I started writing MSAG when I was in highschool and tapos na ko mag - aral nga...