Chapter 5 [A players Heart]
Chill Kirsten Fuentabella's POV
"Hoy babaeng mangkukulam, gumising ka nga" inalog alog ako ng babaeng nasa gilid ng kama ko kanina niya pa ako pinaghahampas ng unan, feeling ko anytime knock out na ako kahit kakagising ko pa lang
"WHAT DO YOU WANT" hindi ko na mapigilan ung kaingayan niya baka sumabog na ung eardrums ko at eto na nga, napasigaw na ako sa sobrang pagkairita.
"BAKIT KA BA SUMISIGAW, SINISIGAWAN BA KITA?" ang abnormal naman ni Doreen, malamang sisigaw ako. Kung ikaw ba naman gisingin ng ganitong uri ng paraan baka maipa-salvage mo pa ung nanggigising eh.
Hindi ko na siya mapatulan sa mga pag-aasar niya saakin na kesyo muka daw akong mangkukulam, na kesyo muka daw akong asong gusgusin dahil nakita niya na tulo ang laway ko.
"HOY!" kinalabit niya ulit ako, ang akala ko wala na siya sa tabi ko eh na umalis na siya sa kwarto ko pero nagkamali pala ako. "NAPAKA-SAMA MONG NILALANG GUSTO KITANG KURUTIN NG GANTO" narinig ko na nanggigigil siya
"ARAAAAAAAAAAAY! BAKIT MO BA AKO KINUROT" nabigla ako at napatayo ako sa pagkakahiga ko sa kama, naramdaman ko kasi siyang kinurot ako ng malakas. "May balak ka bang mamatay?" tiningnan ko siya ng masama at binantaan ko siya kung gusto niya na bang mamatay?
"UWAAAAAAAAAAAAAAH! WAAAAAAAAAAH WAAAAAAAAAAAAAAAH, GHOST GHOST" naglalakad na ako papalapit sa kanya at tinatakot ko siya na kuwari'y isa akong bampira na handa na siyang kagatin
"Hiyaaaaaaah! piggy ride, hiyaaaaah!" *0* matatae na yata ako sa kakatawa ng matulala si Doreen sa ginawa ko sa kanya, ang akala niya papatayin ko na siya 'yun pala magpi-piggy ride lang ako
"Yo---you... scared me hiks*" tawa ako ng tawa ng maramdaman kong humihikbi na siya kahit ayoko pang pigilan ang pagtawa ko at bigla na lang itong tumigil ng kusa.
"Hey, big girls dont cry" tumayo ako sa pagkakasampa ko sa likod niya at umupo sa kama ko, pinagmasdan ko siyang lumuluha sa sahig. Hindi ko naman siya malapitan dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
Baka kapag nilapitan ko siya ay lalo ko pang mapasama ang loob niya, hindi naman ako sanay magpagaan ng nararamdaman ng isang tao.
"Napaka hiks* sama mo, nakakainis ka huhuhuhu!" pinunasan niya ung mga tumutulong luha sa mga mata niya at tumayo na ng pagkakasalampak niya sa sahig. Nagdere-deretso siya sa pinto ng kwarto ko
"Are you leaving me?" napaikot ako ng upo para makita ko siyang papalabas ng kwarto ko, nang marinig niya ako hindi niya ako nilingon o ano pa man basta ang huling nangyari ay nagsarado ang pinto at nawala na siya sa paningin ko
Tumayo na ako ng kama na nagbabakasakaling nandun pa siya sa likod ng pinto ko pero ng binuksan ko ang pinto ko ay wala na nga siya sa likod nito. Isasarado ko na sana ang pinto ko ng makita ko ang isang serving tray.
Naglalaman ito ng isang mainit na gatas at tinapay, may nakasulat ding note sa baso ng gatas. Sticky note yata ang tawag dun.
"Kung gusto mong malunod sa alak, lulunurin na lang kita sa tubig" nang mabasa ko ito gusto kong ibuhos ang laman ng baso sa taong nagsulat nito
Naalala ko ang ginawa ko kagabi nagpakalasing nga pala ako ng dahil kay Shawn at ang huli kong naaalala ay hinatid ako ni Jared sa kwarto ko. Kinuha ko ang tray at sinumulang kainin ito.
Kinuha ko ang bag ko at chineck ang phone ko kung may tumawag ba or what? pero lahat ng ine-expect ko ay walang nagkatototoo. Walang nagtext, walang tumawag pero may napansin akong kakaiba sa bag ko.
"Bakit ganito ang ayos ng mga ito?" nagtaka ako habang tinititigan ko ang bag ko, magulo ang laman nito at halos magkanda tapon na ang pabango sa lalagyan nito.
BINABASA MO ANG
He Died (Unsweetened love)ongoing
Novela Juvenil"He lived for jesus... He died for me, now i live for him."