SIMPATSA NI GINOONG ALIMANGO sa panulat ni Direk Raniel Santos

58 0 0
                                    

Marahil alam mo na kwento ng tulad kong nilalang sa mundo, na extra na nga ako sa mga kwento kay Juan tamad at nahalintulad sa mga taong sumisibak ng kaginhawaan sa buhay ng karamihan. Nakapalawak talaga ng mundo, kasabay ng kaalaman ng tao para sa ikagiginhawa nito, lumawak narin ang pagiisip para sa mga bagay na wala naman talaga dapat tayong pakialam. Ang pagtatapon ng maliliit na basura nga ay hindi natin gaanong mapansin at sa tuwing bumabaha at bumabagyo na lang ay humahanap tayo ng mga taong masisisi kahit na tayo na mismo ang may dulot nito. Minsan nga sobra akong napapaisip kung bakit ang isang tulad ko pa ang naihalintulad sa mga ganid at walang pakialam na tao, sadya talaga kaming maliksi at hindi maiwasang gumapang kung saan-saan ganito na talaga ata kami nilikha pero hindi ko rin kasi masisisi ang nilalang na tulad ko, ikaw ba naman ang hulihin at ilagay sa bayong hindi ka ba magaatim na iligtas ang sarili mo? Hindi ba mas dapat ngang ituring na gahaman ang mga tao para maihalintulad sa gaya ko? Pero ang tanong ko lang sa aking kakarampot na isipan, kung bakit dapat pang mangdamay ng kung sino-sino para lang makalusot sa mga kahihiyang nadudulot sa tao? Ang tulad kong isang Alimango ay tangi lang nakikita kung gaano katayog ang mga tao dito sa mundo, minsan akin lang na papansin, na ang karamihan sa inyo ay walang pakialam sa ikabubuti ng mundo. Karamihan sa tao ay sariling kapakanan lang ang iniisip, hindi ko nilalahat pero alam kong may isang beses ka ding nakaranas ng ganitong mga pangyayari. Isang beses nga sa pagtambay ko sa labas ng isang kilalang mall na itago nalang natin sa pangalang “MS”, ay may isang pulubing nakaupo, nakalahad, at humihingi ng kaunting tulong. Ilang sandal may napansin akong isang binatilyong napahinto ng makita ang kawawang pulubi, kitang-kita ko ang kanyang muka, sa aking palagay mukhang naaawa siya sa pulubi, dumukot siya sa bulsa ng kanyang polo, may sampung pisong barya at isang benteng buo, akin lang pinagmamasdan kung ano ang mas matimbang ang kanyang sarili o ang kanyang nararamdaman. Bigla akong nalungkot na mas pinili niyang iaabot ang mas maliit na perang kanyang dinukot, kaysa pahalagahan ang pusong kinakaawaan ang nahihirapan. Kitam, anong say mo tao, pero medyo na intindihan ko naman kahit sa liit ng utak ko at babad na sa tubig alat ay gumagana pa naman kahit papaano. Gusto ko pa sanang magkwento pero mukhang ako nalang ata ang natitira dito, “ hindi naman po nakikinig pa naman ako”. Alam mo kahit nawiwirduhan ako sa iyo sige, pagbibigyan kita, sa tao parin ang topic naten ah. (tumingin sa dalampasigan at nagisip muna ng malalim) sa tingin ko naman hindi naman talaga, masama ang mga taong katulad mo ang weird nga eh, naiitindihan mo ako, at ang weird din sa pakiramdam dahil may boses na lumalabas sa bibig kong dati pagpapabula lang ang alam, ang buhay ninyo ay parang isang malawak na kalangitan, kung minsan asul ang kulay sa buhay mong kasiyahan ang dala-dala, kung minsan ay itim na pangamba ang pahiwatig ng Ama sa mga taong makakita, kung minsan ibat-iba hatid nito ang pag-asang pagkatapos ng unos ay  may pagkakataon pang bumangon, kung minsan ay malapula nagpapahiwatig ng isang paglisang wala nang babalikan pa, pero ang sabi ko ng parang langit ang buhay kung may kalungkutan may kasiyahan, kung may pagtangis nariyan din naman ang pagtawa, hindi ko alam kung bakit ko nadarama ang ganitong eksena, siguro marahil noon, naging katulad ninyo rin ako, may buhay at pagiisip na tulad ng tao, ayoko na ngang matapos kung paano ko nakilala ang dalampasigang ito, ang nagpapaalala sa tao, kung sumisikat ang araw sa umaga, matatapos ito sa dalampasigang kay ganda kung saan ang kinang ng dagat ang magsasabi sayo ng kahit lumisan ang pagasa bukas gumising at bumangon ka para magsimula sa panibagong umaga na punong-puno ng biyaya at pag-asa. Ang sarap pagmasdan nitong dalampasigan, kumikintab ang tubig, animoy perlas sa dagat, o mukhang nakatulog ka na ah, matulog ka lang ng mahimbing bukas magsimula kana baon ang simulating magbabago ng iyong pananaw sa buhay. Mapapasaan bay makakamit din ng mundo kung paano pinangarap ng Diyos na maging maganda ito, ganun mo din sana maabot ang mga pangarap mo, naway maging tulad ka ng tubig dagat sa dalampasigan, hindi tumitigil maarok ang kapatagan para sa panibagong kinabukasan. Marahil hanggang dito nalang ang aking matuturan, akoy lilisan muna at yayakap sa mundong aking kinabibilangan, kung saan ang buhay ay nakasalalay sa taong sa dagat ang kinabubuhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SIMPATSA NI GINOONG ALIMANGO sa panulat ni Direk Raniel SantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon