Chapter 10

2.2K 113 21
                                    

(1 month later)

Naging smooth naman yung relationship namin, minsan nagkakatampuhan kasi daw naging busy ako sa academics. Pero pinaliwanag ko naman sa kanya nang maayos na hindi ko pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko. Syempre nag-eexert din naman ako ng effort para bumawk at suyuin siya kapag nagtatampo sa akin.

Minsan kiss lang ok na siya, pero minsan sa sobrang pabebe niya,  kailangan ko pa siyang puntahan sa bahay nila at lambingin. Kiss sa leeg at yakap lang ang katapat ni Caleb.

Masasabi kong masaya pumasok sa isang relationship na alam mong mahal ninyo ang isa't isa. Ramdam ko namang mahal niya ko kasi napakaseloso niya, parang ayaw niya kong makipagkaibigan sa mga classmates namin. Kung iisipin ko, ang unfair niya naman sa akin kasi hinahayaan ko naman siyang magkaroon ng social life samantalang kapag sa akin may limitation pa.

Hinayaan ko na lang, baka yun pa ang maging dahilan ng paghihiwalay namin. Siguro part lang talaga ng personality niya ang pagiging seloso. Pero kahit na ganoon siya, kinikilig ako ng todo kapag pinagsasabihan niya kong wag masyadong makipagclose kay ganito, kay ganyan. Para bang napapalagay ang puso at isip ko na ako lang talaga.

Tinext ko na siya para sunduin ako sa dorm, kasi naman tong si Seb, nawawala na lang bigla sa dorm. Parehas naming napagdesisyunan na i-deactivate ang account namin sa dating app. Syempre in a relationship na kami. Wala nang dahilan para gamitin yung app at  makipagchat sa ibang users.

(Text)

Ako: "Caleb dalian mo naman, magrereview tayo para sa prelims natin, nasaan ka na ba?"

Baby Caleb: "Baby sandali lang naman, gusto mo yata akong maaksidente kakamadali papunta dyan."

Ako: "Sorry na, sige mag-ingat ka. Pero dalian mo pa din ahhahah."

Baby Caleb: "Bye na, malapit na ko"

Inayos ko na yung mga gamit ko, dahil magiisleepover na naman ako kanila Caleb. Bukas na kasi yung prelim exams, magaling kasi siya sa Algebra, samantalang Trigonometry naman ang forte ko.

"Hey baby" sabay yakap sa akin ni Caleb.

"Hi, gusto mo ba ng tubig or what?" baka kasi napagod siya.

"Hindi na, alis na din tayo agad para makarami hahaha" pilyo niyang sabi.

"Yan, dyan ka magaling tsk tsk tsk."

"Pakiss nga sa baby ko" sabi ni Caleb sa akin habang nakanguso.

Kiniss ko na siya sa lips, sa noo, sa dalawang cheeks at sa baba. Baba as in chin.

"Ang dami naman non, love na love mo talaga ako"

"Oo naman, love na love kita, ako ba love na love mo rin?" pabebe muna tayo here.

"Hindi na yan dapat tinatanong, ikaw ang taong pinaka, ultimate, super, love na love ko" sabay yakap niya sa akin.

Ang sarap talagang ma-in love sa taong nasusuklian yung binibigay mong pagmamahal. Marami kasi akong nababasa at napapanood na love story, nauuwi sa sad ending dahil one sided love lang ang relationship nila.

"Mhmmmm ang bango bango naman, amoy baboy" sabi niya habang inaamoy yung leeg ko.

"Baboy pala ah" sabay kagat ko sa leeg niya hahahaha.

"Aray aah tama na, hahaha sige na, amoy baby na" pagsuko niya sa akin.

"Kala mo ah, sa susunod talaga didiinan ko na yan" pananakot ko sa kanya.

"Tara na nga, baka mamaya kung ano pa ang magawa ko sayo"

Habang binabagtas namin ang daan pauwi sa kanila.

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon