Halos manginig ang buong sistema ko. Bakit si Chrollo pa? Alam kong sobrang magaling sya at kahit gaano kagaling si sir Ed ay mailulubog nya ako. Parang pinipiga ang puso ko at nahihirapan akong huminga.
"Relax and trust me,we can do it." ang bulong ni sir Ed. Huminga ako ng malalim at naupo na kami.
Hindi ko maiwasang lingunin si Chrollo,at ang dalawa nyang katabi na kapitbahay namin. Pati ang mga kapitbahay ko ay isinakdal ako.
"Everything will be fine. Alam natin ang katotohan." ang sabi naman ni Sir Mike,malungkot ko lang silang nginitian ni Cloud. Pakiramdam ko,hindi pa nagsisimula pero nasistensyahan na ako. At hanggang ngayon,palaisipan pa din sa akin ang kriminal na gumawa noon kay Leila.
Pinigilan ko ang pagtulo ng aking mga luha. Ni hindi ko man lang nakita si Leila,ni wala akong idea kung saan sya inilibing.
Nagsimula na ang lahat,hanggang sa ang unang tawagin ay ang kapitbahay naming si Paning,si Chrollo ay mag i-interogate.
"Sinasabi mong nung Enero kinse bandang alas onse ay nadinig mong nag aaway ang nasasakdal at ang biktima." panimula ni Chrollo. Buong buo ang boses at nag uumapaw ang confidence.
"Opo." at tumingin sa akin si Paning. "Nadinig namin silang nagsisigawan pero nawala din ito. Pero nung madaling araw na,may ingay na naman kaya ginising ko ang asawa ko para tumawag ng baranggay tanod." ang sabi nito at tiningnan ako. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko,ginawa na nila iyong basehan?
"Sir Ed,kahit mag away kami ni Leila hindi ko magagawa iyon." ang pag protesta ko,damang dama ko na kasi na hindi na makatarungan umpisa pa lang.
"Sshh.. Wait for our turn." ang sagot ni Sir Ed. Wala akong nagawa kundi manahimik at magtiwala na lamang.
"At palagi silang nag aaway?" dagdag pa ni Chrollo.
"Opo, palagi." ang sagot ni Paning. Hindi ko maiwasang murahin sya sa aking isipan.
"Yon lang po your honor." ani Chrollo.
Tumayo na si sir Mike dahil sya na ang tatanungin ni Chrollo.
"Ayon sa statement mo,kasama mo ang nasasakdal bago maganap ang krimen? Gaano mo ba sya kakilala." ang tanong ni Chrollo,nagulat ako ng ngumisi si sir Mike.
"Mas kilala mo sya kaysa sa akin. Matagal na sya sa bar at hinding hindi nya iyon magagawa kay Leila,mahal na mahal nya ito."
"Objection your honor! This is not acceptable!" ang pag reklamo ni Chrollo.
"Objection denied. Continue!" ang sagot ng judge. Napapikit ako. Sana matapos na ito.
Nagtagis ang mga bagang ni Chrollo. Tiningnan nya ako,alam kong hindi sya papatalo.
"Mabait si Kendall,sya na nga ang nag alaga kay Leila kaya hindi ako naniniwalang kaya nya iyong gawin. At hindi pwedeng basehan ang naririnig na pag aaway nila." pagpapatuloy ni Sir Mike.
"Your honor! Can I have a permission to talk?" biglang sabi ni Sir Ed at tumayo na ikinagulat ko.
Matagal syang tinitigan ng judge bago ito nagsalita.
"Proceed."
"Im sorry to interrupt you Mr.Verancio. But your honor,may nakalimutan ang mga pulis,may nakalimutan ang lahat." ani Sir Ed at may dinukot sa envelope,isang CD. "I have a copy of a CCTV Footage ng naganap,at malinaw dito na hindi si Kendall ang culprit." dagdag pa ni sir Ed at ini-abot sa judge ang CD.
"What? Paanong? Why didn't I know that?" gulat na sabi ni Chrollo. Nagkaroon tuloy ng bulung bulungan sa loob ng korte.
"Sa sobrang bilis ng pangyayari,nakalimutan ng lahat na may CCTV sa bahay nina Kendall at Leila. Please do watch it your honor."
BINABASA MO ANG
Love Above The Law
Ficção GeralBOYXBOY BROMANCE GAY | Isa kang mabuting mamamayan,may magandang trabaho,may magandang set of friends. At kahit kabilang ka sa 3rd sex ay tanggap ka ng lahat. Paano kung isang araw ay magising ka na isa ka ng suspect sa isang krimen? Paano mo hahara...