Sa buhay natin, di dapat na laging subsob sa trabaho o di kaya'y pag-aaral, minsan kailangan din natin ng panahon upang makapag muni-muni at masilayan ang kariktan ng mundong ating ginagalawan. Sa pananatili natin sa kahon na syang nagkukulong sa atin at lumilimita sa pagpapayabong ng sariling kamalayan maraming simple ngunit mahahalagang bagay ang di natin napupuna.