Kyla's POV
"I need space" sabi niya.
I need space ...
I need space.....
I need space........Paulit-ulit na nagrerecall sa akin ang mga salitang binitiwan sa'kin ni Mark.Ang kapal niyang humingi sa'kin ng space!Eh kung tawagin ko kaya si Kokey at ipalamon ko sa kanya yung spaceship nila.Hmmm Pero sinaktan niya parin ako.Huhu
Mahigit 2 years rin kami at 2 months kaso pinagpalit niya lang ako sa mukhang bangkay na Imeldang 'yon.'Di hamak na mas lamang ako ng kaunti sa kanya noh!Mahihiya ang harina sa sobrang puti niya.At yung buhok niyang rebonded.Eh ano kung rebonded siya? Eh mas maganda naman ako sa kanya.
Pero mas makapal pa rin ang pagmumukha ng tukong 'yon! Matapos niyang makipagbreak sa'kin tapos makikita kong may iba na? Aba matinde! Di na lang pinagpabukas.Ang kapal talaga ng mukha niya.'Wag lang talaga siyang dadaan sa kanto namin kun'di ipapalapa ko siya sa mga aso ni Aling Berta.Haha Pero masakit talaga ang ginawa niya sa'kin. Anyways, nandito ako sa bahay ng bestfriend ko.Gusto ko lang siyang puntahan ngayon dahil gusto kong mag-emote.
"Oh? Ano pang iniiyak-iyak mo diyan? Eh niloko ka na nga niya.Siguro ngayon magtatanda ka na.Sa dinami-rami kase ng mga Fafa diyan.'Yun pang mukhang tukong 'yon.Blah blah blah" sermon sa'kin ni Sarah.
Ganyan talaga siya ka protective sa'kin. Ang dami niyang sinabi.Tinakpan ko na lang ng unan yung mukha ko.Gusto ko lang kasing magrelax ngayon pagkatapos akong lokohin nang tukong 'yon.
FLASHBACK
Nandito ako ngayon sa may canteen ng school ko. Hinihintay ko si Mark.Iniisip ko pa lang siya lumalandi na ang pagkatao ko.Matagal na rin kaming mag-on.Kaso di pa niya ako pinapakilala dahil fourth year highschool pa lang kami.'Di ko naman siya pweding pakilala sa mga magulang ko dahil wala na sila.
Yes, ulila na'ko.Nakatira ako ngayon sa tita ko.Kapatid ng papa ko.Namatay sila sa car accident. 8 years old ako nung namatay sila. 15 years old ako nung lumipat ako kay Tita Betty dahil pagkatapos mamatay ng mga magulang ko sina Lola Vicky na ang nag-alaga sa'kin.Kaso nagkasakit siya at yun ang naging dahilan kung bakit siya namatay.Kaya napilitan akong pumunta kay Tita Betty kahit alam kong medyo masungit siya- masungit talaga. Haha
Habang kumakain ako ng fries sa paboritong table namin ng honeycutiepie ko.Nakita ko siyang papalapit sa kinauupuan ko.Parang nagslomo yung paligid.Yung tipong siya lang yung nakikita mo.
YOU ARE READING
Unexpected Love
Ficțiune adolescențiNagmahal.. Nasaktan.. Nagmahal ulit... Nasaktan ulit o Nagkaforever? Si Brent Gomez ay badboy pero pagdating sa pag-ibig loverboy.Lalaking ubod ng gwapo pero iniwan lang at ginago. Si Kyla Tuazon naman ay masayahin,madaldal at super mapagmahal.Babae...