Pagkatapos ng kaniyang mga sinabi ay may pumutok. Jusko, parang maha-heart attack ako sa sobrang lakas ng putok. Mga confetti ba ito? Nakakamangha.
Bigla namang lumapit sa akin ang isang lalaki. May hawak itong bulaklak. Roses ba iyon? Mukha kasing roses. Kulay puti pa ito. Ay, para sa mga patay kaya iyon. Nagulat ako nang ibinigay niya iyon sa akin.
Aba, walang siyang hiya. Excited ba itong mamatay ako?
Hindi ko iyon tinanggap pero ipinagpilit niya sa akin.
"Huwag ka nang pakipot, Ezra. Kung hindi lang ako napag-utusan baka nahampas ko na ito sayo." Argh, nakakainis naman. Kating-kati na ang aking mga kamay na isampal siya. Akala mo naman ang gwapo. Peeling, eh. Akala mo naman close kami na ganiyan sa makapagsalita sa akin.
Kinuha ko bigla ang rosas. Napa-aray siya kasi hindi ko dinahan-dahan ang pagkuha. Bahala siya. Mabuti nga sa kaniya. May nakikita kasi akong talim sa rosas. Turns ata ang tawag 'dun.
Pagkakuha ko ng rosas ay may nakalagay na 'WILL YOU BE MY PROM DATE?'.
Wow, lahat naka-capital letters. Naubusan ba sila ng maliliit na letra?
Nakapagtataka naman. Akala ko inaya na ako ni Zyrus. Bakit ito na naman siya, sinurprise ako? Hindi pa ba sapat ang 'oo' ko sa kaniya na magiging ka-date siya? Paulit-ulit na lang?
Napa-sigaw ako.
"Oo! Oo na, Zyrus! Pumayag na kaya ako na maging ka-date mo. Hindi mo kaya narinig?" Na-bingi na ba siya sa oo ko?
Hinintay ko kung may magpapakita. Ano ba naman itong si Zyrus. Hindi kaya kami nagtata-taguan.
"Bahala ka sa buhay mo, Zyrus. Niloloko mo ata ako, eh." Naghintay pa ako ng ilang segundo bago umalis kasama ang rosas.
Tsaka ko na lang na-realize na wala na pala si Virgie. Hay, palagi na lang wala si Virgie. Akala mo naman multo na mawawala na lang bigla. Tapos magugulat ka na lang na nasa tabi mo na siya. Posible kayang... multo si Virgie?! Maputi siya pero hindi maputla. Wala namang nangingitim sa ilalim ng mga mata niya kaya imposibleng mangyari iyon.
Pumasok na lamang ako sa loob ng klase. Mabuti na lang hindi ako late. Ang aga kasi naglaro si Zyrus sa akin. Akala mo naman nasiyahan ako sa ginawa niya kanina. Nagagalit din ang isang katulad ko, noh.
Nainis tuloy ako. Para akong tanga na tinatawag siya kanina. Wala man lang akong nakatanggap ng isang salita galing sa kaniya. Baka may nakakita sa akin at mapagkamalan pa akong baliw na may tinatawag.
Natapos ang klase ngunit nakatingin pa rin ako sa rosas na ibinigay sa akin. Nakapagtataka, paano kaya niya nalaman na paborito ko itong rosas kahit ang ibig sabihin nito ay respeto sa mga patay. Para kasi sa akin ang puting bulaklak ay para sa mga patay.
May iba pa bang meaning dito? Wala kasi akong oras na makapag-internet. Walang wifi sa amin. Pasensiya.
At si Bakyas lang naman ang nakakaalam sa paborito kong rosas. Palagi niya akong binibigyan ng ganito kapag naglalaro kami. Nagtataka pa nga ako kung paano niya nakuha ang mga iyon.
Kababata ko din si Bakyas maliban kay Mong Go Lloyd. Nang lumipat ng bahay si Mong ay nakilala ko si Bakyas. Kamusta na kaya siya? Maalala niya kaya ako kapag nagkita kami muli? Syempre, hindi. Ang ganda ko na kasi. Na-miss ko tuloy si Bakyas. Alam ko na ang bantot pakinggan ng pangalan niya pero mas bantot iyong kay Mong.
Dumiretso akong umuwi. Nilagay ko sa isang vase ang mga rosas. Ang dami naman nito. Parang hindi kakasya dito.
May vase din naman kami kahit naghihirap ng husto si Nanay.
"Aba, Ezra! Saan nanggaling ang mga iyan? Ang ganda!" Bilib na bilib si Inay nang makita niya ito. Parang first time ito nakakita ng puting rosas, eh. Bibili-bili ng vase, walang namang pambili ng mga bulaklak.
"Binigay sa akin ng manliligaw ko niyan." Pagmamalaki ko. Kahit ang totoo ay binigay lamang sa akin para mapapayag akong maging ka-date sa prom.
"Ows? Talaga? Sa hitsura't katawan mo, may nanliligaw sa iyo? Imposible!" Tumawa ito ng pagkalakas-lakas.
Kinuha ko ang vase at pumasok sa kuwarto ko. Walanghiya, maghintay ka lang, Inay. Hihimatayin ka sa ganda na taglay ko. Ipapakilala ko siya sa iyo ang maging manliligaw ko sa future.
At pinatay ko na ang ilaw at natulog ng maaga.
-
"Good Morning, Ezra!" Bati ni Virgie. Hindi ko siya pinansin. Dumiretso lang ako sa paglalakad.
"What's wrong?" Hindi ko pa din siya pinansin kaya iniwan niya akong mag-isa. Walanghiya ka din, Virgie! Akala ko pakikinggan mo ako. Mang-iiwan! Alam ko na nainis siya dahil hindi ko pinansin. Okay, walang pipigil sa kagustuhan mo, Virgie. Kung naiinis ka sa akin, pabayaan mo na lang ako.
Mas lalo akong nagalit at nainis. Eh, kasi naman! Hindi nagpakita si Zyrus pagkatapos niyang ibigay ang rosas. Ano ba ang pakay nito?
Habang sa paglalakad ay nakita ko ang grupo nila. Kaya hindi na ako nagsayang ng oras na lapitan sila.
"Zyrus!" Sigaw ko habang papalapit sa grupo. Napasimangot naman ako ng hindi ko makita si Zyrus. Umiiwas ba siya?
"Uhm, nakita niyo ba si Zyrus?" Wala sa kanila ang pinansin ako. Hay, halata namang wala siya.
"Pakisabi na lang sa kaniya na nagpapasalamat ako sa puting rosas na ibibigay niya." Umalis na ako doon. Walanghiya din sila. Sinasayang nila ang oras ng isang magandang babae.
Namasyal lamang ako sa campus nang malaman kong absent ang subject teacher namin. Napaisip muli ako sa rosas. Ay, bakit hindi ako makamove-on?!
"Ay!" Napasigaw ako nang muntik ko na mahalikan ang sahig.
Mabuti na lamang walang may nakakita sa akin kundi na-
"I saw that." Tinakpan ko ang mukha ko sa kahihiyan. Bakit ba hindi mo magawa ng tama ang paglalakad, Ezra? Siguro tumatawa na ito ng malakas sa nakita akong muntik nang matumba.
Pinaghiwalay ko ang aking mga daliri para malaman kung sino.
"C-clay?" Absent din ba ang kanilang teacher na nandito siya namamasyal?
"Yes, the one and only... and, you're welcome." Saka ito umalis sa harapan ko. Tatanungin ko pa sana kung nasaan si Zyrus pero nakaalis na siya.
Hmmm, nagpapasalamat ba ako sa kaniya kasi nakita niya akong muntik nang matumba at siya lamang ang nakakita? Wala namang dahilan para mag-welcome siya, ha!
Baliw. Urur! Pero... nagpapasalamat nga ako.
------
This is Ezra's POV. So expect some grammatical errors. HAHAHA.
BINABASA MO ANG
Queen of Dulls #1 (MWLSM)
RomanceIsang babae na mas bobo pa sa iyo. Oo, tama! Sa sobrang kabobohan niya ay parang mahahawa ka na lang. Hindi mo namamalayan na paggising mo sa umaga ay bobo ka na at simpleng 1+1 ay hindi mo na alam kung ano ang sagot. Kapag binasa mo ito ay parang...