start

15 1 0
                                    

Gabriel's POV
Sunday ngayon at kinabukasan ay may pasok na kami... Bago ako lumabas ng kuwarto ko ay gagawin mo muna ang morning routine ko,syempre maliligo muna ako at mag to-toothbrush,pag katapos ko nun ay bumaba na ako ng kwarto..
Nadatnan ko na lang na nag-hahanda na si mama ng almusal namin
"Ohh!anak nandiyan ka na pala" mama
"Opo ma" ako(umupo na ako at naghanda na para kumain)
Pag katapos namin kumain ay umakyat ulit ako ng kuwarto ko para mag mag-ayos ulit...
.
.
Bago ang lahat magpapakilala muna ako.. Ako nga pala si Gabriel Cruz,Bisexual ako at Alam naman yun ni mama at tanggap nya naman ako, 17 years old. matagkad ako at maputi,medyo singkit at may maninipis at mapupulang labi at matangos ang ilong.
.
.
Pagkatapos ko mag-ayos ay bumaba na ako para maghanda para magsimba.Sumakay na kami ng kotse ng nanay ko para makapagsimba na kami,nag makarating na kaki sa simbahan ay kakasimula pa lang ng miss kaya sakto ang datigng namin.. Pagkatapos ng misa ay lumabas na kami ng simbahan at umalis naman si mama dahil male-late na daw sya sa trabaho so ako na lang mag-isa......... sa di sinasadyang pagkakatanoon ay may nabunggo akong lalake na may kasamang magandang babae..Napaupo ako ako sa lapag at sinabing....
"Sorry" gab.. Infainess ang pogi ng lalaking na bunggo ko,matangkad sya sakin at maputi din at may matangos na ilong ..
"Ano bayan! Di kasi nagiinggat!" Sabi ng lalake sa pagalit na sabi..
"Sorry po talaga hindi ko po kayo nakita" Gab
"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo" lalake,sumingit naman ang kasama nyang babae at sabi....
"Tama na babe,hayaan mo na sya,umuwi na lang tayo" babae.. At tumungo naman ang lalake sa sinabi ng babae..
.
.
Chester's POV
Kakatapos lang naming mag simba ng gf ko at naglalakad kami ng gf ko patungo sa loob ulit ng simbahan dahil may nakalimutan daw sya at may nabunggo akong lalake na napalapat ang pwet nya sa sahig..
"Sorry" sabi nung lalakeng nabunggo ko.. Infairness ang cute nya at matangkad di at maputi..
"Ano bayan! Di kasi nagiingat" Ako
"Sorry po talaga hindi ko po kayo nakita" sabi nya ulit
"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo" ako sumingit naman ang gf ko na si Kristine at sabi..
"Tama na babe,hayaan mo na sya,umuwi na lang tayo"Kristine at tumango na lang ako sa sinabi nya
.
.
.
Gabriel's POV
Nang makauwi na ako sa bahay naman mga 7:30 dahil nag-gala pa ako.. Naisip ko ulit ang nangyari sakin sa simbahan ...at pagpapatuloy ko sa pag iisip nayun ay di ko na namanlaya na nakatulog na pala ako
.
Kinabukasan'
.
(TOK!TOK!TOK!TOK!) pagkatok ni mama sa pinto ko upang gisingin ako..
" anak!!gising na may pasok kapa...first day of school nyo ngayon diba?"mama.. Oo nga pala,may pasok kami ngayon dahil first day of school namin ngayon.. Agad naman akong bumagon at ginawa ang morning routine ko,pagkababa as usual naghahanda na si mama ng almusal para samin..
"Bilisan ko nga dyan,ang tagal mo talagang kumilos" mama.. Diko na lang sya pinansin at nagalmusal na lang kami..pagkatapos naming kumain ay ihahatid na daw ako ni mama sa school dahil din daw ang daan nya tungo sa office ni mama..sumakay na kami sa kotse ni mama at tumungo na sa school namin...ilang minuto pa ay nakarating na kami sa paaralan ko..
"Andito na tayo" mama..(nag-kiss na ako Kay mama at bumaba na ng kotse nya) "Alis na ako ma" ako(hiyakap na lang ako ni mama at umalis na sya)
Pag kababa ko ng kotse ay bumungad sakin ang napaka laking gate ng paaralan..pag pasok ko ay sobrang namangha ako sa sobrang laking nito.
"Ang laki talaga ng paaralang ito" sabi ko sa isip ko..isa ito sa pinaka mahal na paaralan ,scholar lang ako sa paaralan na ito...
Pag kadaan ko sa hallway na may nakita akong 10piso sa daan at pinulot ko ito..diko pa napuputot ang pera at may nabangga ako...napatingin ako at napasabi na
"Ikaw!" (Sabay turo sa kanya)Laking gulat ko dahil sya nanaman akong nabangga ko sa simbahan kahapon.
"Di kaba talaga marunong magingat?"halatang nagulat sa pagturo ko sa kanya at napangiti naman ako ng bahagya.
" Bakit ka nakangiti dyan!"sabi nya na halatang nagtataka na pag ngiti ko.. (Pinulot ko muna ang pera at sabay tumayo)"sorry ulit "sabi ko ngunit hindi na nya ako pinansin at naglakad na lang sya papalayo.Halatang nagmamadali sya..
Tumungo naman ako sa may board upang hanapin kung among section ko.. (Nagpatuloy lang ako sa pagnanahap at nakita ko na ang pangalan ko) 11-A ang section ko .. Hinanap ko na ang room ko .. Ilang minuto pa lang ay nakita ko na ang room ko.. Pumasok na ako at umupo na ako.. Ilang saglit palang ay dumating na in ang prof. Namin lalaki sya at gwapo at maputi nakatitig lang ako sa kanya at tinatawag nya pala ako...Natauhan na lang ako nang tawagin nya ulit ako..
"You,the one who sited beside the table" prof. (Napatingin ako at sabing)
"Ako po?" Napa-tayo na lang ako at napaturo na sarili ko.
"Yes!may you introduce your self?"prof . napatungo na lang ako at nagtungo sa unahan at nagsalita.
" I'm Gabriel Cruz ,I'm transferee and I'm gay"napatingin naman ang prof. Namin sa akin at sabay ngiting nakakaloko at naghihiyawan naman ang mga boys sa room namin dahil muka daw ang babae, ang mga girls naman ay nahihiyawan na.. Nang makaupo na ako na upuan ko ay may nag bukas ng pinto ng room namin at iniluwa naman nito yung lalake ng nakabunggo ko kanina at kahapon.Napa tingin na lang kami at nagsalita naman ang prof naman
"You're 30mins late Mr.Ramirez!" So Ramirez pala surname nitong mokong na to.
Di nya naman ito pinansin at nag patuloy lang sa paglalakad tungo sa upuan nya.. Dahil wala Nang bakanteng upuan kung di sa katabing upuan ko ay dun na sya umupo..napatingin muna sya sakin at sabay upo. Nang katapos na ang subject namin kay Mr.punzulan ay nagrecess na rin kami.
.
.
Canteen
.
.
Pagpasok ko sa canteen ay sobrang daming tao dito,kaya pumila na lang ako,pag pila ko may napansin ko na lang na may matigas na kung ano sa bandang pwetan ko ko,hinawakan ko ito at nagulat na lang ako nang harapin ko ito, si Mr,Ramirez pala ito ,nanlaki na lang ang mata ko at namula ang pisngi ko...
"Bat nanlaki mata mo at namumula ka?!" Hasik nya na masungit na tono.
Napailing na lang ako at humarao na lang sa harapan.Nag katapos ang recess namin ay pumunta na lang ako sa next subject namin.. Pagpasok ko ay umupo na lang ako at hinintay ang guro namin,pumasok naman si Mr.Ramirez at umupo sa tabi ko.nagtaka naman ako bakit sya umupo sa tabi ko ehh! Marami naman bakanteng upuan ..ilang saglit pa ay dumating na ang guro namin.. Babae naman sya at mukhang mabait. May biglang pumasok sa room namin ,binati naman ito ng guro namin ,mukhang magasawa ito.. Agad naman tumayo si Mr.Ramirez upang kausapin sila,di ko narining ang pinaguusapan nila kaya tumingin na lang ako. Ilang minuto pa ay umupo na ulit si Mr. Ramirez sa upuan nya ang nagsalita naman ang babae..
"Is Mr.Gabriel Cruz is here?" Napataas na lang ako ng kamay at tumayo
"Ako po yun"pinalapit na lang ako ng mga ito sa kanila
" ikaw na muna ang magiging P.A ng anak Kong si Chester Ramirez "ahhh. So chester pala ang pangalan nito
" bat po ako mam?"ako
"Ikaw lang kasi ang scholar sa school na to,hayaan mo tataasan ko na alang allowance mo at grades mo n ka na rin tumira para naman may kasama anak ko,ka.. Ayos bayun" sabi nya
Tumungo naman ako,at umupo
Nang matapos laking magusan ay umalis na ang magasawa at namin si chester.
.
.
Chester's POV
Sinundan ko sila mom and dad upang kausap dahil sa P.A
"Mom, I don't need a P.A,malaki nanaman ako" ako
"No,you need P.A,mukhang matatagalan kami ng dad mo sa business trio na pupuntahan namin"
Hindi na ako naka tanggi pa at pumasok na ako sa room namin.. Pagkapasok ko ay naka-tinggin sila sakin lahat.Nang makaupo na ako ay napatingin parin sakin yung P.A Kong cute.."bakit kaba napatingin sakin?" Nagulat naman sya at napatingin sa unasan,ilang minuto parang ay nagsalita na sya
"Ummm.sir I'm Gabriel Cruz po" ahhhh Gabriel pala ang ang pangalan nya bagay sa kanya.di kona sya pinansin at akinig na lang ako sa guro namin. Natapos ang buong araw namin ay lalabas na sana ako ng room namin ay tumawag sakin nilingon ko ito si Gabriel pala ang tumawag sakin.
"Sir kelan po ako magisisimula maging P.A nyo?" Sya
"Tomorrow,okay?tumungo naman sya at umalis na.. Pupunta a naman ako sa parking lot ng school at sumakay naman ako sa kotse Ko... Pagkarating ko sa bahay ay pinarada ko naman ang kotse ko sa harapan ng bahay ko at nagtungo Nasa loob ng bahay,nakasalubong ko si manang at binati ko naman ito.. Pupunta na ako sa kuwarto ko upang magbihis dahil may date mi ng gf ko na si Kristine,tinawagan nya ako kanina nagmamaneho ako,naligo na ako at nagbihis na ako,pagkababa ko ay nakita ko sila mom na may dalang maraming dalang gamit dahil aalis na sila tungo sa business trip nila.
" saan ka pupunta anak?"dad
"May date po kami ni Kristine ngayon" ako
"Sigi anak mag ingat ka ha?" Dad
"Opo dad"ako.. Ilang minuto pa ay nakumpleto na nila mom and dad ang gamit nila.
" bye anak" mom
"Bye mom ,bye dad" sabi ko sabay kiss sa pisnge nila"ingat kayo"dagdag ko pa,tumango na sila mom at tuluyan na ngan malis .. Umalis na rin ako at nagtungo sa mall para bilihan ng flowers si Kristine. Nang makarating na ako sa kanila ay nagtungo naman kami sa kuwarto nyo,
"Flowers nga pala" sabi ko
"Salamat" sabay ngiti."kukuha lang ako ng makakain natin"sabi nya at tumango naman ako. Pagkababa nya ay biglang nagring ang phone nya. Tinignan ko ito at ang nakalagayna pangalan ay baby.miko natulala na lang ako sa nakita at sinagot ko naman ang tawag nya...
"Hello babe,don't forget our dinner later,susunduin na lang kita mamaya,ilove you. Muuuaaahh!" Sabi nya sabay Patay sa phone,naluha naman ako sa narinig ko.at sabay bukas ng pinto niluwa naman ito si Kristine ,ay bilisan Kong pinunasan ang luha ko,ngunit nabigo ako
"Bat ka na iyak?" Sya
"Ahhh..may date nga pala kayo ni miko mamaya,susunduin ka na lang daw nya..at I love you daw.!" Prangkang sabi ko sa kanya na ki nagulat nya. Hinablot nya ang phone na sa kamay ko at tinignan ang call history..
"Can I explain?" Sabi nya
"No,Kristine ano pang i-eexplaine mo?niloloko mo na ako?" Naluluhan sabi ko"ilang araw na kayo?"dagdag ko pa.
"3years na" nagulat na lang ako sa sinabi nya dahil 2years pa lang kami so 1year na nya pala akong niloloko
"Fuch this!!Kristine!bat mo ako niloko,nagkulang ba ako sayo? Lahat naman bibigay ko?Halos lahat ng oras ki ginugol ko sayo, ginawa Kong Katanga tanga ang sarili ko para mapasaya ka?!tapos lolokohin ko lang pala ako" masaba Kong masik sa kanya,lumuha ulit ako at palabas na ako ng kuwarto nya ngunit pinigilan nya ako,"sorry Chester! Sorry talaga,patawarin mo sana ako" di ko na sya pinansin at tuluyan Nang lumabas at umalis sa bahay nila ,nag-drive lang ang Nang drive di ko alam kung saan ako pupunta.
.
.
Gabriel POV
Pauwi na sana ako galing mall ng may napansin akong lalaking nakahiga sa gilid ng kalsada. Nilapitan ko ito at hinawi at buhok nya dahil nakatakip ito sa kanyang mata,inamoy ko sya at Amoy alak sya. Nang mahawi ko na ang mukha ko ay nagulat na lang ako.
Si sir.chester pala ito.. Niyugyog ko sya upang magising pero bigo akong gisingin sya. Kaya kinagat ko naman ang malambot nya kamay kaya napasigaw ito ng malakas..
"AAAARRRAAAYYY!!!!"sabay tingin nya sakin
" sir?o-okay lang ba kayo?"sabiko "Amoy alak kayo sir,mukhang nasobrahan po kayo" dagdag ko ulit..pero naktitig lang sya sakin...Nang bigla nya akong halikan sa labi.. Nagulat naman at namula pisngi ko
"S-sir!? Aa-ano ba!?" Natulak ko sya ng bahagya.at nakatulog na lang sya ulit..di ko na siya ginisinh pa.
.
.
Chester POV
Pagkagising ko ay may unan at kumot na ako habang nakahiga sa kalsada at ang kinagulat ko pa ay may katabi akong cute na lalake,di ko nakita ang muka nya dahil nakaharang ang buhok nya pera alam Kong cute talaga ang katabi ko,hinipan ko ang buhok nya at nagtagumpay naman ako sa paghawi dito. Napansin ko na lang na mukhang pamilyar ang lalake ng katabi ko,Nang iharap ko ang mukha nya sa mukha ko ay laking gulat ko sa kanya. Si Gabriel pala ang katabi ko .. Ngunit tulog parin si Gabriel kayat pinag-masdan ko muna sya ng maputi.
"Ang cute mo talaga,sana maging tayo na lang" sabi ko sa isip ko..
.
.
Gabriel POV
naramdaman ko ang hininga ni chester ,ang bango padin kahit bagong gising sya at Amoy Alak..napansin ko na din na Panay ang titinig sya sakin..naramdaman ko na rin na hinarap nya ang mukha nya sa mukha ko kayat namula ang pisngi ko ng di ko minumulat ang mga mata ko.. Naramdaman ko na lang na tumayo sya kaya minulak ko na lang ang mata ko..
"Sir,gising ka na pala" ako
"Ahhh.ehh, b-bakit mo ako sinamahan dito delikado dito"utal nyang sabi na masungit na boses.
" sir,ngayon po kasi ang Simula ng trabaho ko na pagiging P.A mo"sabi ko ,at napatango na lang sya.niligpit ko na lang ang hinigaan namin at,sumakay na lang sya sa kotse nya.
"Bilisan mo dyan ,magkita na lang tayo sa school" hasik nya na masungit.
"Okay po sir" sabay ngiti
Pumasok na ako sa bahay namin dahil malapit lang naman ang pinag-tulugan namin kayat mabihis akong nakapasok sa bahay namin at alam naman ni mama na sa labas ako matulog dahil alam nya naman na kasama ko si sir.chester Umakyat nalang ako a kuwarto ko at naligo na rin. As usual ang morning routine ko ,pagkatapos ay hinatid ako ni mama sa school.pag pasok ko sa gate ay lahat ng nadadaanan ko ay napatingin sakin, di ko alam kung bakit sila napatingin sakin kaya di ko na lang ito pinansin.
"Diba yan yung kasama ni Mr.Ramirez matulog sa kalsada?" Sabi ng isang babae.
"Oo nga Bessy sya nga" sabi ng beki na kasama nito.
Oo nga pala! Matulog kami sa kalsada kaya pala sila napatingin sakin,nakita ba nila kami!!?
Pag pasok ko sa room ay lahat sila napatingin sakin.
"Kamusta tulog nyo?" Tanong nung lalake sakin.
"Sayang pare, sana ako na lang katabi nya" sabi nung lalake,gwapo naman yung lalake kaya't napatingin ako.nginitian nya ako sabay kindat.
Pagkaupo po ako ay lumapit kaagad sakin yung lalaking gwapo.
"Hi!" Sya
"Hello" sabay ngiti
"BTW,ako nga pala si mark Vince delos Reyes" sabay lapat ng kamay nya.kinamayan ko naman sya at sabing
"Im Gabriel Cruz, and I'm gay" ngumiti sya at nanlaki ang mata nya ,nagtaka ako dahil nagpakilala naman ako kahapon. Siguro absent sya kahapon.
"Mabuti naman,may pag-asa pala ako" sabi nya sa mahinang boses ,sobrang hina talaga... Ilang sigundo ay bumukas ang pinto at si chester pala yun, napatingin kami ni Vince sa kanya... Papasok na sana nya ngunit napatitig sya samin.. Nakita ko na lang na sumimangot ang mukha nya.
.
.
Chester POV
Pag-kagising namin ni Gabriel ay dumiretso na ako sa bahay ko. At naligo na rin ako at nagayos na rin.. Nung makarating na ako sa school ay dumiretso kaagad ako sa room,pagkabukas ko ng pinto ay bumungad kaagad sakin si Gabriel na may kausap, napasimangot namanbako ng bahagya dun ,alam kong napansin nya iyon kaya umiwas na lang ako ng tingin sa kanya.
"Hi sir!Good morning" sabi nya,di ko naman sya pinansin dahil sa nakita ko kanina.
"Bakit parang bad mood ka sir?" Dagdag nya pa.
"Ano ba !?bat ba ang kulit mo?" Hasik ko sa kanya kaya napatigil lamang sya at nanahimik.Ilang sigundo pa ay dumating na ang prof. Namin upang maglesson. Natapos ang unang subject namin ay agad naman akong ,tumayo at aakamang lumabas sana ngunit may tumawag sakin.
"Sir!" Sya
"(Lingon)Ano!" Sabi ko sa masungit na Boses
"Sabay kana samin ni Vince mag recess?" Sya
Napatingin ako Kay Vince at tumalikod na ako,ngunit kinukulit parin ni Gabriel kaya nasigawan ko sya.
"Ano ba ha?!di kaba titigil!?" Napatingin naman ang mga nakapaligid samin ,napayuko na lang si Gabriel at ramdam kong nahihiya sya sa mga tao.
"Gusto ko lang naman na parati tayong sabay" sabi nya bahang naka yuko, nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga sinabi nya. Napa yuko na lang ako sa sinabi nya.
.
.
Vince POV
Nan laki ang mata ko sa sinabi ni Gabriel na gusto nya daw parati nyang ka sabay si Chester.. Oo nagselos ako dun pero di ko lang pinahalaka sa kanina.

AmnesiaWhere stories live. Discover now