Lemon Squares - Chapter 12

128 2 0
                                    

Sam's POV

"Uy, gumising ka nga jan. Bumangon ka na, may pasok pa tayo ee." -- Sino 'to? Natutulog ako ee.

"Ano ba? Linggo ngayon wala kaming pa--"

WAIT, NANANAGINIP BA KO?

"Siyempre, joke lang." -- Siya nga 'to, tawa niya palang ee.

"YAAAAAAATSS!" -- Niyakap ko siya ng mahigpit.. Grabe, na-miss ko 'tong lalaking 'to.

"Grabe, Taps, na-miss kita."

"Anong ginagawa mo dito?!?"

"Na-homesick ako. Ayoko na dun, next time na ulit ako babalik. Isasama na kita." -- Grabe, ang laki ng pinagbago ni Felix.. Lalong gumwapo 'tong kababata ko.

"Wow, aa. Siguraduhin mo lang... Pero, hanggang kailan kayo dito?"

"Gusto kong dito magtapos ng High School."

"WAAAAAAAAAAAA. TALAGA?" -- niyakap ko siya ulit.

"Na-miss mo talaga 'ko, no? Bumangon ka na jan.. Alis tayo.. Tanghali na, nakahilata ka pa jan."

"Saan naman tayo, pupunta?"

"Basta, surprise. Sige na! Maligo ka na!"

Tumakbo talaga ako sa CR agad. Tapos naligo ako.

Siya si Felix, kababata ko. Kalaro ko siya lagi nung bata ako. Lagi kaming magkasama. Sabay namin gawin ang halos lahat ng bagay. Kaya nga nung umalis sila ng pamilya niya papunta sa states nung 11 ako, 12 siya, ilang linggo ako hindi pumapasok, laging walang gana kumain at hindi masigla. Hindi niya nga alam pero, crush ko siya.

Kaya ngayon, eto, nagmamadali magayos para sa lakad namin.

"Hoy, Sam. Ang tagal mo naman jan sa loob."

"Tapos na 'kong magbihis, eto na."

Lumabas na 'ko ng kuwarto. Nakita ko siya... Ang laki ng tinangkad niya. 

"Tara na." -- Kinuha niya yung kamay ko, tapos bumaba na kami. -- "Tita, alis na po kami!"

"Sige!" -- Siya ang pinakapinagkakatiwalaan ni Mama, pagdating sa'kin.

Paglabas namin, --  "Saan mo ba talaga ako dadalhin?"

"Basta."

Medyo naiilang pa 'ko kasi ang tagal namin di nagkita. Ngayon, naglalakad lang kami, papunta kung saan man iyon.

Nag-ring yung phone ko, si Luke. Hindi ko pa siya kayang kausapin. Pinatay ko.

"Oh, bakit hindi mo sagutin?"

"Aa, wala, hindi naman kasi importante."

"Aa, okay."

Wait, parang familiar 'tong nilalakaran namin.

"Konting lakad pa."

"Parang alam ko 'to."

"Dapat lang. Dito tayo laging naglalaro nung bata pa tayo ee."

Nanlaki yung mga mata ko. Alam ko na 'to. 

"Yung park!" -- Napatakbo ako. Natatanaw ko na yung park na may playground malapit lang sa amin. Hinila ko siya. Na'miss ko 'to. 

"Sandali lang, Taps. Umaga pa lang. May buong araw pa tayo."

Pagdating namin dun, umupo agad ako sa swing... Buti nalang hindi ako nag-dress ngayon. Naka-pantalon ako... Hindi ko maalis yung tingin ko sa paligid.. Naalala ko lahat ng mga panag-gagawa namin dito ni Felix nun. Kahit hindi na kami masyadong bata nun, naglalaro pa rin kami dito.

Kung Hindi Lang Kita MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon