*April's POV*
Tatlong-taon ka ng nanligaw sakin pero palagi nalang kitang tinatanggihan. Sa kadahilanang ayaw ko muna mag nobyo. Dahil para sakin, hadlang lang yun sa pag-aaral ko. Pero sa totoo lang, nagustuhan kita. Yung effort mong sunduin ako ng maaga at sasabayan papuntang skwelahan, yung sinasamahan mo ko palagi 'pag nag recess na o lunch break, at hanggang uwian nandyan ka pa din at matiyagang inaantay ako kahit matagal 'pag may practice kami. Sa araw-araw mo ginagawa sakin yan, hindi,imposibleng magustuhan kita. Ikaw ang hinahangad ng mga kababaihan. Handa kang maghintay kahit gaano katagal mapasagot mo lang ako. Maraming naiinis sakin kasi pa hard to get daw ako. Oo, pa hard to get ako, kasi di ako katulad ng iba dyan na porket gwapo na ang manliligaw eh wala pang isang linggo ay sasagutin na. Pero binaliwala lang natin sila. Palagi mo nga akong ipinagtatanggol sa kanila. Ang tanging aafot mo lang sa kanila ay "Mahal ko siya at handa akong maghintay kahit gaano pa katagal. Di ako susuko, kasi ang mga taong sumusuko at talunan." Kaya ayaw mong sumuko kasi ayaw mong making talunan. Nakakahanga ka.
BINABASA MO ANG
Too Late
Short Story"Too late. I am too late. Sinukuan mo na ako. Kung kailan nakapag desisyon na ako, saka kapa sumuko. Huli na ba talaga? Wala na bang pag-asa?"