****All Characters and Events in this story are entirely fictional. Any resemblance to events,real persons, living or dead is purely coincidental****
Namtar's POV
Philippines 2002
Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang alarm sa aking uluhan. Inabot ko ito at pinatay upang tumigil na ang nakakarinding tunog na naiiwan sa loob ng aking tenga.
Inayos ko ang aking higaan. Iniligpit ang kalat na natira kagabi habang nag aaral ako at nagpainit ng tubig panligo.
Binuksan ko ang maliit na bintana sa aking kuwarto at pinagmasdan ang kalye sa labas. Madilim pa ang paligid. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng makita ang oras sa aking alarm clock.
Alas kuwatro ng madaling araw. Iyon ang oras ng aking pagbangon kahit na nga ba gabing gabi na akong umuwi. Tulog na tulog pa ang buong kabahayan at aking mga kapitbahay ngunit maririnig na sa aking kuwarto ang ingay ng umiihip na takure, ang mahinang tulo ng tubig sa banyo at ang tunog ng aking mga buto sa katawan habang nag iinat.
Nagtapis ako ng tuwalya habang inihahanda ang aking unipormeng gagamitin sa eskwela. Pinagmasdan ko ang makapal na bond paper na aking pinagpuyatan kagabi bago ito isinilid sa loob ng aking bag. Isang kuntentong ngiti ang gumuhit sa aking mukha bago nag inat muli. Naging routine ko na ito sa nakalipas na limang taong pag iisa.
Ako nga pala si Namtar. Dalawampung taong gulang at nag iisa na sa buhay. Mas tama sigurong sabihing mas pinili kong mag isa sa buhay dahil sa pangyayari na nakapaikot sa aking pagkatao.
Wala akong kakilala maliban sa ilan kong kaklase sa unibersidad. Tahimik at hindi palakaibigan. Kahit sa aming lugar ay tanging inuupahan ko lang ang nakakakilala sa akin.
"Aw-aww.. awwww" Nabitawan ko ang takure ng tumama ang mainit na tubig sa aking palad. Hindi ko napigilang sipain ang balde ng tubig bago pumasok sa banyo para maligo.
Hindi na ako nag tapis pa ng tuwalya paglabas ng banyo. Kinuha ko na lamang ang pagkaing tira kagabi at nagsimulang mag almusal habang isinusuot ang kupasing sapatos.
Inabot ko ang sepilyo upang mag toothbrush habang isnisilid ang ibang damit sa bag ng mapansin kong wala na pala akong toothpaste. Ginamit ko na lamang ang asin sa lababo bago lumabas ng kuwarto.
Bago pa man lumagpas ang tiklado ng orasan sa ikalima ng umaga ay binabagtas ko na ang madilim na kahabaan ng Nia Rd. Malapit lang naman ang aking pinagtatrababuhan at aabot ako kung bbilisan ko ang lakad.
"O! NAM, papasok ka na?"
Hindi ko sinagot ang tanong ni Fade. Isa siya sa mga pedicab driver na pilit nakikipagkaibigan sa akin. Magkatabi lang ang aming inuupahang kuwarto ngunit kahit kelan ay hindi pa kami nagpapag abot sa bahay.
"Makikigamit sana ako ng banyo mo kasi nasira yung akin eh.."
"S-sige."
Ibinigay ko sa kaniya ang duplicate ng susi sa aking kuwarto. Tanging higaan at at lamesa ko lang naman ang laman niyon kaya walang mawawala.
BInilisan ko ang aking paglalakad. Ngunit ilang sandali lamang ay nasa tabi ko na naman siya.
"Hatid na kita" alok nito.
"Kaya ko ng maglakad" maikli kong tugon
"Diyan ka lang naman nagtatrabaho sa kabilang kanto di ba? Hatid na kita" pangungulit nito.
BINABASA MO ANG
When A GOD Dies (COMPLETED)
RomanceKamatayan ang nagbibigay sa kaniya ng ligaya. Kamalasan ang nagpapagulong ng kaniyang buhay. Ito ang dalawang bagay na tanging mayroon siya. Siya si Namtar -tinaguriang Diyos ng Kamatayan at Pagkakasakit. Siya na nabubuhay sa kamalasan ng iba. Siya...