CHAPTER 32

1.2K 80 108
                                    

CHAPTER 32

Naghahalo lang ako ng kape habang nakatingin sa kawalan. Hindi ako nakatulog dahil sa mga narinig ko at kahit gusto kong matulog, hindi ako hinahayaang makatulog ng mga iniisip ko.

Naguguluhan na ako. Hindi ko maintindihan kung ano yung gustong iparating ni Suga. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nyang sabihin sakin yung tinatago nya. Sobrang malala ba yung sikreto nya at hindi nya kayang sabihin sakin?

"Hindi na mainit yung kape mo pero hinahalo mo pa rin." Nakabalik lang ako sa katinuan nung narinig ko si Namjoon hyung. Napatingin ako sa kape ko at may natapon na sa table ko. Hinawakan ko yung kape ko at hindi na sya mainit. Ganun ba ako katagal na naghahalo?

Uminom ako ng kape saka umasa na magigising na rin ako sa panaginip na to. Sana panaginip na lang to tapos paggising ko, kasal pa rin kami ni Suga, wala syang amnesia, wala kaming ibang babae at higit sa lahat, masaya kaming dalawa katulad ng dati.

"Naisauli mo ba yung phone nya?" Tanong ni Namjoon hyung habang umiinom rin ng kape. Umiling ako. Umalis kasi agad ako pagkatapos nung narinig ko at nakalimutan kong ibigay sa kanya yung phone nya.

"Nakalimutan kong ibigay." Sabi ko.

"Akin na. Ako na lang magbibigay." Sabi ni Namjoon hyung. Kukunin na sana nya yung phone ni Suga na nakapatong sa table ko pero kinuha ko yon saka nilayo sa kanya.

"Ako na magbibigay." Sabi ko. Ningitian naman ako ni Namjoon hyung na parang nang-aasar kaya napailing na lang ako.

"Ibibigay ko to bilang manager ng resort na to at hindi bilang Jimin na gusto syang makausap, okay?" Paglilinaw ko.

"See? Inamin mo rin. Gusto mong makausap si Suga. Bakit? Babalikan mo na ba sya?" Tanong ni Namjoon hyung kaya muntik ko na maibuga sa mukha nya yung kape.

"Hyung!" Sigaw ko saka pinunasan yung bibig ko, "Naguguluhan na ako sa mga nangyayari, okay? Wag mo muna banggitin sakin yan. Mas naguguluhan lang ako."

"Napaka-in denial mong tao. Aminin mo na kasi, mahal mo pa yung tao pero pinagsisiksikan mo dyan sa utak mo na si Seulgi yung gusto mo at hindi mo na mahal si Suga. Wag ka kasing magsinungaling sa sarili mo para hindi ka naguguluhan. Nandyan na yung sagot sa harapan mo pero mas pinipili mong tumalikod kaysa harapin yung sagot." Sabi ni Namjoon hyung habang nilelecturan ako na parang isa akong bata.

"Mahirap kasi, hyung. Sabihin na natin na tama ka. Pero hindi ako pwedeng magdesisyon ng basta basta dahil baka pagsisihan ko rin sa huli. Marami pa akong hindi alam tungkol kay Suga kaya kung babalik ako sa kanya ngayon habang hindi ko alam kung ano man yung tinatago nya, hindi ba't mas masasaktan lang ako?"

Huminga ng malalim si Namjoon hyung dahil sa sinabi ko saka ginulo yung maayos kong buhok, "Whatever your decision is, as long as you're happy with it, I'll support you. We will support you." Namjoon hyung said that made me smile.

Salungat man yung opinyon nila sa opinyon ko, alam kong susuportahan pa rin nila ako. Alam kong ayaw nila kay Seulgi para sakin pero hindi naman nila pinagsasalitaan ng masama si Seulgi.

Halos mabato ko yung kape na hawak ko nung biglang tumunog yung phone ni Suga. Simula nung pumasok sa resort na to si Suga, lagi na akong nagkakamini heart attack.

"Akin na nga yung kape mo, walang kamalay malay yan tapos mababato mo lang." Sabi ni Namjoon hyung saka kinuha sa kamay ko yung baso.

Tinignan ko kung sino yung tumatawag sa phone ni Suga at nakita ko yung pangalan ni Gabrielle. Wala man lang heart o kaya endearment na nakalagay kay Gabrielle, pangalan lang talaga nya yung nakalagay. Akala ko ba girlfriend nya si Gabrielle? Wifey pa nga nya eh.

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon