Painful tear

223 1 0
                                    

Hindi iniinda ni Gab ang sakit habang nakatingin sa kanyang kababata na may kasama nanamang ibang babae. Ok lang yan! Panigurado flavor of the month niya lang yan. O baka naman bukas wala na sila.

Pilit niyang pinapagaan ang kanyang kalooban. Tapos sa isang araw may iba nanaman. Bakit naman kasi napakamanhid mo!

~

Grade 1 siya ng sila'y magkakilala. Magisa siyang nakaupo sa pinakadulong upuan. Nahihiyang makihalubilo sa iba. Tila invisible naman siya sa lahat kaya okay lang. Hindi siya yung tipo na makulit at palakaibigan. Matured ito magisip at masyadong realistic.

Panigurado may plastik nanaman sa mga yan katulad ni Helga! Si Helga ang dating niyang kaibigan sa kindergarten bago siya lumipat dito. Sa kasamaang palad ay ginamit lang pala siya nito upang kumopya sakanya sa mga test and quizzes nila.

Di ko talaga maintintihan ang babaeng yun! Di man lang kinabisa ang pagkasunod sunod ng numbers 1-10 eh samantalang ako ay memorize ko na hanggang 100. Pati letra ay hindi rin alam. Paano pa kaya yung simpleng 1+1 napaka tamad kasing magaral! Hanggang ngayon ay may hinanakit parin ito sa kaibigan.

Tahimik siyang nagbabasa ng bagong story book na ibinigay sa kanya ng kanyang mama kahapon nang may magsalita sa tabi niya.

"May nakaupo ba dito?" Tanong ng batang lalake.

"Meron." Walang emosyon niyang sabi.

"May kasama ka ba? Teka! Bago ka rito diba?"

"No and yes."

"Wala kang kasama?" Kumunot naman ang noo ng batang babae. Stupid!

"No, wala akong kasama and yes, taken na ang seat na yan."

"Sino bang nakupo rito?" Inilagay ng batang babae ang kanyang black and white na bag sa upuan.

"My bag." Agad namang yumuko ang batang lalake at umupo sa kasunod nitong upuan.

Pagpasok ng kanilang guro ay agad niyang isinilid sa kanyang bag ang kanyang libro at agad na tumayo upang bumati.

Tulad ng nakagawian ay isa-isa silang nagpakilala hanggang sa sumunod na ang batang lalake.

"Kamusta! Ako si Christopher Dela Cuesta anim na taong gulang. Dito ako nagaral nung prep at kinder ako. Ummm.. Ano pa ba? Nakakuha ako ng medal last year most friendly first time kong makakuha ng medal at hindi ko alam na friendly pala ako pero sigurado ako na madaldal ako." Halata nga. "Lagi kasing sinasabi saakin yan ng mga tito at tita ko."

And dami pa nitong sinabi bago tuluyang umupo. Tiningnan niya ang kanyang wrist watch na kulay itim. 15 minutes?! Tsk! Aksayado sa oras.

Tumayo siya sa kanyang upuan at pumunta sa harap. "Hi I'm Alexa Gabriela Bueniventura. 6 years of age." Akmang hahakbang na siya pabalik sa kanyang upuan ng magsalita ang kanilang guro.

"Kindly describe yourself Alexa?"

"A bookworm." Tipid niyang sagot bago tuluyang bumalik sa kanyang upuan.

"Hi Alexa!" Kaway sakanya ni Christopher.

~

"Huy!" Gulat siyang napatingin kay Top. Short for ChrisTOPher.

"H-huh?"

"Are you okay?"

"I'm fine." Nanlulumong sabi ni Gab habang nakatingin sa babaeng inaakbayan niya. Iba nanaman?

"Sabay ka na saamin ni Tricia?" Ba't ganyan ka ngumiti? Nakakainis!

"It's Trixie." Sabat naman nung Tricia, Trixie whatever her name is.

Painful TearsWhere stories live. Discover now