Hindi ko alam ang unang ire-react ko, kung matutuwa ba 'ko dahil finally, nawalan na ako ng tinik sa loob ko tungkol sa planong pagpatay sa 'kin o kay daddy... o maiiyak dahil heto at nakikita ko na naman ang pagpatay niya ng walang kaawa-awa... o matutulala dahil humahanga ako sa kanya o matatakot dahil sa naging aksyon niya. Imagine his eyes turned red? I saw it. Really...
Nabalik ako sa reyalidad nang tingnan ako ni Devin, he looked emotionless... napaka cold ng pagtingin niya, he's really a serious and scary type of guy.
"Y-You... killed them?" wala sa sariling tanong ko.
"Isn't obvious?" walang kaemo-emosyon niyang tanong.
Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin, itim na ang mga mata niya ngayon. Gusto kong umatras pero nae-estatwa ako sa kan'ya.
Naramdaman ko na lang na hinaplos niya ang pisngi ko, hindi pa rin maalis ang paningin ko sa kan'ya. Ang lapit nito sa 'kin... ilang pulgada nalang ay maaaring mahalikan niya na 'ko sa sobrang lapit.
"Stay out of danger..."
Tila may sariling utak ang katawan ko at napatango na lang ako sa harapan niya. Bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam ang pinapahiwatig nito, kung dahil ba sa nakakatakot siya o dahil sa... no, I really don't know.
"Hands off, you freaking asshole."
Bumitaw si Devin sa pisngi ko at sabay naming nilingon ang nakaluhod na si Grey, namimilipit pa rin siya sa sakit pero hindi 'yun naging dahilan para masama niyang tignan si Devin-- sa kabila nang pagliligtas nito sa 'min.
"Umalis ka na dito," galit na dagdag pa ni Grey.
Nakunot ang noo ko rito. What, why is he so rude?!Niligtas na nga kami eh galit pa siya. Pero sa bagay, nagkaro'n na pala ng tensyon sa kanila dati dahil sa 'kin.
"Grey?" pagtawag ko rito pero na kay Devin ang mata niya.
"Stay out of danger, huh?" he said sarcastically, still covering his wound.
"I can kill you now if I want to," biglang bulalas ni Devin. Wala pa rin nagbabago sa ekspresyon nito. Nakita ko namang ngumisi si Grey. Damn it! Hindi niya ba alam na pwedeng gawin rin ni Devin sa kan'ya iyon?
"Wait for my wounds to get heal..." tila nagbabanta ang boses ni Grey.
Nagpapalit-palit ang tingin ko sa dalawa, they looked intensed with each other, nagsalita na ako.
"Ano bang pinagsasabi niyo?"
They both ignored me.
Akmang aalis na si Devin ng hawakan ko siya sa braso dahilan para mapatingin siya rito, agad ko 'tong nabitawan. Para siyang magagalit na ewan.
"Salamat kanina... you saved me again," I said.
Matagal lang siyang tumitig sa 'kin tapos ay umalis na nang walang pasabi.
Gumalaw lang ako nang marinig si Grey na umungol, agad ko siya nilapitan. "Shit, You're bleeding!" hindi ko akalain na ganito na karaming dugo ang tumutulo.
"Just... let’s go back to my car," aniya kaya sinunod ko na lang ito.
Inalalayan ko siyang makarating do'n, pinasok ko siya sa passenger seat at dumiretso ako sa driver's seat. Hindi siya pwedeng magmaneho sa tinamo niya.
"Give me your key," saka niya ito inabot agad.
Mabilis ko siyang naidala sa ospital, hindi ko ininda ang sugat na mayro'n ako sa ulo at pinagpaliban ko na rin ang nasirang kotse ko. Pinagpapasalamat ko na lang na ito lang ang nangyari sa 'kin.
YOU ARE READING
CRIMINAL [Under Major Editing]
Misteri / ThrillerA legendary heartless devil who will appear in Queenie's hapless life. A love that can give him supcremacy and domination... but there's one way to gain this strength...