Case #4
Natasha locked herself inside the cubicle. She was in a state of shock. Hindi siya makapaniwala sa narinig at mas lalo siyang naguluhan sa nangyari.
She bit her nail in confusion. Ngayon lang siya ulit nakaranas ng ganito. She thought she’s immune to this kind of situation dahil as much as possible ay iniiwasan niya ito.
But one way or another ay mangyayari at mangyayari pa rin ang iniiwasan niya.
Zac face flashed across her mind.
Yun pala ang dahilan kaya pamilyar ito sa kanya. Zac was Emilia’s suitor. Naalala niya ng maaga siyang pumasok at nadatnan niya ang dalawa sa classroom nila na nag-uusap. Gulat pa ng nga ang mga ito but she just shake them off. Wala naman siyang pakielam sa lovelife ng ibang tao. She’s too broken and tired to care.
Pinagtagpi tagpi niya muli ang mga pangyayari. Zac texted someone na mali-late siya.
Nanlaki ang mga mata niya.
Doon niya naisip na baka susunduin nito si Emilia pero dahil nahuli ito kaya nangyari nga ang nakita niya sa hinaharap nito.
So Emilia’s death was connected to her.
Yun ba ang sinasabi ni Anno na pag iniligtas niya si Emilia ay maraming buhay ang magiging kapalit at kasama ang kanya doon?
Kung alam lang niya na gano’n ang mangyayari ay sana sinabi na lang dito ay magiging kahithinatnan nito, pero huli na ang lahat.
Emilia’s death and she can’t bring her back to life. Kahit anong gawin pa niya. Buti na lang sana kung mangyayari pa dito ang nangyari sa kanya na muling nabuhay. Pero ayaw naman niyang matulad ito sa kanya.
But a question popped in her head.
Did Anno lie to her? Alam ba nito konektado ang kamatayan nilang dalawa?
But reapers are incapable of lying. Hindi nga nito alam ang tama at mali. Because even their sense of judgement were erased from their system. Para silang mga bata na walang kamuwang muwang sa mundo kaya imposibleng makapagsinungaling sila...
O baka naman hindi talaga alam ni Anno ang nasa likod nang ginagawa niya dahil tumatanggap lang naman sila ng utos mula sa taas.
Pero hindi naman niya masasagot ang mga katanungan sa isip niya kung puro assumptions lang ang gagawin niya. She needs to find Anno. Ito lang ang makakasagot sa kanya. But how can she summon the reaper?
+++
Natasha is in the rooftop of their building. Isang paraan lang ang naiisip niya para makausap at matawag agad ito.
Kailangan niyang mag-agaw buhay. Sa ganoong paraan ay sigurado siya na may magpapakita sa kanyang reaper.
Hindi niya alam kung magandang ideya ba na tumalon siya o hindi. Kung magpapakamatay ba siya para lang makakuha ng sagot at kung makakabalik ba siya.
Yes, she wanted to die. But she doesn’t want to experience the pain of dying. Naranasan na niya iyon at hindi niya nagustuhan. Wala namang may gusto na makaramdam ng sakit bago mamamatay ‘di ba? Tumatak pa nga sa utak niya ang nangyari na tila pag naaalala niya yun ay nararamdaman niya ulit ang mga saksak na natamo niya sa katawan.
Huminga siya ng malalim at dimanhin ang malakas na simoy ng hangin habang nakakapit siya sa railings.
Gagawin niya talaga ito pero kung maaari ay gusto niyang mamatay na lang at hindi mabuhay. At ayaw niyang maramdaman ang sakit na dulot ng pagtalon niya.
Desperado na nga talaga siya.
Dahan dahan siyang tumapak sa railings. Binalanse niya ang katawan habang nakatingin sa baba. Nasa ikaanim siya na palapag at kitang kita niya mula sa kinatatayuan niya ang mga estudyanteng tumatambay sa freedom park.
BINABASA MO ANG
A Borderline Case [Case #1]
FantasyNatasha unravels the mysteries behind her family's death, her bestfriend's suicide and her resurrection.