Prologue
Kahit saan banda ko siya tingnan, maganda talaga siya.
SOBRA!!! Nakakainlove. Infatuated ako sa kanya kaya naman nagmistula akong magnanakaw.
Palagi ko kasi siyang ninanakawan ng tingin eh. Alam mo ba kung gano siya kaganda?
Bata pa lang kami puro mga Beauty Pageant na ang sinasalihan niya. What's more, puro siya ang nakaka-bag ng major prizes at siyempre ang crown.
Teka nga, pwedeng magpakilala muna ako? Haha
Ako nga pala si Alexander Rivero, 11 years old at grade six pupil sa Merry Sunshine Elementary School.
Tama! Grade six nga!!!! Ang tanda ko na nga eh. Huling huli na ko sa mga crush na yan. Pero manahimik ka, grade one pa lang ako, crush ko na siya! ^0^
Hay MariCar, kung alam mo lang kung gaano kita kamahal, handa akong ibigay sa iyo lahat pati...
*ubo* buhay ko! Nakakainis naman kasi, hindi kami bagay.
Maganda siya, pangit ako.
Matalino siya, bobe ako.
Talented siya, lampa ako.
Di ba? Bagay na bagay kami!!!
Para ngang ansama ng panahon sa kin eh. Isa lang akong lampa, payat, at hikaing bata, pero cute ako. TALAGA!!!
Magna-9:30 na ng umaga at malapit na namang magrecess. Kahit anong gawin ko, walang pumapasok sa isip ko sa mga pinagsasasabi ni Ms. Caliguian. Puro si MariCar lang ang pumapasok sa isip ko.
Sa sobrang boring ko ay inilipat ko ang notebook ko sa huling page at isinulat ang pangalan niya.
i love you MARIE CAROLYN F. ILAGAN
Ang ganda ng name niya, nakakainlove, parang siya lang. <3<3<3
"MARICAR!!!" napatingin ako sa sumigaw ng pangalan niya.
"Halika meryenda na tayo" pag-aaya ni Janna sa kanya.
"Sige, tara lets!!!" sagot naman niya at ngumiti pa. Ano ba yun, nahuhulog na ang puso ko, pakiramdam ko nasa tiyan ko na eh!. OA ba? Haha, sorry ha, ganyan ako ka-inlove sa kanya!
Lumabas na din ako at nagmeryenda. Naramdaman kong ay umakbay sa kin.
"Alex, meryenda tayo tol" pag-aaya sa kin ni Carlo, isa sa mga classmates ko.
"Sige sabay na tayo" pagsang-ayon ko naman sa kanya.
Bumili ako ng casava cake, juice, at dalawang Fox's candy. Si Carlo naman bumili ng Piattos at 8oz coke. Sus! Hindi naman malusog pinagbibibili nito.
Pero masarap yun, mahal nga lang kasi di ko afford. :-(
Bumalik na kami sa classroom.
Pagpasok namin...
"ALEX RIVERO! WHAT IS THE MEANING OF THIS?" sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang Casava cake ko at nahulog. Tiningnan ko ang sumisigaw.
Si MariCar.
At tiningnan ko ang itinuturo niya. Ang pangalan niya na nakapaskil sa blackboard.
T-Teka! Ako ang nagsulat dun ah!!!!
Tumakbo ako papunta sa table ko at tiningnan doon ang notebook kung saan ko isinulat yun. Pano ba nila nakuha yun!
"Ehem ehem, Alex, wag ka nang maghanap diya. Nasa amin yung notebook mo eh" at narinig ko ang mga harutan ng mga classmates ko. Sa loob loob ko napapangiti na ako dahil inaasar nila ako sa babaeng matagal ko nang hinahangaan.
"WILL YOU PLEASE SHUT UP!!!! HINDI AKO NATUTUWA DITO!" sigaw pa ni MariCar.
Kinuha niya sa blackboard ang papel na nakapaskil at lumapit siya sa kin. Pero mukha siyang galit. Hindi ko nagawang tingnan siya ng diretso sa mata.
*PAK!* Isinampal niya sa akin yung paper. T.T
"Hoy! Mandiri ka naman sa sarili mo! Alam mo bang madaming gwapo ang nagkaka-crush sa kin ha? Anong ipapakita kong mukha kung nalaman nilang nagkakagusto sa kin ang isang lampa, sakitin, at abnormal na katulad mo! Hindi ko gustong maging crush mo! It's not worth it, dahil ang beauty ko, hindi para sa yo! At para malaman mo, isang kahihiyan ang magkaroon ng isang tagahangang tulad MO!!!!"
ARAY NAMAN! Kahit lalaki ako, gusto nang tumulo ng luha ko, at sa sobrang pagkapahiya, tumakbo ako nang di man lang tinitignan ang daan kaya nauntog ako sa pader.
Tumawa pa sila.
Tumayo ako at tumakbo palabas.
At hindi na ako nagpakita kahit kailan sa kanila.
NOT AFTER 10 YEARS...
[A/N: I will continue this story pag natapos ko na yung TUBATHB and I hope support niyo po ang story na to, kung paano niyo sinuportahan ang TUBATHB!
see you soon guys :-)]
Copyright © 2012 by Cofi_twiinkles stories
ALL RIGHTS RESERVED. No part of these stories may be reproduced or
transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including
photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system,
without the written permission of the author, except where permitted by
law.

BINABASA MO ANG
A Heartless Winter (The Frog Prince and The Foxy Princess)
Historia CortaMaricar: Isang kahihiyan para sa akin ang magkaroon ng tagahangang tulad mo! Malnourish ka! Alexander: :'( [ran away] after 10 years... Maricar: O.O what a handsome prince! Alexander: ;) Bumalik ba siya para mahalin muli si Maricar? o para paghigan...